Sabado, Setyembre 4, 2010

Balita

Ang balita ay ang komunikasyon ng mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahihimpawid, Internet, o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa maramihang mambabasa, nakikinig o nanonood.

·      Ang mga mamamahayag ay may ganitong kasabihan: kapag ang tao ay nakagat ng aso, hindi ito balita; ngunit kapag ang aso nakagat ng tao, ito ay balita. 
·       Sa ibang pakahulugan, ang balita ay isang pangyayaring hindi pangkaraniwan. Ito ay maaaring tungkol sa mga pangyayaring naganap o nagaganap na bago sa pandinig ng madla.

Balitang Panlokal - tumatalakay sa mahahalagang pangyayaring naganap lamang sa isang tiyak na bahagi ng bansa.
Balitang Pambansa - tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa buong bansa
Balitang Pandaigdig - tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa iba't ibang bansa sa daigdig


Bahagi ng balita:

1. Pang-edukasyon
2. Pampulitika
3. Pampalakasan
4. Pantahanan
5. Pangkabuhayan
6. Panlibangan
7. Pangkapaligiran

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento