Mga halimbawa ng mga salawikain

Mga halimbawa ng mga salawikain

Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.
Paliwanag: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin
ang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya

Pag kahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Paliwanag: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay hahantong din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay talagang nakalaan para sa isa't-isa.

Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.
Paliwanag: Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat magtipid at mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan. Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa sa atin.

Magandang pamintana, masamang pang kusina.
Paliwanag: Sa modernong panahon, maaaring ipakahulugan ito na “magandang idispley na siyota, pero tamad sa kitchen!” O kaya'y walang alam na gawaing bahay ang kasintahan o asawa, ngunit seksi o makisig pumorma.

Kadalasan, ang karikta'y ginagawang isang bitag upang siyang ipanghuli Noong ibig ipahamak.
Paliwanag: Totoo hangga ngayon, at ginagamit pa ring padron kahit sa telenobela, gaya ng Marimar. Ang pisikal na ganda ay malimit umanong pang-akit upang ibulid sa masama ang isang tao.

Ang puri at ang dangal, mahalaga kaysa buhay.
Paliwanag: Ang “dangal” at “puri” ay halos magkasingkahulugan at tumutukoy sa “honor” sa Ingles. Kaugnay ng “puri” ang “chastity,” “virginity,” at “respect” ngunit hindi limitado rito ang pakahulugan. Muli, ang dalisay na loob ang isa pang katangian ng kagandahan, at gagamitin kahit ng Katipunan.

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
Paliwanag: Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas na hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalo pang maghirap.

Kahit saang gubat, ay mayroong ahas.
Paliwanag: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa
ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.
Paliwanag: Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang
gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa mo ay tutulungan ka rin nila.

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
Paliwanag: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Paliwanag: Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi talagang nakalaan para sa iyo.

Kung may isinuksok, may dudukutin.
Paliwanag: Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.
Paliwanag: Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali. At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may sala.

Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.
Paliwanag: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mga pagkukulang ng sariling anak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Paliwanag: Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marinig ng iba nang hindi mo nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa ibang tao.

25 comments:

Anonymous said...

NIce!!! It really gives me more info on how to use Salawikain..

Anonymous said...

Thank you for the information. It really helps me to make my assignment well.

Anonymous said...

Thanks for the information. I made my project very well. COME AGAIN... BWAHAHAHA ♥

Anonymous said...

Thank you, nakatulong sa pag-gawa ko ng PROJECT.

Anonymous said...

Don't care^

Anonymous said...

tnx

Anonymous said...

tnx by:SHAINA LUCELLE ROBINOL

Anonymous said...

salamat sa info,natapos ko rin ang aking assignment

Anonymous said...

wow very informative cool,awesome,interesting and helpful for my oral exam i hope i will get a high score and please never forget the lord god

Anonymous said...

ooh and awesome clock!!! teach me how to do that some time=declaro

Anonymous said...

tnx for the information i've finish my homework very well...........

Anonymous said...

Not helpful at all.... i put one in my project that is why thats not helpful.. xD joke

Anonymous said...

Uyhh thanks.! nagawa ko yung assignment ko.! THANKS.! ^_^

Anonymous said...

thank you so much kasi nakapag pass ng project ang anak ko....

Anonymous said...

kailangan pa ng 50

Anonymous said...

WEll.... kahitnaka pass ako ng project 74 naman ako no creativity eh... pero tnx

Anonymous said...

sasabihin ko ito dahil totoo naman. Sana hindi nagawa o naimbento ang google dahil ang mga mag-aaral ay nawawalan ng sipag at tiyaga dahil kung may project imbes na mag-solve sa math sinisearch nalang dito kaya talagang bad influwence ang google. Wag naman sana kayong magalit dahil totoo naman.....

Anonymous said...

SO DO I 3:)

Anonymous said...

Maraming salamat po naintindihan ko na po ang salawikain at nagawa ko na rin po ang gawaing bahay ko marami pong salamat

Anonymous said...

good job =D informative for us students..

Anonymous said...

Maraming salamat po.... :)
Sana magtagal itong website na ito :))))

Anonymous said...

ang panget

Anonymous said...

helpful,very very helpful

Anonymous said...

Thanks it help me to made my assignments well...

Anonymous said...

Thanks I made my project well and helps for the life of the people

Post a Comment