Ang Lobo at ang
Kabayo
Kahit may kaliitan, maaaring sakmal-sakmalin ka ng masibang
Lobo. Kapag natipuhan ka ng hayop na ito, magtago ka na at tiyak na lalapain ka
nito. Kapag nangangalisag na ang mga balahibo at pinaggigiyagis na nito ang mga
pangil, umakyat ka na sa pinakamataas na puno o tumakbo kaya sa pinakamalayong
burol upang di abutan at lapain ang iyong katawan mula ulo hanggang talampakan.
Upang makapanloko, ang Lobo ay nagbabait-baitan. Isang
tanghali ngang ito ay ikut nang ikot sa kagubatan ay natanawan nito ang isang
Kabayong nanginginain sa talahiban. Inggit na inggit ang naglalaway nang Lobo
sa pagnguya-nguya ng Kabayo.
“Gustung-gusto mong nguyain ang mga talahib. Nakita kitang
sarap na sarap sa panginginain kaya hindi na kita sinaluhan upang ikaw ay lubos
na masiyahan. Di ka ba magpapasalamat man lang at ipinaubaya ko sa iyo ang
buong talahiban?”
“Naloloko ka na ba?” galit na nag-aalma ang Kabayo. “Dapat
mong malaman na una, ang talahiban ay hindi sa iyo at ikalawa, ang mga Lobong
tulad mo ay hindi ngumunguya ng talahib. Lumayu-layo ka diyan at baka masipa
lang kita. Alis diyan!”
Sa takot ng Lobo ay walang lingong tumalikod at umalis ito.
Aral: Ang panloloko
ay hindi gawaing makatao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento