Ang Higad, Ang Uod At
Ang Linta
“Huwag ugaliing manghamak ng kakayahan ng iyong kapwa,
Bagkus ay iyong respetuhin at igalang.”
Nakatira sa ilalim ng dahon ang isang uod at nakatira rin sa
isang dahon sa kabilang puno ang isang higad.
Nagkasalubong ang dalawang ito isang hapon.
“Kaibigang Higad,” ang sabi ni Uod. “Tayo nga’y maghabulan
at nang ating makita kung sino sa atin ang higit na matuling gumapang.” “Iyon
lamang pala,” agad na sagot ni Higad. “Makikita mo rin ang tulin ko ngayon.”
Pinahaba ng mayabang na Higad ang kanyang mabalahibong
katawan.
Di pa sila nag-uumpisa sa pagkakarera nang sa darating ang
kaibigan nilang Linta.
“Aha! Mabuti’t dumating ka, Kaibigang Linta. Kailangan ka
namin ni Higad,” ang bungad ni Uod. “Magpapaligsahan kaming dalawa upang
malaman kung sino sa amin ang higit na mabilis gumapang.”
“Aba, tila maganda ang inyong hamunan,” sagot ni Linta. “Ako
rin ay makikipagkarera sa inyo.”
“Kaibigang Linta, tila hindi mo kaya ang gawaing ito. Hindi
ka mananalo sa amin. Kaya’t taga-hatol ka na lamang,” paalala ni Higad.
Natuwa si Uod sapagkat aniya sa sarili, dalawa raw ang
kaniyang matatalo sa labanang iyon.
Sa madaling panahon, nag-umpisa na ang magkakaibigan.
Nagpaiktad-iktad si higad at nagpahaba naman ng katawan si Uod. Si Linta ay
piliy na iniuunat ang katawan ngunit ito’y talagang walang panama sa dalawa
niyang kalaban.
Walang anu-ano’y may nagdaang isang matandang babae na
nakasaya.
Huminto siya’t nagpahinga at sa ganitong paraan kumabit si
Linta sa kanyang saya. Pagkaraan ng ilang sandali, lumakad na muli ang matanda
patungo sa isang batong malaki na hantungan ng kanilang pagkakarera. Talagang
masuwerte si Linta sapagkat noong makita ng matanda ang bato, siya ay biglang
umupo rito. Dali-daling umalis si Linta sa pagkakakabit sa saya ng matanda.
Mabilis siyang umalis sa kinalalagyan ng matanda at walang anu-ano ay nakita
niyang dumating sina Higad at Uod.
“Ano ang ginawa mo at nauna ka pa sa aming dalawa?”
nagtatakang tanong nina Higad at Uod. “Ikaw pala ay may itinatagong galing!”
Natawa na lamang sa kanyang sarili si Linta at ito ang
nasabi. “Matalino man daw ang matsing ay napaglalalangan din.”
orincep-ge James Waheed ESET NOD32 Smart Security
TumugonBurahinGoogle Chrome browser
FL Studio
derolana