Ang Inahing Manok
Minsan, may isang Inahing Manok na nakakita ng mga butil ng
palay. Pinakiusapan niya ang Pusa, ang Bibe, ang Baboy at ang Kambing na
magsipagtanim. Nalungkot ang Inahin nang hindi siya paunlakan ng mga kaibigan.
Pinangatawanan ng Inahing Manok ang pagtatanim. Ilang araw
lang ay sumibol na ang mga binhi. Nang maglakihan at maging ginto na ang mga
butil ay pinakiusapan niyang muli ang mga kaibigan upang tulungan siyang
mag-ani. Hindi na naman siya tinulungan ng mga kaibigan.
Nang mapagsama-sama na at maisalansan ang mga inaning palay
ay kinailangang bayuhin na ang mga ito upang ihiwalay na ang malilinis na butil
ng bigas.
Matrabaho rin itong gawain kaya pinakiusapan niyang muli ang
mga kaibigan. Hindi na naman siya sinamahan ng mga kaibigan. Napilitang bayuhin
at ihiwalay ng Inahin ang bigas sa ipa. Ang mapuputing bigas na inani mula sa
mga butil na palay ay isinaing ng masipag na Inahin. Nang ihain na niya ang
mapuputing kanin ay isa-isang nagdatingan ang mga kaibigan na nakikiusap na
makasalo sa pagkain.
“Ikinalulungkot ko, mga kaibigan. Ang kaning aking itinanim,
binayo, at isinaing ay sapat lang para sa pamilya namin.”
Aral: Sa hirap at
ginhawa, kailangang sama-sama.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento