Si Apollo, si Aurora,
at si Clytie
May isang mahalagang katungkulan si Apollo ang diyos ng
araw. Tuwing umaga ay sumasakay siya sa kanyang gintong karuwahe at tangang
mahigpit ang riyenda ng mga kabayo ay naglalakbay siya nang buong maghapon. Sa
katapusan ay pumapasok siya sa tarangkahan ng kanluran.
Si Aurora ay diyosa ng bukang-liwayway. Siya ang nagbubukas
ng pinto sa silangan at humahawi ng itim na kurtina ng gabi, nagtataboy sa mga
bituin upang maging handa ang lahat sa pagdating ni Apollo.
Laking lungkot ni Aurora nang ang isa sa kanyang mga anak ay
namatay. Umiyak siya nang umiyak. Tuwing madaling araw habang ginagampanan niya
ang kanyang katungkulan ay pumapatak ang kanyang luha na parang, butil ng
kristal sa damuhan.
Si Clytie ay isang masayang nimpa sa tubig. Nang makita niya
si Apollo ay inibig niya ito. Ngunit hindi siya pansin ni Apollo. Mula umaga
hanggang sa dumilim ay tinatanaw ni Clytie ang kinahihibangan niyang si Apollo.
Sinusundan niya ng tanaw ang paglalakbay ni Apollo.
Dahil sa awa sa kanya ng isang diyosa ay ginawa siya ng
isang bulaklak na laging nakatanaw sa liwanag ni Apollo. Pagsapit ng dilim at
wala na si Apollo siya ay napapatungo at nalulumbay.
Hango sa kuwento ni L. Salvador
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento