Friday, January 11, 2013

Tayutay

 
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.

Mga iba’t ibang uri ng Tayutay

A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING

1. Simili o Pagtutulad (Simile) –  nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay sa pamamagitan ng paggamit ng mga katagang kagaya, katulad, para, parang, para ng, anaki’y, animo, kawangis ng, gaya ng, tila, kasing-, sing-, ga-, at iba pang mga kauring kataga.

Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos ng mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
7. Tila porselana ang kutis ni Celia.  
8. Ang tao ay kawangis ng Diyos.

2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor) – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.  Hindi na rin ito ginagamitan ng mga katagang kagaya, katulad at mga kauri.

Halimbawa:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
6. Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso.
7. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

3. Alusyon  - nagbibigay – saanggunian mula sa kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya at iba pang aspekto ng buhay ng tao.

Halimbawa:
1. Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa  delubyo.

4. Metonimya o Pagpapalit-tawag (Metonimy) - ang isang salita o grupo ng mga salita ay pinapalitan ng isa pang salita o grupo ng mga salita na may kaugnayan sa nais ipahayag.

Halimbawa:
1. Ang kapalaran mo ay handog sa iyo na langit sa itaas na tinitingala ko
2. Siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-aanalisa.
3. “Sa ngalan ng Hari ay isinambulat gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab.
4. Ang ikalawang tahanan ng mga kabataan

5. Sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi, konsepto kaisipan,  upang sakupin o tukuyin ang kabuuan.

Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
3. Walang bibig ang umasa kay Romeo.
4. Hingin mo ang kaniyang kamay.
5. Hanggang sa malibing ang mga buto ko.

B. PAGLALARAWAN

1. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Ito rin ay gumagamit ng eksaherasyon

Halimbawa:
1. Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
2. Bumaha ng dugo sa kapaligiran ako ang nagwagi sa aming labanan
3. Yumuko sa akin ang sangkatauhan nang masaliksik ko ang katotohanan.                 
4. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
5. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.
6. Bumabaha ng dugo sa lansangan.
7. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman.
8. Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.

2. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe) - pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao na malayo o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.

Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.
5. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.
6. Buhay, bakit naging maramot ka sa akin.
7. Kalayaan, kay tagal kitang inasam mahawakan sa aking mga kamay.
8. Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.

3. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation) - isang paglalabas o papahayag ng matinding damdamin

Halimbawa:
1. Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!
2. Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo Mabuhay! Mabuhay! Lalaya na ako!
3. Ibigay mo sana ang pagpapala Mo, sagipin Mo Poon, malulunod ako!
4. Isa kang hanggal!

4. Paradoks – naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na kalagayan o pangyayari.
                       
Halimbawa:
1. Malayo ma’y malapit pa rin.
2. Kung magbangis ka ma’t magsukab sa akin mahal ka ring lubha dini sa panimdim

5. Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron) - nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang lalong mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.

Halimbawa:
1. Magsaya na kayo’t ililibing ako di na makikita ng lahat sa mundo
2. Nalulungkot ako sa pananalo mo sa pagwawagi mo, hustisya’y natalo.
3.
Banal na demonyo
4. Batang matanda

C. PAGSASALIN NG KATANGIAN

1. Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.

Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
6. Tik-tak ng orasan ay naghahabulan
7. Masayang umihip ang hanging amihan
8.
Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.
 .  
D. PAGSASATUNOG

1. Panghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia) - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.

Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
4. Grr-ggrrrrr!!Aww-aww! Ang galit na si Bantay ay nakatingin sa akin.
6. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
7. Kinakabog ang mga dibdib ng mga kalahok.
8. Tinataghuy-taghoy na kasindak-sindak.        

2. Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration) - magkakasintunog ang unang patinig o katinig ng mga kakalapit na mga salita o taludtod o saknong na nagbibigay ritmo sa pagbigkas ng tula.

Halimbawa:
1. Magagandang maya sa puno ng mangga Makikita silang masayang-masaya
2. Dinggin mo ang Diyos na dinadakila Dibdibin ang tinig ng Poong Bathala
3. “At sa mga sulong dito’y nakasabog, nangalat, napunla, Nagsipanahan, nangagsipamuhay, nagbato’t nagkuta.”
4. Gumagalang gutay-gutay na gagamba
                       
3. Repitasyon – pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang – diin ang isang aspekto ng akda.

Halimbawa:
1. Ito nga! Ito nga! Itong nganga.
2. Saan, saan, ay saan makikita ang bayani ng bayan?

34 comments:

  1. maganda ang laman ng iyong blog... pagbutihin pa.

    ReplyDelete
  2. Wow ilan na ang nakabasa nito bakit one comment Lang? 😨

    ReplyDelete
  3. Sayang maganda nga..
    Salamat Sa nagsulat nito nakakatulong sakin I'm Grade 7 nga pala hehehe..😆😉😁😂😃😋😈

    ReplyDelete
  4. maayos at nkatulong sa akin kaso kulang ang mga uri ng tayutay

    ReplyDelete
  5. pitong tayutay lang po ang kailangan ko para sa exam namin ! :( pero dami niyan o_O

    ReplyDelete
  6. isang sipi na puno ng kaalaman at may layuning maibahagi sa lahat ng nangangailangan ..Malaking tulong ito maraming salamat..

    ReplyDelete
  7. Maraming salamat. Maganda at mapagkakatiwalaan ang nilalaman.

    ReplyDelete
  8. Magaling! Mahusay! Bagamat akin pang hinahanap ang ibang uri nito tulad ng Paripantig at Paglumanay (Euphemism).

    ReplyDelete
  9. Maraming salamat malakin tulong ito sa takdang aralin ng aking anak.
    Patnubayan ka nawa ng Poong Lumikha. :

    ReplyDelete
  10. salamat gid sa mga examples nga ginhatag ninyo!!!

    ReplyDelete
  11. Napakarami naman po nito.. Haha.. Ayos lang. Makakatulong pa lalo ito sa iba. Nasa Grade 9 na nga pala ako

    ReplyDelete
  12. Dukhang Salamat sa paggawa! Exo<3

    ReplyDelete
  13. maganda ang mga tayutay na naibig
    ay pero nakulangan ako. Isa ng pala akong Grade 9 student.

    ReplyDelete
  14. thaks for ur blog it help me much

    ReplyDelete
  15. thanks for the information ! :-) It really helped me a lot .. just so u know, I'm a grade 8 student now.. :-)

    ReplyDelete
  16. I'm not really a Filipino teacher so this is very, very helpful. =) thanks so much

    ReplyDelete
  17. salamat po sa mga sagot pagpalain kayo ng diyos

    ReplyDelete
  18. Thank you for adding this in social media ��������

    ReplyDelete
  19. Maraming salamat sa blog na to pag-butihan mo pa ang pag gawa nito I'm grade 8 student...:p XD

    ReplyDelete
  20. Napakalaki ng naitulong nito sa akin.Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  21. patulong naman po na sagutin ang mga sumusunod hirap kasi akong tukuyin kung anong uri ng tayutay ang mga yan,, salamat.

    1.ikaw at ako sinulat sa mga bituin.
    2.pag-ibig koy walang kamatayan.
    3.ikaw at ako sinulat sa mga bituin at ang langit sa gabi ang sumasalamin.
    4.kung wala kay kulang mga bituin.

    ReplyDelete
  22. MaRaMinG SaLaMaT poh d2.. NapakaLaki ng naitulong nito sa akin.. Nasagut po lahat ng tanung ko 2ungkol d2... Maraming Salamat po ulet sa SITE na ito!

    ReplyDelete
  23. OK NAMN ANG HIRAP LNG GAWAN NG TANONG

    ReplyDelete
  24. salamat po d2..marami po akong natutunan d2 salamat po takaga ha..sana marami pa akong matutunan na iba pa...grade 7 nga po pla.!

    ReplyDelete
  25. SUPER MAKAKATULONG PO ITO SAAKIN PARA SA NOBELA NA INAANALISA KO. :')

    ReplyDelete
  26. I'm 2nd yr. College Students po at Super thank you po ako dahil dito :) need ko po kasi ng mga Halimbawa pero Sampung (10) Uri ng Tayutay lang naman po ang ranging Kailangan ko :)Kasali po kasi 2 sa Midterm Exams Namin :) Sobrang Nkakatulong po 'to saming mga Studyante :) Maganda po Siya at Keep it up po ,Thank you :)

    ReplyDelete
  27. maraming salamat dahil ito'y nakatulong sa akin........... :-)

    ReplyDelete
  28. maraming salamat

    ReplyDelete
  29. I would like to extend my solloly happeness

    ReplyDelete