Tagalungsod Sila
Tonio: Nanay, bakit po nais nina Tiyo Mario na doon
manirahan sa lungsod?
Aling Nita: Paano, nasisiyahan sila roon. At doon na sila
nahirati.
Tonio: Ano po ba ang masaya sa lungsod?
Aling Nita: Marami roong bahay. Maraming tindahan. Maraming
pagawaan. Maraming sinehan.
Tonio: Tayo po naman dito sa lalawigan ay may mga sinehan
din. Dalawa pa nga.
Aling Nita: Maraming hanapbuhay sa lungsod. Marami ring,
tao. Maraming sasakyan. At maraming napaglilibangan tulad ng mga parke at mga
zoo.
Tonio: Nang pumunta po tayo roon noong isang linggo ay
napansin kong magkakatabi ang mga bahay. Ang mga bata nga po ay sa kalsada na
naglalaro. Di po ba mahirap iyon? Baka sila masagasaan ng mga sasakyan.
Aling Nita: Oo nga, ngunit ang mga pinsan mo ay
pinagsasabihan naman ng kanilang mga magulang na mag-ingat at huwag ngang
maglaro sa mga dinaraanan ng mga sasakyan.
Tonio: Sana’ y dito na rin sila manirahan na kasama natin.
Tahimik dito, malamig ang simoy ng hangin, sariwa ang mga pagkain at walang
alikabok.
Aling Nita: Hayaan mo’t kapag nakausap natin sila ay ating
hihimukin na bumalik na uli sila sa bukid.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento