Huwebes, Setyembre 23, 2010

Part 1

Part 1
Ang paglalahad tungkol sa kaharian ng Berbanya, hari at reyna at tatlong principe, ang pagkakasakit ng hari at ang pagsunod ni Don Pedro na hanapin ang Ibong Adarna .

Buod

Sa kaharian masagana at ang mga tao nabubuhay ng mapayapa na ang pangalan ay Berbanya, ang naghahari ay si Don Fernando at ang asawa niyang si Donya Valeriana.

Tatlo ang kanilang anak. Ang panganay ay si Don Pedro; pangalawa ay si Don Diego at ang bunso ay si Don Juan. Ang magkakapatid ay sinanay sa paghawak ng sandata nang kanilang pinili ang tumulong sa pagpapatakbo ng kaharian kaysa sa magpari.

Ang bunso ang paborito ng hari at reyna kaya nang managinip si Don Fernando na ang kaniyang anak na si Don Juan ay pinatay ng dalawang tao at inihulog sa balon, siya ay nagkasakit ng malubha.

Isang matandang manggagamot ang dumating sa kaharian at sinabing ang natataning lunas lamang ay ang awitin ng ibong Adarna na makukuha lang sa bundok Tabor.

Anang matanda, ang ibon ay humahapon sa puno ng Piedras Plata sa gabi at umaawit bago ito matulog. Sa umaga ay hindi ito matatagpuan.

Ang unang naglakbay para hulihin ang Ibong Adarna ay ang panganay na si Don Pedro.

Talataan:

Lunos-Lungkot
Matarok-maunawaan
Nililo-dinaya
Tumalima-sumunod
Marahuyo-maakit
Nag-aalimpuyo-nangangalit
Mayamungmong-madahon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento