Alamat ng Bundok Arayat
Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng
Kapampangan at Nueva Ecija ay may iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin
na sa mga maraming paniniwala. Sa maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag
ang mga talang nababanggit sa lathalang ito, dahil sa pagkakatanim sa diwa ng
napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan.
Sang-ayon sa matatanda sa Arayat, ang bundok n nasabi ay ari
ng isang napakaganda at mapaghimalang babae, si Mariang Sinukuan. Di-umano
kapag mabili ang mga paninda, ang araw ng lingo sa pamilihang bayan na Arayat,
si Maria ay lumulusong sa bayan upang magtinda at mamili. Subali't ang
engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa iba't ibang paraan ng
pagbabalatkayo na kanyang ginagawa. Naroon daw ang mag-ayos siya na tulad sa
isang matandang magbubukid, bukod sa pagiging maitim, ay pango pa ang ilong at
sungal sunagl ang mga labi pinatutunayan din ng marami taga-Arayat na maraming
kagila-gilalas na pangyayari ang mararanasan ng sinumang dadalaw sa bundok na
iyon. Ang kabundukan ay totoong masagana sa mga bungang-kahoy at ang sinumang
aabutin ng kagutuman doon ay malayang makakpipitas at makakain ng bungang
maibigan niya, subalit ang sinumang magtangkang mag-uwi ng mga bungang-kahoy
mula roon ay hindi matututuhan ang landas pauw. At ang lalong kahima-himala ay
ang pagbuhos ng ulan kasabay ang paglakas ng ihip ng hangin. Ngunit sa
sandaling ilapag ng taong iyon at iwan ang mga bungang dala niya, ang landas sa
pauwi ay madaling matututuhan. Ang malaking tipak ng batong-buhay sa ituktok ng
bundok ay batyang pinaglalabhan ng engkantada.
Dahil sa paniwalang napakaganda ni Mariang Sinukuan at dahil
rin sa magaagndang tugtugin maririnig sa kabundukan, wala sinumang namamlagi
roon sa pangambang baka magayuma sila at hindi na muling makabalik sa kanilang
tahanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento