Pulong ng mga Hayop
Noong unang panahon, tinawag ng hari ng mga hayop ang lahat
ng kanyang kampon para malaman niya ang kayang gawin ng bawa’t isa.
Dumating sila at lahat ay nagnanais na ipaalam sa hari na
sila ay may higit na kakayahan kaysa iba.
Sabi ng kalabaw, “Ako ang pinakamalakas sa lahat dahil
nakahihila ako ng mabibigat na dala-dalahan.”
Sabi ng bubuyog, “Nakagagawa ako ng pinakamatamis na
pulut-pukyutan.”
Wika naman ng usa, “Walang makatatalo sa bilis kong
tumakbo.”
Sabi ng aso, “Binabantayan ko gabi’t araw ang bahay ng aking
amo.”
At nagturing din ang pusa, “Ang dagang kumakain ng palay ng
amo ko ay aking nililipol.”
Ang manok ay nagtanong, “Kaya ba ninyong umitlog?
Pang-almusal ng tao’y araw-araw kong ibinibigay.”
Tumingin ang hari sa ibon. “Hindi ka nagsasalita, munting
ibon. Ano ang kaya mong gawin?”
“Umaawit po ako,” sabi ng ibon, “para sila’y maging masaya
habang sila’y may ginagawa.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento