Ang Lobo at ang
Maliit na Kuneho
Gutum na gutom ang Lobo kaya naisipan niyang biktimahin ang
maliliit na hayop sa komunidad. Upang madaling gawin ang masamang balak ay
sinulatan niya ang mga ito. Sinabi niyang may sakit siya at matutuwa kung may
mga dadalaw sa kaniya.
Marami ang bumisita sa Lobo. Ang bawat isa ay hindi na
nakauwi pa.
Isang araw, may maliit na Kunehong bumisita sa Lobo.
Nagpalinga-linga ito sa harap ng bahay bago sumilip sa bintana. Nang matanawang
nakahiga sa kama ang tusong Lobo ay bumati ito sa nagkukunwaring may sakit.
“Kaibigang Lobo, kamusta ka na? Sana ay mabuti na ang
kalagayan mo.”
“Mabuti-buti na. Salamat, salamat at napadalaw ka. Bakit
naririyan ka sa labas? Pasok ka!”
Napakurap ang Kuneho at kinabahan.
“Ha… hindi na, kaibigang Lobo. Napansin kong ang mga yapak
ng mga hayop na bumisita sa iyo ay papunta sa silid mo. Kataka-takang wala isa
mang yapak na papalabas dito.” Matapos itong sabihin ay walang lingong likod na
umalis ang nangangatog na Kuneho.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento