Alamat ng Mindanao
Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang
dahil siya ay isang dugong bughaw, kundi dahil rin sa kanyang katangian. Di
lamang siya mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at may
matipunong pangangatawan. Si Sultan ay may natatanging anak, bukod sa isang
prinsesa , nakakaakit ang kanyang kagandahan. Saan ka man maparoon, usap-usapan
ang kagandahang niyang taglay. Prinsesa Minda ang ngalan niya. Dahil sa tanyag
na kagandahan ni Minda, maraming tagahanga ito saan dako ng karatig pook.
Marami ang nanliligaw: mga mayayaman, matalino, at may dugo ring maharlika.
Dahil nga sa dami ng masugid na tagahanga nito, walang tulak siyangkabigin.
Kaya minarapat ni Sultan Gutang na magkaroon ng isang pagsubok upang malaman
kung sino ang higit na mapalad at karapat-dapat sa kanyang anak na si Prinsesa
Minda.
Nangyari nga ang ibig ng Sultan. Marami ang sumubok sa
layuning makuha ang kamay ni Minda. Halos lahat ng sumubok at nagwagi sa una at
ikalawang pagsubok, ngunit nabigo sa ikatlo. Ngunit may isang prinsipe ang
nagaasm-asam na sumubok sa mga patakaran ng nasabing sultan. Ngunit, bago siya
sumali sa palahok, matinding pag-iisip ang kanyang ginugol. Dahil sa una ay
sigurado siyang magtatagumpay, ang ikalawa ay sigurado siyang mabibigo. Kaya't
muling nag-iisip . Napagpasyahan niyang humiram ng mga kaing-kaing na ang mga
ginto mula sa kanyang mga kaibigang mayayaman at prinsipe upang makabuo ng
labintatlong tiklis ng ginto. Dahil ang ikalawang pagsubok ay kung paano
mahihigitan ang kayamanan ng Sultan.
Lalong nabuhayan ng loob ang prinsipe sa mga pagkakataon na
kapag nagkakatinginan sila ng prinsesa ay para na ri siyang humahanga sa kanya.
DAhil di kaila ang kagandahang lalaki ng prinsipe at kakisigan. Nabatid ng
prinsipe na may pagtingin din ang prinsesa.
Sinimulan n a ang unang pagsubok kay Prinsipe Lanao sa
pagsasalaysay niya sa kanyang mga ninuno mula sa umpisa hanggang sa sampung
henerasyon. Higit ang tuwa niya ng makapasa sa unang pagsubok sa dahilang hindi
totoo ang ika-sampung henerasyon dahil ito ay may halong imbento lamang.
Agad sumunod ang ikalawang pagsubok. Tinanong ng Sultan kung
gaano karami ang kanyang dalang ginto. Agad siyang sumagot na labintatlong
kaing. Walang duda ang tagumpay ni Prinsipe Lanao sa ikalawang pagsubok dahil
may pito lamang tiklis nag into mayroon ang Sultan.
Ang hulong pagsubok ay agad din pinabatid sa Prinsipe kung
ano ang dapat na sumunod niayang gagawin pang ganap nang mapasakamay ang
mayuming si Prinsesa Minda. Pagtulay sa lubid ang ikatlong pagsubok. Pagtulay
sa lubid na kapag ikaw ay nahulog sa isang malalim na bangin ay sigurado ang
iyong kamatayan .
Pinagpabukas pa ang huling pagsubok upang makapagpahinga ang
binata. Subali't lingid sa kaalaman ng binata na kaya pala ipinagpabukas pa ay
upang mapaghandaan din ng Sultan ang gagawing patibong upang ang Prinsipe ay
hindi magtagumpay. Kaagad na lumisan si Prinsipe Lanao upang makapagpahinga at
mapag-aralan ang kanyang plano para sa darating na pagsubok kinabukasan.
Subali't si Prinsesa Minda ay may nabalitaan na may patibong
na ilalagay ang mga tauhan ng Sultan upang mahulog ang Prinsipe.Agad na
pinasiyast ni Prinsesa Minda kung ano ang ilalagay na patibong. Napag-alaman ng
katulong na kakabitan ng tali an gang lubid na tatawiran ng Pinsipe na siyang
magiging dahilan ng pag-uga ng lubid na magiging dahilan ng pagkahulog ng
Prinsipe.
Dahil sa nabatid na patibong, kaagad na tinanggal ng mga
katulong ang patibong upang walang maging balakid sa pagtawid ng butihing
Prinsipe. Pagdating kinaumagahan ay naganap ang pagsubok na siya namng
pinagtagumpayan ng Prinsipe. Walang nagawa ang Sultan kundi tuparin ang
pangakong kasalan. Nang mamana ng Prinsipe, ang pamamahala ng lugar, marami ang
nasiyahan sa pamamalakad ng mag-asawa sa pulo at mula noon pinangalanan ang
isla ng Mindanao na hango sa pangalang Minda at Lanao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento