Uri ng Pantukoy

Uri ng Pantukoy

Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana
ang, ang mga, mga

ang (isahan)
Halimbawa:
Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.

ang mga (maramihan)
Halimbawa:
Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.

mga (maramihan)
Halimbawa:
Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.

Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao)
si, sina, ni, nina, kay, kina

si (isahan)
Halimbawa:
Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang kalagayan nating mga Pilipino.

sina (maramihan)
Halimbawa:
Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz.

ni (isahan)
Halimbawa:
Napagalitan ni Coach Dimagiba ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa oras.

nina (maramihan)
Halimbawa:
Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Anton at Luis.

kay (isahan)
Halimbawa:
Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.

kina (maramihan)
Halimbawa:
Nakipagkasundo na si Lukas kina Juan at Pedro.

7 comments:

Anonymous said...

I DON'Y LIKE THE ANSWER....

Bokals said...

@ Anonymous - There are lots of resources that you can find in the internet. Gabay lamang po ito at maaaring makatulong sa iba

Anonymous said...

yawa ba kau ninyo kmu paie g hatagan ug answer kmu paie mamili animal

shadee natividad said...

anonymous- hnd mu ba nakita uri lng ng pantukoy ang nilabas?

Anonymous said...

salamat! :)

Jonalyn rose alforque said...

Tnx,it help m a l0t..:-*..

jayson sta.maria said...

galing,,,,,,o ikaw na

Post a Comment