Ang Asong Bundok at
ang Tagak
Minsan, habang gahamang kumakain ang asong bundok, bumara sa
kanyang lalamunan ang isang buto. Hindi ito makahinga at halos mamatay sa hirap
na nararanasan.
Nagkataon namang napadaan ang isang tagak na namamasyal
noon. Humingi ng tulong ang asong bundok sa tagak.
"Tagak, tulungan mo akong alisin ang butong nakabara sa
aking lalamunan. Kapag naalis mo ito, ikaw ay aking gagantimpalaan,"
nagmamakaawang wika ng aso sa tagak.
Bagama't nagdadalawang-isip ay sumunod na rin ang tagak.
Dahil sa mahabang tuka nito, sandali lamang niyang naalis ang nakabarang buto
sa lalamunan ng asong bundok. Ngunit nang hingin ng tagak ang ipinangakong
gantimpala ng asong bundok ay umangal ito.
"Hindi pa ba sapat na pinayagan kong alisin mo ang
iyong ulo sa aking bibig?"
"Sinasabi ko na nga ba," sa loob-loob ng tagak.
"Pag nagsilbi ka sa isang masama, huwag kang maghihintay ng
gantimpala."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento