Ang Araw at ang
Hangin
Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang hangin? Madalas
daw ay nag-aaway itong dalawang ito noong araw dahil sa nagpapalakasan nga.
Isang araw, sinabi ng hangin, “O, gusto mo ba talagang
patunayan ko na mas malakas ako kaysa iyo?”
Ngumiti ang araw. “Sige, para hindi ka laging nagyayabang,
tingnan natin. Hayun, may lalakeng dumarating. Kung sino sa ating dalawa ang
makakapagpaalis ng suot niyang polo, siya ang kikilalaning mas malakas.”
“Payag ako. Ngayon din”, magkakasubukan tayo, “malakas na
sagot ng hangin. “Ako ang uuna,” dugtong pa niya dahil ayaw niyang maging
pangalawa sa anumang labanan.
Sinimulan niyang hipan ang naglalakad na lalake. Sa umpisa
ay tila nagustuhan ng tao ang hihip ng hangin kaya naging masigla at bumilis
ang lakad nito. Nilakasan ng hangin ang paghihip. Isinara ng tao ang lahat ng
butones hanggang sa may leeg ng kanyang polo. Inubos ng hangin ang buong lakas
sa paghihip. Lalo namang pinakaipit-ipit ng mga braso ng lalake ang damit dahil
tila giniginaw na siya.
Nanghina na nang katakut-takot ang hangin sa paghihip niya
ay talagang hindi niya makuhang mapaalis ang damit ng lalake. “Sige,” sigaw
niya sa araw. “Tingnan naman natin ang galing mo. Marahil, hindi mo rin naman
mapapahubad ang taong iyon.”
Pinalitaw ng araw ang sinag niya, at unti-unti niyang
pinainit ito. Tumulo ang pawis ng lalake. Dinagdagan pa ng araw ang init na
inilalabas niya, at ang lalake ay nagkalas ng mga ilang butones sa baro.
Maya-maya, nang uminit pang lalo ang araw, hindi na nakatiis
ang tao at tinanggal nang lahat ang mga butones ng polo at hinubad ito. Panalo
ang araw! Mula noon, di na nagyabang uli ang hangin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento