Ang Sampung Dalaga
Ang pagtatamo sa kaharian ng langit ay itinutulad sa
pangyayari ukol sa sampung dalaga na naghihintay sa kanilang mapapangasawa. At sinabi
ni Jesus, "Magbantay kayo, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras."
Lima sa mga dalaga'y matatalino at ang lima naman ay mga
hangal.
Ang matatalinong dalaga ay nagbaon ng sobrang langis para sa
kanilang mga lampara, samantalang ang mga hangal ay hindi.
Hindi agad dumating ang kanilang mapapangasawa at sa
paghihintay, ang mga dalaga'y nakatulog. Nangagising sila nang hatinggabi na at
narinig nila ang pagdating ng kanilang mga mapapangasawa. Nagsigayak sila sa
pagsalubong. Inihanda na nila ang kanilang mga lampara. Ang mga hangal ay
naubusan ng langis kaya't nanghingi sila sa matatalino. Ngunit ayon sa mga ito
ay hindi sila mabibigyan ng langis sapagkat baka hindi magkasya para sa
kanilang lahat ang kanilang baong langis.
Ang mga hangal ay nangagsialis upang bumili ng langis. Wala
sila nang dumating ang kanilang mga mapapangasawa. Ang matatalinong
nangakahanda ay sumamang magpakasal sa mga lalaki. At napinid na ang pinto
pagkatapos.
Nang magsidating ang mga hangal na babae ay kinatok nila ang
pinto at nakiusap, "Panginoon, Panginoon, kami po'y pagbuksan ninyo ng
pinto."
"Hindi maaari! Hindi ko kayo nakikilala," ang
narinig nilang sagot sa kanila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento