Mga Uri ng Pangatnig

Mga uri ng pangatnig:

1. Pamukod - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man.
Halimbawa:
a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider natin.
c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan.
d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.

2. Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, disin sana.
Halimbawa:
a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.
c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.
d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.

3. Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, kahit.
Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming naninira sa kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.
d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.

4. Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa:
a. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.
b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.
d. Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang ikot.

5. Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa di-kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa:
a. Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.
b. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.
c. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang paghuhusga.

6. Panlinaw - ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.
Halimbawa:
a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.
b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.

7. Panimbang - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang  impormasyon at kaisipan, gaya ng: at - saka, pati, kaya, anupa’t.
Halimbawa:
a. Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.
b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
c. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan.
d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.

8. Pamanggit - gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw, raw, sa ganang akin/iyo, di umano.
Halimabawa:
a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.
b. Siya raw ang hari ng sablay.
c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.
d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.

9. Panulad - tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sino…siyang, kung ano…siya rin, kung gaano…siya rin.
Halimbawa:
a. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring mangyayari ngayon
b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo.

44 comments:

Anonymous said...

THANKS 4 the help.....

Anonymous said...

salamat po!

Anonymous said...

K.

Anonymous said...

maraming salamat,,,marami itong matutulungang estudyante... :))

Anonymous said...

thumbs up!

dayne fradejas said...

more power to the site ^^

Anonymous said...

THANK YOU .. laking tulong nito sa katulad kong estudyante :)

Anonymous said...

Arigato Gozaimasu

Anonymous said...

may kulang po :(

Anonymous said...

Thanks :)

Bokals said...

kung may kulang man ay pwede ninyong ibahagi ang inyong nalalaman upang makatuloing din kayo sa mga mag aaral - admin (bokals)

Anonymous said...

salamat po !!!

Anonymous said...

tnx sa kaalaman! :)

Anonymous said...

I don't understand......

Anonymous said...

thank you.... :) may sagot na ako sa assignment ko....

Anonymous said...

neomu neomu kansaham...

Anonymous said...

anu po b tlga ang tawag s letter O, pang-abay o pangatnig.??lito much aq

Anonymous said...

thank you po.......

Anonymous said...

Tnx. Nkatulong tlga..

Anonymous said...

tnx

Anonymous said...

No offense ha,parang may mali sa mga halimbawa.Lalo na sa may bandang dulo no. 8 or 9.pero salamat na rin sa info. ^_^

Anonymous said...

70 sentences ang kailangan kong mga halimbawa....

Anonymous said...

Tnx.

Anonymous said...

tnxxxxxxx!!!!!!!!

Anonymous said...

ty

Anonymous said...

thanks :D

Anonymous said...

Thankyousomuch! Hope i can find all the answers of my homeworks with the help of this website :)

Anonymous said...

Big help! po talaga thank you :))))

Anonymous said...

thank you very much. sobrang laki ng tulong na ito sa mga mg-aaral lalo na sa katulad naming magulang. salamat po.

Anonymous said...

meron bang pantulong?

Anonymous said...

Salamat po!

Anonymous said...

Thanks!hmm.

Anonymous said...

very helpful

Anonymous said...

thanks yous ^^

Anonymous said...

maraming salamat po

Anonymous said...

Pandagdag ano po yun panatnig din po pero thank you parin po

Anonymous said...

Thank you po! :)

Anonymous said...

Super thank you poh talaga at sobrang nakakatulong lahat ng impormasyon na ito samin.



Salamat poh ulit!!!!!1

angeline dumalagan said...

and thank you for coming

dumalagan said...

and maraming nakakatulong sa impomasyon na ito

dumalagan family said...

im log out see you later

Anonymous said...

thanks for helping , finding the result :)

#BaiMontawal@yourscreen :)

Anonymous said...

Teşekkür ederim

Anonymous said...

Thumbs up ^o^ Nice^^ :) XD

Post a Comment