Dalawang Uri ng Pagpapakahulugan
1. Konotasyon - Ang Konotasyon at
pagpapakahulugang maaaring mag-iba iba ayon sa Saloobin, Karanasan, at
Sitwasyon ng Isang Tao o isang pahiwatig.
2. Denotasyon - ay isang pagpapakahulugan na
naglalaman ng pangunahing kahulugan ng salita.
Mga Paraan ng Pagkakahulugan
1. Literal - tunay at pinakamababang kahulugan
Halimbawa:
Ang tinapay ay
pagkain
2. Konseptwal - Ang kahulugan ay ang konsepto, totoong impormasyon.
Mas detalyado at may siyentipikong pinagbabatayan
Halimbawa:
Ang tinapay ay
pinagalihalong harina, asukal, at itlog na minsan ay may palaman.
3. Kontekstwal - nalalaman ang kahulugan batay sa paraan ng
pagkakagamit ng salita sa pangungusap. Nnatutukoy ang kahulugan sa tulong ng
mga context clues
Halimbawa:
Si Hesus ay ang tinapay ng
buhay dahil siya ang gumagabay sa mga tao.
4. Proposisyunal - Ipinapakita ang kahulugan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng sitwasyon at pagbibigay ng halimbawa
Halimbawa:
Ang tinapay ay
ginagamit sa kakulangan ng bigas dahil mas murang umangkat ng harinang
ginagamit sa paggawa nito.
5. Pragmatik - Ang kahulugan ay batay sa aktwal na karanasan ng
naglalarawan sa ideya. Ibinibigay din ang kahulugan batay sa nangyari sa
indibidwal
Halimbawa:
Ang aking baong tinapay ay
mas masarap dahil may palaman.
6.
Matalinhaga - Hindi lantad ang
kahulugan ng salita
Halimbawa:
Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento