Mga Pokus ng Pandiwa

Mga Pokus ng Pandiwa

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.


1. aktor-pokus o pokus sa tagaganap

Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sino?".
(mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)
Halimbawa:
Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
Nagluto ng masarap na ulam si nanay para sa amin.
Bumili si Rosa ng bulaklak.
Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin.

2. pokus sa layon

Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "ano?".
(-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an)
Sa Ingles, ito ay ang direct object.
Halimbawa:
Nasira mo ang mga props para sa play.
Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.
Binili ni Rosa ang bulaklak.

3. lokatibong pokus o pokus sa ganapan

Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "saan?".
(pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)
Halimbawa:
Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming gulay.
Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na ulam.
Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.
Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado.

4. benepaktibong pokus o pokus sa tagatanggap

Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "para kanino?".
(i- , -in , ipang- , ipag-)
Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
Halimbawa:
Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.

5. instrumentong pokus o pokus sa gamit

Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?".
(ipang- , maipang-)
Halimbawa:
Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin.
Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.

6. kosatibong pokus o pokus sa sanhi

Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "bakit?".
(i- , ika- , ikina-)
Halimbawa:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.
Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.

7. pokus sa direksyon

Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?".
(-an , -han , -in , -hin)
Halimbawa:
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.

40 comments:

Anonymous said...

Tnx, so useful..exam tom.

Tristan Campanilla said...

Very useful now I'm ready for my test

Anonymous said...

So informative. HIGH FIVE

Anonymous said...

thnx much!! its a big help for my report today..:)

Jerome Rana said...

Wow! very useful! tamang-tama to para sa report ko sa Filipino today:)

Anonymous said...

salamat sobra!!!
makakatulong po ito sa akin..
^_^

Anonymous said...

Thanx! IWan po kc libro q

Anonymous said...

salamat sobra!!!!!!!
makakatulong po ito sa akin....
Handa na po ako sa quiz bukas....
^.^

Anonymous said...

Yes!thancuu:))

Anonymous said...

high five sa gumawa nito

Anonymous said...

I made my homework because of this! thanks! =)

Anonymous said...

thanks, for my report sa thursday na 2.

Anonymous said...

La wenta but it helps a lot...... :) peace

Anonymous said...

sir can i ask a question? paano ko po matutukoy ang paksa ng pangungusap? yun po ba yun laging nasa first part ng sentence?

Anonymous said...

thank you so much
very informative,.!

Anonymous said...

thanks! hepled me alot. exam tomorrow

Ellilou Gamosa said...

yes alam ko na kung ano pinagkaiba nila ng kaganapan :D marami pong salamat

Angel Faith Conahap said...

Not much because the examples are lacking!

Anonymous said...

真的很有用!

Anonymous said...

Salamat po!
hahaha cramming para sa exam bukas xP Very useful ito!
-double thumbs up- Thank you ulit

Anonymous said...

Thx was very helpful . Btw exam tomorrow ^^

Anonymous said...

omg !!! bravo ! bravo ! mabuhay !

Anonymous said...

Thank youu. :)

Anonymous said...

salamat,mas naintindihan ko pa ito kaysa sa libro namin

Anonymous said...

thanks for this!!!! MAY GOD bless u for sharing your knowledge!!!

Anonymous said...

yea very helpful tnx anyways...

Anonymous said...

TANK U FOR UR HELP!

Anonymous said...

thanks a lot it's just that it's not that complete.
to add up.
POKUS ng resiprokal
- and pandiwa ay nasa pokus sa resiprokal kung ipinakikita ng pandiwa ang gantihan na kilos. Ang panlaping ginagamit ay ka-.. -in/-hin

but over all it is so informative

Anonymous said...

SALAMAT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Anonymous said...

Salamat po talaga! periodicals na bukas! di namin na gets XD -Cindy&Louise

joyce liwanag said...

who is answer that? you are good job joyceXD

Anonymous said...

Exam sa thursday napakainformative at naintindihan ko masyado

Anonymous said...

Hala! Salamat po talaga! ang laking tulong po neto! hihi :D

Anonymous said...

thanks

Anonymous said...

thanks a lot!!

Anonymous said...

thanks a lot you've done a great job

Anonymous said...

thanks you po. may T.A nako:)

Anonymous said...

Thanks a lot

Anonymous said...

what about Kaganapang RESIPROKAL? :(

Anonymous said...

anong paokus ito ng pandiwa? Nakita niya ang mga laruan. hindi pwedeng aktor ito kasi ang simuno ang mga laruan? posible ito ay layon kaso bakit ganoon ang panlapi na+ kita ang panlapi niya pang aktor? pano to gusto ko maging consistent ang paliwanag ko dito.

Post a Comment