Ang Nakakulong na
Ibon
Sa pamamasyal ng Paniki sa bahay bahay tuwing gabi ay lagi
itong napapalingon sa isang hawla. Nakakulong kasi roon ang isang ibong walang
tigil sa matamis na pag-awit. Nang minsang natanawan ng Paniking sarado na ang
mga bintana at tulog na ang nakatirang pamilya ay naglakas loob siyang lumapit
at sumilip sa hawla.
“Napakatamis mong umawit,” nakangiting pahayag ng Paniki.
“Pero nagtataka ako kung bakit hindi raw naririnig ang boses mo sa araw kung
kailan lalong marami ang mga ibong liparan nang liparan.”
“Habang umaawit ako sa araw nang hulihin ako at ikulong
dito. Isang aral iyan na aking natutuhan at hinding-hindi malilimutan.”
“Sayang ka kaibigan. Huli na bago ka nag-ingat. Dapat na
pinag-isipan mo noon pa ang maaaring mangyari sa iyo kung ang kalayaan ay
ipagwawalang bahala mo.”
Aral: Pag-isipan kung
paano mapapanatili ang mga pangunahing karapatan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento