Alamat ng Chocolate
Hills
Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting
Kabisayaaan, may lupang malawak subali't ito ay tuyot. Makikita mong
biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan
ka sa lugar. Subali't kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang
iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas
ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook.
Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo
ng isla na may dalawang higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog
at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangangamba na baka
magkita ang dalawa. Kaya't nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa
inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang higante.
"Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!" Ito'y
aking pag-aari at umalis ka na," galit na sinabi ni Higanteng mula saTimog
. " Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin."
"Aba!, ako yata ang nauna rito at ito'y pag-aari ko
na!" sagot ding galit ng higante mula sa hilaga. "Ikaw dapat ang
umalis!"
"Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!" sabay
padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang lugar na parang lumilindol.
"Lalong hindi maaari!" mas malakas ang padyak ng
Higante mula sa Hilaga.
Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at
maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at
binato sa isa. Subali't gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang bilog na
putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng binilog na
putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng
hininga. Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari
na tagaroon.
Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang
putik na siyang ginamit ng mga naabing higante sa pagbabatuhan.
Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon.
Namuhay ng mapayapa at masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na
kulay tsokolate na sila ring napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng
Chocolate Hills.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento