Linggo, Marso 6, 2022

Halimbawa ng Palaisipan:

 
1. Ilang buwan sa isang taon ang may 28 na araw?
 
   a. 1
   b. 2
   c. 12
 
Sa unang tingin ang tamang sagot ay isa. Pero ang tunay na sagot ay 12. Ang tanong ay hindi ilang buwan ang may 28 araw lang.
 
2. Si Huang ay may kamay, Binigyan ko siya ng 50 mansanas sa kaliwa niyang kamay at 50 naman sa kanyang kanang kamay. Ano ang meron si Huang,
Sagot: Mga malalaking kamay.
 
3. Ang lahat ng bagay sa mundo ay itim. lahat lahat ay itim. may driver na nagmamaneho ng kotse na nakita ang pusa na tumatawid. Paano niya ito nakita?
Sagot: Umaga nang nangyari ang pangyayari na lyon.
 
4. May tatlong gayagaya pero takot mamatay, tumalon ang isa sa building ilan ang natira?
Sagot: tatlo tumalon lang ang isa hindi nagpakahulog.
 
5. Ikaw ay natutulog nang mawalan ng kuryente. Narinig mong may kumakatok sa pintuan. Naalala mong may posporo sa mesang katabi ng kama mo at lamapara sa tabi nito. Tanong, ano ang una mong bubuksan?
Sagot: Mata
 
6. Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga? 
Sagot: Kasi nakasara, bakit bubuksan mo pa ba kung bukas na.
 
7. Anong isda ang lumalaki pa? 
Sagot: Yung bata pa. 
 
8. Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna? 
Sagot: Donut na may butas sa gitna 
 
9. Nang aking bilhin ito ay parisukat, nang aking buksan ito ay naging pabilog, At nang aking kainin ito ay naging tatsulok.
Sagot: Pizza Pie
 
10. Ang tatay ni Juan ay may limang anak. Ang apat sa kanila ay sina Lala, Lele, Lili, Lolo. Sino ang ikalimang anak?
Sagot: Juan
 
11. Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli ng daigdig, at nasa unahan ng globo!
Sagot: Letrang 'G'
 
12. Si Reina ay anak ng doktor, paanong hindi ama ni Reina ang doctor
Sagot: Ina niya ang doktor
 
13. Si Mario ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila, umpisa sa panganay ay sina Enero, Pebrero, Marso, Abril at ___________. Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid?
Sagot: Mario
 
14. Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo ng tao ay kuto ano naman ang gumagapang sa kabayo?
Sagot: Plantsa
 
15. May sampung na ibon ang nakadapo sa isang maliit na sanga ng puno. Limang maya, dalawang pipit at dalawang kuwago at ang isa ay uwak. Binato ni Bato ang sanga. Tinamaan at nalaglag ang uwak. Ilang maya ang naiwan sa sanga?
Sagot: Lima
 
 
Mga sanggunian:
 
                    
Keithycat. June 9, 2021. Educational. Retrieved from
https://philnews.ph/2021/06/09/pagkakaiba-ng-bugtong-at-palaisipan-halimbawa-at-kahulugan/


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento