Alamat ng Alagaw
Noong ika-labinlimang dantaon, humigit kumulang, ang Lumang
Taal ay isang masaganang balangay sa talpukan ng alon ng Lawang Bunbon na sakop
ni Raha Matapang. Ang Batangan tulad ngayon ay di pa lalawigan natatatag kundi
pulu-pulutong na mga balangay sa ilalim ng kapangyarihan ng iba't ibang raha at
lakan. Noong panahong iyon ay kaylimit ng mga Moro ang baybay-dagat ng Balayan
pati ng Ilog Pansipit. Dahil dito'y nagtakip ang mga munting balangay upang
magdamayan at isailalim ang pangangasiwa ng ng lalong matapang at
makapangyarihang lakan. Ang Taal ang pinakamatibay na moog laban sa Kamorohan.
Minsan, si Raha Matapang, bantog na mandaragat ay nagpadala
ng mga kawal upang sagupain ang mga Moro sa larangan ng digma sa baybayin ng
Mindoro. Ito'y kanyang isinagawa upang ang kanyang kaharian ay malayo sa
anumang kapinsalaan ng digma. Napabilang sa mga kawal ang binatang si Marahas
na uliran sa bait at sigla. Bago lisanin ni Marahas ang kasintahang si Mutyang
Marikit ay nagbilin ng ganito,: "Minamahal kong Marikit sa pag-alis ko ay
dala ko ang kabuhayan at kamatayan. Ang utos ng ating Matanda aydi maaaring
suwayin. Ikaw ang unang-unang pupula sa akin kung tatalikdan ko ang tungkuling
inatas ating balangay."
"Oo, lilisan kang baon ang aking pagmamahal."
Si Marahas nagpatuloy: "Iiwan ko sa iyong kandili at
pag-aruga ang isang halamang ituring mo na ring ako- ang aking sarili. Kung
ako'y masawi ito'y malalanta. Kaya siya'y diligan mo at paka-ingatan. Ang luha
mo lamang ang tanging lunas."
Naghiwalay sila.
Nalagas ang mga araw sa tangkay ng panahon. Walang balitang
galling kay marahas. Patuloy rin ang pagmamalasakit ni Marikit sa
halamanginiwan sa kanya ng kanyang giliw. Pinagyaman niya ang nasabing halaman
sapagka't ito lamang ang naiwang tanging sanla ng irog at taga-pagpaalala ng
kanyang katapatan.
Isang araw ,ang halaman ay nalanta. Nagsadya siya sa palasyo
ni Raha Matapang upang makibalita tungkol kay Marahas. Ang mga kawal na
nagbalik mula sa digmaaan ay nagpatunay na si Marahas ay nasawi, nguni't
nagsawing taglay ang karangalan pagka't sila'y nagtagumpay naman.
Umuwi si Marikit na ang puso ay halos mawalat sa
kapighatian. Ang tanging aliw lamang sa kanyang sarili ay ang pangyayaring ang
kanyang mahal ay namatay sa ngalan ng kabayanihan.
Gabi't araw ay dinidilig niya ang mga halaman ng patak ng
luha. Sa kanyang matamang pag-aalaga ay muling umusbong, lumago ang mga dahong
masisinsin, at namumulaklak.
Si Marikit ay naging masasakitin. Subali't ang bawat
karamdama'y may lunas. Kung siya'y dadalawin ng sakit ng ulo, nglagnat, may
sipon at nag-uubo ang mga dahon g halaman at ng mga bulaklak nito ay kanyang
inilalaga. Matapos magpunas sa pinakulong tubig siya'y gagaling agad. Kung
sumasakit ang kanyang tiyan,iinom ng tubig na pinangalagaan ng halaman.
Natambad sa ka alaman ng madla ang idinudulot nito. Nagsigaya ang mga
kapitbahay ni Marikit hangga't ang buong balangay, di lamang ang buong Batangan
kundi ang Katagalugan ay natutong uminom ng alagaw.
Subali't bakit tinawag na alagaw ang halaman? Si Marikit ang
nagbigay ng ngalan...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento