Ang mga sangkap ng balita
1. Kapanahunan/Napapanahon (Immediacy or Timeliness)--Kailangan ang pagyayari'y kagaganap o katutuklas lamang. Napapanahon pa rin ang balita kung ang pangyayari ay matagal nang naganap ngunit ngayon lamang nabunyag o natuklasan.
2. Kalapitan (Nearness or Proximity)--Higit na kinagigiliwan ng mga mambabasa ang mga pangyayari sa kanilang paligid kaysa sa mga pangyayaring nagaganap sa malalayong pook . Ang kalapitan ay maaring tumukoy rin sa kalagayang heograpiya (geographical nearness), kaangkan (kinship), kapakanan (interest), atbp.
3. Katanyagan (Prominence)--Kung ang paksa ng balita ay bantog o tanyag, ito ay nakaaakit at nakatatawag-pansin. Maaaring ito'y ukol sa isang pinuno ng pamahalaan, lider ng purok, mgataong kilala o dakila o tanyag sa lipunan. Maaari ring paksain ang isang matulaing pook.
4. Tunggalian (Conflict or Struggle)--Ano mang pangyayaring naglalarawan ng paglalaban, pagpapaligsahan at pagsasapalaran ay balitang interesante. Ito'y maaaring pagtutunggali ng katawng pisikal at mental; tao laban sa kapwa tao; tao laban sa hayop; tao laban sa kalikasan; tao laban sa kanyang sarili.
5. Kahulugan o Kalabasan (Significance or Consequence)--Kung ang isang pangyayari o bagay ay may ibubungang kabutihan o kasamaan ay nakatatawag-pansin, ano ang kahulugan o kalalabasan kung ang Komunismo ay ating tatangkilikin?
6. Di-karaniwan, Pambihira (Oddity, Unusualness)--Mga bagay na pambihirang mangyari gaya ng isang tao na napabalitang nagdadalantao, o ng isang taong patay na nabuhay at nang nakita niyang nasa loob siya ng ataol, siya'y namatay uli dahil sa takot.
7. Pagbabago (Change)--Ano mag pagbabago, maging sa pag-unlad o sa pagsama ay nakatatawag-pansin.
8. Pamukaw-Damdamin o Kawilihan (Human Interest)--Ito'y umaantig ng damdamin at kaukulang reaksyon ng mambabasa upang siya ay paiyakin, patawanin, pagalitan, pahangain, atbp.
9. Romansa at Pakikipagsapalaran (Romance and Adventure)--Ang romansa ay hindi nauukol sa pag-iibigan lamang. Isang halimbawa nito ay ang romansa ni Hemingway at ng karagatan; mga astronauts at ng kalawakan.
10. Hayop (Animals)--Magandang paksa sa balita ang mga hayop na may katalinuhan.
11. Pangalan (Names)--Kung marami ang mga pangalang nakalathala na nasasangkot sa balita, dumarami rin ang mga mambabasa.
12. Drama (Drama)--Ang daigdig ay isang dulaan at ang mga tao ay nagsisiganap ng dula ng tunay na buhay. Ang misteryo, pag-aalinlangan (suspense) o komedya ay nagbibigay ng kulay sa isang kuwento.
13. Kasarian (Sex)--Ito'y nagbibigay ng kawilihan na karaniwang natutunghayan sa romansa, pag-aasawa, paghihiwalay at pagdidiborsiyo. Nailalarawann rin ang mga kasarian, halimbawa kung ang isang babae ang pinuno ng mga bandido o kung ang naihalal na pangulo ng isang bansa ay babae gaya ni Gloria M. Arroyo.
14. Pag-unlad o Pagsulong (Progress or Advancement)--Magandang paksa ng mga ito sa balita.
15. Mga Bilang (Numbers)--Marami ang mahilig magbasa ng mga estatistiks tulad ng ulat sa pananalapi, kinalabasan ng eleksyon, panalong numero sa sweepstakes, vital statistics ng dalaga, atbp.
Salamat po!
TumugonBurahinSalamat po. Maraming maraming salamat po talaga
TumugonBurahinthe content is very authentic and very helpful especially to students like me. thank you for sharing these kind of informations
TumugonBurahin