Alamat ng Niyog
Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang
mabait na ina. Masipag at maalaga sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya
at mahal na mahal ang kanyang mga anak.
Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahihirapan siya
sa pag-aaruga sa mga batang ito.
Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay.
Ang kaawa-awang mga bata ay nag-iyakan at ang sabi nila ay ganito: "Sino
na ang magapakain sa amin?" tanong ng pinakamatandang anak.
"Sino na ang mag-aalaga sa amin?" tanong ng
ikalawang anak.
"Sino na ang maglalaba n gating damit?" tanong ng
ikatlong anak.
Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na
di nila kilala. Siya'y maganda at maputi.
"Huwag na kayong umiyak," sabi niya. "Di kayo
pababayaan ng inyong ina. Ilibing ninyo siya at maghintay kayo sa kanyang
libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay
pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw.
Biglang nawala ang maputi at magandang babae. Akala ng mga
bata ay nananaginip lang sila.
Sumunod sampung mababait na mga bata. Pagkalibing sa ina
nila, binantayan nila ang libing araw at gabi at pagkatapos ng sandaling
panahon ay may nakita na nga silang isang halaman na tumubo.
Mabilis ang paglaki nito at kaagad naging isang mataas na
puno. Nagtaka ang mga bata dahil sa taas ng puno at sa dami ng bunga nito.
"Marahil aakyatin ko na lamang itong puno," sabi
ng pinakamatanda at dali-dali siyang umakyak at pumitas ng bunga.
"Mga ulo ninyo," ang sigaw niyang babala sa itaas.
"Ibabagsak ko ito at buksan ninyo."
Nang biyakin ng ikalawang anak ang bunga, nakita nilang may
tubig ito.
"Naku! Ang puti at ang tamis ng tubig," sabi nila.
Tinikman nila ang laman at ang nasabi ay: "Ang puti at kay sarap naman ng
lasa ng bungang ito," ang wika ng ikaapat na anak.
Naghulog pa ng maraming bunga ang batang umakyak sa itaas ng
puno.
Nagkainan at nag-inuman at ngayon nakita nila na di nga sila
magugutom pang muli. Ang mga bungang iyon ay kauna-unahang niyog ditto sa
daigdig.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento