Alamat ng Bayabas
Noong unang panahon, may isang Sultan na lubos na
kinatatakutan ng lahat. Sobra sa lupit ang nabanggit na pinuno na tinatawag sa
pangalang Sultan Barabas.
Marami na siyang pinapatay. Hindi na rin mabilang ang
pinakulong niya sa piitan. Lagi at lagging nangangamba ang mga tao na sa
maliliit na pagkukulang ay napakalaking parusa ang ipataw sa kanila. Matanda
man o bata ay takot na takot kapag nababanggit ang pangalang Sultan Barabas.
Para sa nakararami, ang Barabas ay kasingkahulugan ng kawalan ng katarungan.
Hindi lamang malupit si Sultan Barabas. May kayabangan din
siya. Gusto niyang yumuyuko ang mga tao kapag ipinatatawag niya.
Nais niyang isipin ng lahat na lagi siyang nakatataas sa
kanila. Ito ang dahilan kung bakit laging nakasubsob ang korona niya sa
makinang na korona. Ang nabanggit na korona ay lagging suot niya saanman siya
magpunta. Kahit sa pagtulog ay mahigpit na yakap-yakap pa rin niya ang koronang
lalong nagpapayabang sa katauhan niya.
Nangunguna rin sa kasakiman si Sultan Barabas. Ang malawak
na hardin niya na pinamumugaran ng iba't ibang prutas ay hindi niya
pinapapasukan kaninuman. Gugustuhin pa niyang mangabulok ang mga makopa,
mangga, at chesa na bunga ng mga puno kaysa sa sinumang maralitang kumamkalam
na ang tiyan.
Ang kawalan ng katarungan ni Sultan Barabas ay minsan na
namang napatunayan. Ayaw na ayaw ng Sultan na gabi na ay nasa lansangan pa ang
sinuman sa kanyang mga nasasakupan. Isang maningisda noon ang minalas ng abutan
siya ng hatinggabi sa panghuhuli ng isda. Sapagkat walang awa sa kapwa,
pinadakip ni Sultan Barabas ang maningisda, at pagkatapos ay patawarik na
niloblob ito sa tubig, at ipinakulong pa ni Barabas ang pobre.
Nakarating sa aswas ng mangingisda na isang magdadaing ang
balitang pagpaparusa at pagpapakulong. Dali dali itong nagpunta. Kahit alam
niyang natutulog pa ang Sultan ay pinuntahan niya at kinatok an gang tirahan ng
pinuno.
Galit na Galit na nagising ang Sultan. Itinanong ng mayabang
na pinuno kung sino siya. Sinabi ng kumakatok na magdadaing ang aswa ng
mangingisda at naroon siya upang ipakiusap na pakawalan na ang ikinulong.
Nagkibit balikat lang ang gahaman. Nang malaman ng Sultan na ekspertong
magdadaing ang nagmamakaawa ay nakaisip ng paraan ang tuso. Lalo itong
naggalit-galitan. Ipinatawag niya ang mga kawal at ipinakagat sa mga langgam
ang kaawa awng magdadaing bago ito ipinakulong sa piitan. Kahit nakakulong ay
natutuwa ang mag-asawa sapagkat sia ay muling nagkita. Upang maging
produktibong alipin ng Sultan, ang bawat isdang mahuhuli ng mangingisda ay
pinasusukaan agad sa magdadaing.
Bagamat maligaya ang mag-asawa na kahit mga alipin ay
magkasama, sumasagi rin sa kanila ang kalungkutan kapag naaalala nila ang tagging
anak na naiwan sa kailang tahanan.
Hindi alam ng mag-asawa na habang wala sila sa tirahan may
mga ada naming nagbabantay sa kaisa-isa nilang mahal sa buahay na kahiy totoy
na totoy pa sa kamusmusan ay marunong na ring manindigan.
"Saan po ba naroon ang tatay at nanay ko?"
"Nasa kaharian sila ni Sultan Barabas. Pinaparusahan
sila at ipinakulong sa mga kasalang hindi nila dapat pagdusahan."
"Tulungan po ninyo ako. Gusto ko po sila makawala sa
kulungan."
Nang makita ng ada na lumuluha ang kaisa -isang anak ng
mangingisda at magdadaing ay naawa sila.Nang gabi ring iyon ay inilawan nila
ang daan ng inosenteng bata papunta sa kaharian.
Ang mahimbing na pagtulog ng Sultan ay lubhang nagambala ng
malakas na katok ng bata sa pintuan ng kaharian.
"Sino ka at ganitong oras ng gabi ay kumakatok ka sa
palasyo ko?"
"Gutom na gutom na ako. Hihingi ako ng pagkain sa
mesang kainan mo."
"At bakit sa akin ka hihingi ng pagkain mo?"
nagaalborotong tanong ng Sultan.
"Pinasisid mo sa dagat ang ama kong mangingisda. Ang
ina ko naman ay pinagdadaing mo. Sila ang dahilan kaya marangyang-marangya ang
iyong mesang kainan."
"Lintik na bata ka!" nanginginig sag alit na sigaw
ng Sultan." Ano ang karapatan mong himingi ng anuman sa aking mesa?"
"Hindi ikaw ang nagpagod upang mangisda atmagdaing. Mga
magulang ko ang iyong inalipin. Sa anumang kanilang itinanim, sila lang ang
dapat na may anihin.?"
"Aba napakaliit mong bata ka, akala mo kung sino ka.
Hindi mo ba alam na Sultan akong dapat mong igalang?" nangangalog ang
babang sigaw ng gahaman.
Napansin ng bata ang makinang na koronang naiwan ng Sultan
sa higaan. Tinakbo niya ito at isinuot at nag-iinsultong nagwika, " Ang
korona ay ipinapatong lang sa ulo ng lider na mabuti sa tao. Msama ka ipinakulong
mo ang ama at ina ko. Ngayon ako naman ang habulin mo at ipakulong mo,
"nangiinis na nagtatakbo sa loob ng palasyo ang bata.
Sa sobrang galit ng Sultan ay hinabol niya ng hinabol ang
musmos.Hindi maabut abutan ang sukab ang inosenteng bata sapagkat inililipad
ito ng mga ada. Nakarating ang habulan sa malawak na harding kinatataniman ng
maraming punongkahoy. Sa sobrang pagod ay sumakit ang dibdib ng Sultan na
ikinatumaba niya. Noon din ay namatay ang Sultang walang pagpapahalaga sa tunay
na kahulugan ng katarungan.
Sa lugar na kinatumbahan inilibing ang Sultan.
Ang kamatayan ng ganid na dapat sana'y ipinagluksa ay
ikinatuwa pa ng marami.
Ang humaliling Sultan ay kakaiba sa namatay. Tinitimbang
niyang mabuti ang bawat paratang sa sinumang nagkakasala. Hindi rin siya
padalos-dalos sa pagpapataw ng parusa. Sinisikap niyang magbigay ng isang
makatarungang pagpapasya sa kaso ng sinumang nasasakupan niya mahirap man o
mayaman. Para sa kanya ang lahat ay pantay-pantay sa napipiringang katarungan.
Sapagkat totoong makatarunagan, pinalaya at tinulungan ng
bagong Sultang makapamuhay nang matiwasay ang mangingisda at magdadaing.
Binigyan niya ng krapatan ang inosenteng bata na malayang makapupunta sa hardin
upang mamitas ng anumang prutas na kanyang piliin. Ipinagdiwang ng lahat ang
panunungkulan ng makatarungang Sultan.
Isang araw na naglilibot ng hardin ng palasyo ang bagong
Sultan ay nakatawag ng pansin niya ang isang halamang tumubo sa pinaglibingan
kay Barabas. Pinadiligan niya oito sa mga hardinero at pinaalagaan araw-araw.
Ilang taon din ang nakaraan at nagging malaking puno ang
halaman. Nagtataka ang Sultan nang mamunga ang puno sapagkat mukha itong ulo ng
tao na may korona at tuktok.
"Si Barabas yan!"sigaw ng mga tao. Nang tikman
nila ang bunga ay nagulat sila.
"Pagkapait-pait! Kasimpait ng ugali ni Barabas!"
Ilang araw lang ng lumipas ay lumaki ang mga bunga ng
berdeng prutas. Nang kagatin ng bata ay napangiwi sila.
"Pagkaasi-asim! Kasing asim ng mukha ni Barabas!"
Hindi nagtagal, ang mga berdeng bunga ay dumilaw at huminog
na Napangiti ang lahat ng pitasin ang bunga at kagatin.
"Pagkatamis-tamis! Pagkasarap-sarap ng Barabas!"
Magmula noon, tinawag ng Barabas ang berdeng prutas na may
nakapatong na korona. Minsang nanungkit ng berdeng prutas ang ilang paslit na
bata at tanungin ng mga nakatatanda kung ano ang tawag sa nabanggit na bunga ay
sabay-sabay silang nagsisagot na, "Barabas, Barabas, Bayabas!"
Diyan nagsimula ang alamat ng Bayabas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento