Mga
Dahilan Kung Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino
1. Upang
makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan
at taglay na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan.
2. Upang matalos
natin na tayo ay may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa
mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggagaling sa ibang mga bansa.
3. Upang
mabatid natin ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto
ang mga ito.
4. Upang
malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti
at mapaunlad.
5. Bilang
mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakitr sa ating sariling kultura ay dapat
nating pag-aralan ang ating panitikan sapagkat tayo higit kanino man ang dapat
magpahalaga sa sariling atin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento