Miyerkules, Enero 16, 2013

Uri ng Balita

Uri ng Balita

1. Paunang paglalahad - Itinuturing na hilaw pa ang ganitong uri ng balita, subalit inilathala na rin bunga ng pangangailangang maipaabot agad sa madla.

2. Tuwirang paglalahad - Sa ganitong uri ng paglalahad, tinatalakay ang pinakamahalagang impormasyon tungo sa maliliit na detalye.

3. Balitang bunga ng pakikipanayam - Karamihan sa balitang nabasa, naririnig at napapanood ay bunga ng pakikipanayam. Sa ganitong uri, ang pinakamahalaga lamang ang dapat isulat.

4. Kinipil na Balita - Ang ganitong uri ng balita ay dulot ng kakulangan sa espasyo sa pahayagan kung kaya ang buod ng maliliit na balita ay pinagsasama-sama.

5. Madaliang Balita o Flash - Ikinukulong sa kahon upang makatawag agad ng pansin.

6. Depth news o balitang may lalim - Kinakailangan ang masusing pananaliksik, upang higit na matalakay ang mga ulat na nakapaloob dito.

7. Balitang Pangsensya - Tungkol sa mga makabagong imbensyon o pagtuklas sa mga bagay na makakatulong sa pagpapadali ng mga gawain.

Iba pang uri ng balita

1. Balitang Panlokal - Mga balita tungkol sa isang lokal na yunit ng pamahalaan tulad ng barangay.

2. Balitang Pambansa - Mga balitang mahalaga at nagaganap sa buong bansa

3. Balitang Pandaigdig - Mga balitang nagaganap na mahalaga sa buong daigdig. halimbawa: Digmaan sa iraq

4. Balitang Pampulitikal - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa pulitika.

5. Balitang Pampalakasan - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at kompetisyong pangkalakasan

6. Balitang Pang-edukasyon - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa edukasyon.

7. Balitang Pantahanan - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa pamamahala ng tahanan.

8. Balitang Pangkabuhayan - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa negosyo at takbo ng kabuhayan ng bansa.

9. Balitang Panlibangan - May kinalaman sa larangan ng telibisyon, radyo, pelikula, tanghalan at iba pa.

10. Balitang buhat sa talumpati – ito’y buhat sa pinaghandaang okasyon tulad ng palatuntunan, seminar, panayam o pulong.

Ang isang balita ay maaaring sumagot sa anim na pahiwatig

1. Ano – itinatampok ang pinakamahalagang pangyayari.
2. Sino – tinutukoy ang isang tanyag o kilalang tao.
3. Bakit – tinatalakay ang sanhi o dahilan ng pangyayari.
4. Paano – itinatampok ang paraan ng pagkakaganap ng pangyayari.
5. Kailan – binabanggit ang petsa.
6. Saan – itinatampok ang pook o lugar na pinangyarihan.

Mga Mungkahi sa Mahusay na Pagsulat

• Isang Ideya bawat pangungusap.
• Limitahan ang bilang ng mga salita sa pangungusap. 23-25 na salita lamang.
• Tiyakang maayos at lohikal ang pagkakahanay ng kaisipan.
• Gumamit ng pandiwang nasa aktibong tinig.
• Gumamit ng simpleng salita.
• Iwasan ang paggamit ng parehong salita sa pangungusap.

25 komento:

  1. I need Balitang pangkalakalan :)

    TumugonBurahin
  2. hay di ko maintindihan kc may 123 pa ulit eh pro magaling din

    TumugonBurahin
  3. i am finish my assign
    *^_^*

    TumugonBurahin
  4. copy+paste=homework done!

    TumugonBurahin
  5. may mga uri po ba ng balitang pampalakasan yung tatlo po?

    TumugonBurahin
  6. mahirap i memorize ('')>

    TumugonBurahin
  7. yaks so weak walang example

    TumugonBurahin
  8. ano ba yan kulang yung explanation.... :( sana mas marami.

    TumugonBurahin
  9. ang saya nman thank you im dave

    TumugonBurahin
  10. thank you dito

    dapat ay ituro natin ito sa iba

    hello im dave ondevilla

    add nyo ko sa facebook

    TumugonBurahin
  11. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  12. Salamat naka review na ako :D

    TumugonBurahin
  13. Ano po ba ang katatasan sa pagbabalita?

    TumugonBurahin
  14. its so helpful to my assignment ty so much

    TumugonBurahin
  15. sana mayroong mga halimbawa....anyway..thanks

    TumugonBurahin
  16. Hi!! Ako nga pala si Sofy gusto ko lang po malaman kung pwede ko bang isali ang balita sa panahon or weather news para sa reporting namin bukas. Strict po kasi teacher namin eh napaka strict but thank you po

    TumugonBurahin
  17. Thank you Iam Kent D Tolentino add me in Facebook!

    TumugonBurahin
  18. thank you. your work really helped me a lot. GOD BLESS.

    TumugonBurahin
  19. thank you nalang sa gumawa...........joke hahhahah .....lol thank you dahil tapos na ako ....

    TumugonBurahin
  20. thank you po kailangan ko po iyan para sa test ko po

    TumugonBurahin
  21. Grabe, ok na po sana kaso lang walang mga halimbawa

    TumugonBurahin