Tungkulin Ng Wika

Anu-ano ang mga tungkulin ng wika

Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan.

Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.

Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika.

Pagsasalitaan ang tawag sa isang paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw ang usapan tungkol sa isang paksa sa pagsasaulo ng mga bagay. Sa pamamagitan ng salitaan ,nakapagpapalitan tayo ng mga kuro-kuro.

Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Iba-ibat tungkulin ng wikang pilipino ayon sa eksaktong kahulugan.

1. Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal.
    halimbawa:
    pasalita: pangangamusta
    pasulat: liham pang-kaibigan

2. Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan.
    halimbawa:
    pasalita: pag-uutos
    pasulat: liham pang-aplay

3. Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba.
    halimbawa:
    pasalita: pagbibigay ng direksyon
    pasulat: panuto

4. Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
    halimbawa:
    pasalita: pormal o di-pormal na talakayan
    pasulat: liham sa patnugot

5. Imahinasyon- nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
    halimbawa:
    pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan
    pasulat: mga akdang pampanitikan

6. Heuristic- naghahanap ng mga impormasyon o datos.
    halimbawa:
    pasalita: pagtatanong
    pasulat: survey

7. Informative- nagbibigay ng mga impormasyon.
    halimbawa:
    pasalita: pag-uulat
    pasulat: balita sa pahayagan

32 comments:

Anonymous said...

ang galing ang dami mong makukuha na information na talaga namang maiintindihan mo..GOOD JOB..GALING TALAGA :)

Lydgie Angeles said...

Ano po yung tatlong mukha ng wika?

Anonymous said...

:)

대동하고 나타난 said...

HINAHANGAAN PO KITA SA IYONG DEDIKASYON NA ITO AY MAISULAT SA IYONG BLOG. MAKAKATULONG ITO NG SOBRA SA AKING PAG-AARAL.

SALAMAT SA PAGBABAHAGI MO NG IYONG KAALAMAN.

Anonymous said...

thank u:)

frishelle gonzales said...

isang magaling na paraan upang manaliting maging DEPENDENT ang mga mag-aaral sa teknolohiya.

Bokals said...

Hindi ko po ina-advice na maging DEPENDENT ang mga mag-aaral sa teknolohiya, Ito po ay simpleng gabay lamang. Ang pinakamabisang pag aaral po ay nakukuha sa pamamagitan ng pag bisita sa library ay matutong maghanap ng mga referensya- Author(Bokals)

jamaica mirra remolleno said...

Maganda ang mga dEtalyeng napahayag.

Anonymous said...

thanks . madali maintindihan :)) NiCe one :*

Anonymous said...

thanks!

Anonymous said...

This is really helpful specially the examples. Great job!!! Hope to read more of your blogs ;))

Anonymous said...

tnx for the INFO

Anonymous said...

amo po ang talong mukha ng wika?

Anonymous said...

anu po ung tatlong mukha ng wika ???

Anonymous said...

tnx for info...

Anonymous said...

Ano po yung tatlong mukha ng wika?

Anonymous said...

Thanks po sa answers! It really help us, the students to have a research about this topics! Thanks alot!

Anonymous said...

ang laking tulong. :)
Ano po ung Kasaysayan ng Wika? Salamat.

Anonymous said...

malaking tulong nito salamat.... pwede po ba kayong magbigay ng picture o larawan o schetch ng mga pintong nabanggit

Anonymous said...

How nice 3 words 2 say: simple,consice and exact :-)

Anonymous said...

Ayos to.. super summurized but completely complete.

Anonymous said...

tnx.. exam kc namin ngaun.. hehe

Kean Allen Imam said...

maraming salamat po ... strikto kasi filipino teacher namin eh kaya nag advanced review naako :D

stephany grace i. Montero said...

nagawa ko na assignment ko :) thank you

Anonymous said...

Very informative and helpful. Good Job :) Thanks a lot for the informations, by the way,

Anonymous said...

ANO PO YUNG TATLONG MUKHA NG WIKA

Anonymous said...

keep the good job boss! :)

Anonymous said...

Maraming salamat po! Napakalaking tulong!

Nechaila Natasha Palao Dabasol said...

Ayon kay Dr.Ponciano BP Pineda ng Komisyon sa Wikang Filipino,may dalawang mahalagang gampanin ang wika;
1.) bilang identidad ng ating bansa at ng sangkapilipinuhan
2.) upang pagbuklurin ang bayan.

Anonymous said...

ok to! nakatulong saken salamat!

Anonymous said...

Mag bigay ng mga pasalitang halimbawa para sa bawat tungkulin ng wika

Anonymous said...

nice!..tnx so much.. :)

Post a Comment