Mga Uri ng Teksto:
1. Tekstong
impormatibo/ekspositori
Deskripsiyon : Ang tekstong ito ay isang anyo ng pagpapahayag na
naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito
ang mga batayang tanong ano, kailan, saan, sino at paano. Pangunahing layunin
nito ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay
na daigdig. Naglalahad ito ng mga kuwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag
ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari, mahalaga ang pagbabasa
ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang
kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang
detalye at pagpapakahulugan ng impormasyon.
May iba't ibang uri ang tekstong
impormatibo depende sa estruktura ng paglalahad nito:
a) Sanhi at Bunga - ito ay estruktura ng paglalahad na
nagpapakita ng pagkaka-ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan
ay naging resulta ng mga naunang pangyayari. Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat
ang malinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit
nangyari ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga)
b) Paghahambing - ang mga tekstong nasa ganitong
estruktura ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa
pagitan ng anomang bagay,konsepto o pangyayari.
c) Pagbibigay-depinisyon - ipinaliliwanag ng ganitong uri ang
kahulugan ng isang salita, termino at konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol
sa isang konkretong bagay gaya ng uri ng hayop, puno o kaya naman ay mas
abstraktong mga bagay gaya ng katarugan o pag-ibig.
d) paglilista ng Klasipikasyon - ang estrukturang ito ay
kadalasang naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba't ibang
kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ng pagtalakay. Nagsisimula ang
manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at pagkatapos ay
bibigyang-depinisyon at halimbawa ang iba't ibang klasipikasyon o grupo sa
ilalim nito.
2. Tekstong Deskriptibo: Makulay
na paglalarawan
Layunin : Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng
isnag bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.
Deskripsiyon : Ang tekstong Deskriptibo ayisang uri ng paglalahad
at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon. Ang uri ng sulating
ito ay nagpapaunlad ng kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang
partikular na karanasan. Nagbibigay din ang sulating ito ng pagkakataon na
mailabas ng mga mag-aaral ang masining na pagpapahayag.
Mga Katangian ng Tekstong
Deskriptibo:
1) Ang tekstong
deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa
mga mambabasa.
2) Ito ay maaaring
maging obhetibo o suhetibo, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat
na gumamit ng iba't ibang tono at paraan sa paglalarawan.
3) Ang tekstong
deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong
detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang
bagay o anomang paksa na inilalarawan.
3. Tekstong Persuweysib: Paano
kita mahihikayat
Deskripsiyon: Ang tekstong persuweysib ay isang uri ng dipiksiyon na
pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat
hinggil sa isang isyu. Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat
magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang manunulat. Sa
halip ay gumagamit ang manunulat ng mga pagpapatunay mula sa mga siyentipikong
pag-aaral at pagsusuri.
Ang isang tekstong persuweysib
ay naglalaman ng :
1) Malalim na pananaliksik - kailangang alam ng isang
manunulat ang pasikot-sikot ng isyung tatalakayin sa pamamagitan ng
pananaliksik tungkol dito. Ang paggamit ng mabibigat na ebidensiya at husay ng
paglalahad nito ang pinak-esensiya ng isang tekstong persuweysib.
2) Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa -
kailangang mulat at maalam ang manunulat ng tekstong persuweysib sa iba't ibang
laganap na pesepsiyon at paniniwala tungkolsa isang isyu.
3) Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu - ito ay
upang epektibong masagot ang laganap na paniniwala ng mga mambabasa.
4. Tekstong
Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento
Layunin: Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento
batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Layunin din nitong
manlibang o magbigay-aliw sa mga mambabasa.
Deskripsiyon: Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng
pangyayari na maaaring piksiyon (hal.: nobela, maikling kuwento, tula) o
di-piksiyon (hal.: biyograpiya, balita, maikling sanaysay). Maaaring ang
salaysay ay personal na karanasan ng nagkukuwento. Maaari ding ang paksa ng
salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang.
Mas malalim na halaga ng
tekstong Naratibo:
- Ayon kay Patricia Melendre-Cruz (1994), kailangang suriin ang
malikhaing pagkatha bilang isang siyentipikong proseso ng lipunan. Siyentipiko
sapagkat ang mahusay na panitikan para sa kaniya ay kinakailangang naglalarawan
sa mga realidad ng lipunan at nagbibigay ng matalas na pagsusuri dito.
Iba't ibang
elemento ng Naratibong teksto:
a) Paksa -
kailangang mahalaga at nmakabuluhan.
b)
Estruktura - Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng
kuwento.
c) Oryentasyon - nakapaloob dito ang kaligiran ng tauhan,
lunan at oras o panahon kung kailan nangyari ang kuwento.
d) Pamamaraan ng Narasyon - kailangan ng detalye at mahusay na
oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at
mood. Iwasang magbigay ng komento sa kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi
lumihis ang daloy.
* mga iba't ibang paraan ng narasyon:
diyalogo
Foreshadowing
plot
twist
ellipsis
comic
book death
reverse
chronology
in
media res
deux
ex machina (God from the machine)
e) Komplikasyon o Tunggalian - ito ang mahalagang bahagi ng
kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyong
tauhan.
f) Resolusyon - ito ang kahahantungan ng komplikasyon o
tunggalian. Maaaring ito ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng
pangunahing tauhan.
5. Tekstong Argumentatibo:
Ipaglaban ang Katuwiran
Deskripsiyon : Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na
nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa
o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na
maga literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal
na pananaliksik.
* nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing
imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga
ebidensiya.
Mga elemento ng
Pangangatuwiran
1) Proposisyon- ang pahayag
na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.
2) Argumento- ito ang
paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang
panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa
proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento.
Katangian at
nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo:
1) Mahalaga at napapanahong paksa
2) Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa
tesis sa unang talata ng teksto.
3) Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga
bahagi ng teksto.
4) Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman
ng mga ebidensiya ng
argumento.
5) May matibay na ebidensiya para sa argumento.
6. Tekstong Prosidyural: Alamin
ang mga Hakbang
Deskripsiyon: Ito ay iang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng
impormasyon at instruksiyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na
bagay.
Layunin: layunin ng tekstong ito na makapagbigay ng sunod-sunod na
direksiyon at impormasyon sa mga tao upang tagumpay na maisagawa ang mga gawain
sa ligtas, episyente at angkop na paraa.
Nilalaman: Ang tekstong
Prosidyural ay may apat na nilalaman :
1) Layunin o target na awtput - nilalaman ng bahaging ito kung ano
ang kalalabasan o kahihinatnan ng proyekto ng prosidyur. Maaaring
ilarawan ang tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay katangian ng isang uri
ng trabaho o ugaling inaaasahan sa isang mag-aaral kung susundin ang gabay.
2) Kagamitan - Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang
kakailanganin upang makompleto ang isasagawang proyekto.
3) Metodo- serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.
4) Ebalwasyon- naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang
tagumpay ng prosidyur na isinagawa.
Katangian ng wikang madalas
gamitin sa mga tekstong prosidyural:
1) Nasusulat sa kasalukuyang panahunan
2) Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa hindi sa iisang tao lamang
3) Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa pamamagitan
ng paggamit ng mga panghalip
4) Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon.
5) Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay upang ipakita ang
pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng teksto
6) Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon.
Mga
Sanggunian:
STem2. December 10, 2016.
Mga
Uri ng Teksto. Retrieved from
http://uringteksto.blogspot.com/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento