Ang Asong Mapagbiro
Masyadong dinamdam ng aso ni Aling Perla nang makagalitan
ito kaya naisipang lumayas. Sa paglayas ay napunta siya sa patahian ng mga
damit.
Hindi sinasadyang napaupo siya sa isang sako na may lamang
balat ng tigre.
Napansin ng aso na buo ang maskara ng tigre. Naisip niyang
isuot iyon.
Kasyang-kasya ang maskara ng tigre sa ulo ng aso. Ang
katawan ay tamang-tama rin. Naisip niyang umuwi at biruin ang mga tao.
Nagkagulo ang lahat ng nakakita sa aso. Kanya-kanya silang
takbuhan at taguan.
Samantala, tuwang tuwa ang asong mapagbiro. Nakasalubong
niya ang isang asong babae at biniro rin ito.
Pero alam ng babaing aso ang amoy ng kapwa aso kaya agad
siyang tinahulan at hinabol.
Hindi rin nakatiis ang asong mapagbiro. Tinahulan din niya
ang asong babae.
Laking gulat ng mga tao dahil nakakita sila ng isang tigreng
tumatahol. Tinawag nila ang mga lasinggero at ipinahuli ang nagpapanggap na
tigre.
Nang mahuli ay pinatay nila ito. Huli na nang malaman nilang
aso pala ito ni Aling Perla.
Aral: Maaaring
magpanggap, huwag lang madalas dahil mahuhuli ka rin kapag dila ay nadulas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento