Ang Batang Ibon na
Matigas Ang Ulo
Ang ulilang pugad ay galaw ng galaw. May isang
inakay doon na gustong lumipad. Dumating ang inang ibon na may dalang pagkain
“Ayoko ng pagkain! Ang gusto ko ay makalipad!” pagmamaktol
ng inakay.
“Aba anak, wala ka pang pakpak! Mura pa ang iyong bagwis
kaya huwag kang pangahas,” payo ng Ina. “Inip na inip na ako! Gusto kong
tumulad sa ibang ibong nasa himpapawid na.” sabi ng matigas na ulong inakay.
“Huwag kang mainggit. Maghintay ka ng tamang panahon.
Pagsapit ng araw ay makakalipad ka rin.”
Muling umalis ang ina para maghanap ng pagkain. Ang
matinding inggit ng batang ibon ay muling umiral nang makakita ng mga ibong
lumilipad. Nangahas siyang lumipad sa paniniwalang sapat na ang lakas ng
kanyang mga pakpak. Tumingala siya at may kasiyahang lumundag sa himpapawid. Sa
halip makalipad, ang pangahas na inakay ay lumagpak sa lupa. Nabali ang mura pa
niyang pakpak.
Noon niya nagunita ang pangaral ng kanyang ina. “Maghintay
ka sa tamang panahon at maliit pa ang iyong mga pakpak.”
Aaral: Dapat sumunod
ang anak sa payo ng magulang. Walang magulang na ibig mapahamak ang kanyang
anak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento