Kahulugan at Katangian ng Wika

Kahulugan ng Wika

Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.

Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang daan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang aspeto ng buhay.

Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason)

Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. (Thomas Caryle)

Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantino at Galileo Zafra)


Kahalagahan ng Wika

Mahalaga ang wika sapagkat:

1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

May iba’t ibang katangian ang wika

1. Ang wika ay likas at katutubo, kasabay ito ng tao sa pagsilang sa mundo
2. May kayarian at nakabubuo ng marming salitang may mga kahulugan ang isang wika
3. May pagbabago ang wika, di napipigilan para umunlad
4. May sariling kakanyahang di-inaasahan, ang wika ay nalilikha ng tao upang ilahad ang
    nais ipakahulugan sa kanyang mga kaisipan (nanghihiram sa ibang wika upang
    makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran)
5. May kahulugan ang salita na batay sa taglay na ponolohiya, palatunugan at diin
6. Nauuri ang wika sa kaanyuan, kaantasan, ponolohiya at kalikasan.

Iba pang mga katangian ng wika:

1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

     a. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa
         makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga
         fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang
         ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].

     b. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa
         pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong
         uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.

               Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista
               Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
               Fonema = a
                               *tauhan, maglaba, doktora

     c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga
         pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at
         posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

               Hal. Mataas ang puno.
                      Ang puno ay mataas.
                      The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

     d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap;
         ang  mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa
         pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.

               Hal. Inakyat niya ang puno.
                      Umakyat siya sa puno.

               Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa
               pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa
               ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto
               ito sa panghalip ng aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na. Imbis na pantukoy na
               [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng
               dalawang pangungusap.

2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)

3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.

4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.

     Halimbawa:
     Wikang Swahili – atanipena (magugustuhan niya ako)
     Wikang Filipino – Opo, po
     Wikang Subanon – gmangga (mangga)
     Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)
     Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)
     Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)

     Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang
     ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino
     lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman,
     mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang
     magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman,
     isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago.
     Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos
     na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa
     pagbigkas ng mga tunog pangwika.

5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.

     Halimbawa: BOMBA
                       Kahulugan:
                       a. Pampasabog
                       b. Igipan ng tubig mula sa lupa
                       c. Kagamitan sa palalagay ng hangin
                       d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula
                       e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao

6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika kaya’t ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educa─çion].

7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.

8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon ng mga pipi, hindi wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi nito taglay ang katangian ng isang ganap na wika.

9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na “bi” ay sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”.

10. May level o antas ang wika.

53 comments:

Anonymous said...

cnu po author nitong gabay ng mag-aaaral?

Bokals said...

view the profile andon po ang author

Anonymous said...

Very Informative, Thanks =))

Anonymous said...

slamat sa information.. tulong tlga i2 . wla kse akong book e. :)

Anonymous said...

Uyyyyyyyy thank so much!!! Very helpful! I love you na!! May God bless you, continue helping other people with their assignments. Hahahaha! Thank you!

Anonymous said...

great !!!

Anonymous said...

ano pong book yung source nyo?

Anonymous said...

thanks! great help.. :D
i can add it on my report.. ^_^

Anonymous said...

Thanksssss a lot sa help. :)

Anonymous said...

hahai salamat talaga.....nakita kuna ang report cuh......tnx..GOD..

Anonymous said...

i love you author :)

Anonymous said...

Maraming salamat sa impormasyon. Kahanga-hanga ang mga taong tulad mo. Sana ipagpapatuloy mo pa ang pag-aaral ng wika para sa ikauunlad ng ating Wikang Pambansa. Kasama mo kami sa pagtataguyod ng Wikang Filipino. Mabuhay ka..!!!!!!

Bokals said...

salamat din sa pagbisita sa aking website

Anonymous said...

tnx sa information,,,god bless you...

Anonymous said...

THANK YOU SO MUCH ..............

Rence said...

Ano po full name ng author? For citation purposes po. Thank you

Anonymous said...

tnx a lot

Anonymous said...

salamat poooo

Anonymous said...

tank u so much. a great help 2 me..

Anonymous said...

this is awesome! A very huge thanks for helping me out with filipino... :)

Anonymous said...

Salamat dito! haha very Helpful TY TY ;)

Anonymous said...

eow powzz ajejeje.. maLak1ng 2long poh ito sakin... TY

Anonymous said...

TY sa gumwa nto :)0

Joy Pagulayan said...

Thankyousomuch!

Anonymous said...

thanks a lot!! may God bless you all!!

Anonymous said...

hay salamat nakita ko na rin ! =D salamat po !

Adel Macarambon said...

Sino ang Author o nito? Pde paki post please?

Adel Macarambon said...

Sino po ang author?

Bokals said...

kung tanong mo po ay ang author ng blog ay ako po. Just call me SIR BOKALS

Anonymous said...

Andito Lang pala yung hinahanap ko, thanks sa information,talagang gabay ito sa mga mag-aaral.

Anonymous said...

thankyoooou! hope this is true ..

Anonymous said...

maraming salamat sa pagbibigay ng kaalaman sa mga hungkag namjng kaisipan!

Anonymous said...

stellar! great!!! i hope an i pray that all things may go well with you... :)

Anonymous said...

sir bokals,ang galing po nito. kompleto unlike other results na makikita. (posting this comment for a simple appreciation of your great work) :)

Anonymous said...

Thank You! :)

Anonymous said...

Maraming salamat. Malaki ang maitutulong ng blog na ito sa aming pag-aaral :D

Anonymous said...

first and foremost in be half of the persons that was been read this./ im very much thankful because through this i learned more actually so its been my pleasure IN FACT

Anonymous said...

salamat pla s mga information na binibigay ninyo and ndi tlga keo nagsasawa na itoy ibigay sa mga mag-aaral thank u so much .....btw cno pla ang autjor nito.

Anonymous said...

Sino po ba yung Author nito? Ask ko lang po sana. Nakatulong po siya sakin :) Salamat.

Anonymous said...

..tnx.. a lot :)

Anonymous said...

tnx a lot 4 the help

Anonymous said...

cnu po author? di ko makita ung profile???

Bokals said...

Ako po ang author ng blog. Sadya po na hindi ko nilagay ang detalye sa profiule dahil hindi po ako ang importante sa blog na ito. Ang mahalaga ay maibahagi ko ang aking nakayanan upang maging maging gabay sa inyong pag-aaral- Admin(Bokals)

tinecoo said...

thankyou for this! it really helped me a lot :)

Anonymous said...

Ano ang mga reperensiyang ginamit mo para sa artikulo na to? Kailangan ko kasi ng artikulo na may reperensiya. Salamat.

Anonymous said...

wow!thank u....ang galing mo author..andito lahat hinahanap ko!

Anonymous said...

thanks sa author.
very informative
very helpful
keep up the good work :))

Anonymous said...

It's great :) gotta' share it with others :)

Anonymous said...

laking tulong ng site nyo

Anonymous said...

naway madagdagan pa ang ganitong mga site na makatutulong sa mga mag aaral ... salamat sa inyong kontribusyon:)))

Patricia Custodio said...

Thank you po dito :)

Anonymous said...

very useful :)

Anonymous said...

Salamat tol

Post a Comment