Ang Mabait na
Samaritano
Isang lalaki ang naglakbay mula Jerusalem patungong Jerico.
Sa daan ay hinarang siya, pinagnakawan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos
wala nang buhay ng masasamang loob.
Isang pari ang napadaan kung saan nakahandusay ang lalaki.
Ngunit nang makita niya ang lalaki, sa kabilang gilid ng daan siya lumakad.
Ganito rin ang ginawa ng isang napadaang Levite.
Isang Samaritanong naglalakbay ang napadaan at nang makita
nito ang lalaki ay nakadama ito ng labis na pagkaawa. Nilapitan niya ang lalaki
at tinulungan ito. Pinahiran niya ng langis at alak ang mga sugat ng lalaki at
saka binendahan. Pagkatapos ay isinakay niya ito sa kanyang kabayo at dinala sa
isang otel kung saan niya inalagaan ang wala pa ring malay na lalaki.
Kinabukasan, bago umalis ang Samaritano ay binigyan niya ng
dalawang pilak ang namamahala sa otel at ipinagbiling alagaan ang lalaki.
"Alagaan mo siya at sa pagbabalik ko ay babayaran ko
ang lahat ng magagastos mo sa kanya."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento