Lunes, Agosto 30, 2010

Kahulugan at Katangian ng Wika

Kahulugan ng Wika

Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.

Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang daan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang aspeto ng buhay.

Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason)

Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. (Thomas Caryle)

Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantino at Galileo Zafra)


Kahalagahan ng Wika

Mahalaga ang wika sapagkat:

1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

May iba’t ibang katangian ang wika

1. Ang wika ay likas at katutubo, kasabay ito ng tao sa pagsilang sa mundo
2. May kayarian at nakabubuo ng marming salitang may mga kahulugan ang isang wika
3. May pagbabago ang wika, di napipigilan para umunlad
4. May sariling kakanyahang di-inaasahan, ang wika ay nalilikha ng tao upang ilahad ang
    nais ipakahulugan sa kanyang mga kaisipan (nanghihiram sa ibang wika upang
    makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran)
5. May kahulugan ang salita na batay sa taglay na ponolohiya, palatunugan at diin
6. Nauuri ang wika sa kaanyuan, kaantasan, ponolohiya at kalikasan.

Iba pang mga katangian ng wika:

1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

     a. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa
         makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga
         fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang
         ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].

     b. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa
         pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong
         uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.

               Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista
               Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
               Fonema = a
                               *tauhan, maglaba, doktora

     c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga
         pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at
         posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

               Hal. Mataas ang puno.
                      Ang puno ay mataas.
                      The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

     d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap;
         ang  mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa
         pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.

               Hal. Inakyat niya ang puno.
                      Umakyat siya sa puno.

               Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa
               pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa
               ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto
               ito sa panghalip ng aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na. Imbis na pantukoy na
               [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng
               dalawang pangungusap.

2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)

3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.

4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.

     Halimbawa:
     Wikang Swahili – atanipena (magugustuhan niya ako)
     Wikang Filipino – Opo, po
     Wikang Subanon – gmangga (mangga)
     Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)
     Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)
     Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)

     Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang
     ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino
     lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman,
     mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang
     magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman,
     isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago.
     Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos
     na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa
     pagbigkas ng mga tunog pangwika.

5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.

     Halimbawa: BOMBA
                       Kahulugan:
                       a. Pampasabog
                       b. Igipan ng tubig mula sa lupa
                       c. Kagamitan sa palalagay ng hangin
                       d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula
                       e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao

6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika kaya’t ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].

7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.

8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon ng mga pipi, hindi wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi nito taglay ang katangian ng isang ganap na wika.

9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na “bi” ay sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”.

10. May level o antas ang wika.

118 komento:

  1. cnu po author nitong gabay ng mag-aaaral?

    TumugonBurahin
  2. Very Informative, Thanks =))

    TumugonBurahin
  3. slamat sa information.. tulong tlga i2 . wla kse akong book e. :)

    TumugonBurahin
  4. Uyyyyyyyy thank so much!!! Very helpful! I love you na!! May God bless you, continue helping other people with their assignments. Hahahaha! Thank you!

    TumugonBurahin
  5. ano pong book yung source nyo?

    TumugonBurahin
  6. thanks! great help.. :D
    i can add it on my report.. ^_^

    TumugonBurahin
  7. Thanksssss a lot sa help. :)

    TumugonBurahin
  8. hahai salamat talaga.....nakita kuna ang report cuh......tnx..GOD..

    TumugonBurahin
  9. i love you author :)

    TumugonBurahin
  10. Maraming salamat sa impormasyon. Kahanga-hanga ang mga taong tulad mo. Sana ipagpapatuloy mo pa ang pag-aaral ng wika para sa ikauunlad ng ating Wikang Pambansa. Kasama mo kami sa pagtataguyod ng Wikang Filipino. Mabuhay ka..!!!!!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. SALAMAT PO MAKATUTULONG ITO PARA SA GAGAWIN KONG REPORT

      Burahin
  11. salamat din sa pagbisita sa aking website

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Maraming salamat po sa imprmasyong inyong ibinahagi sa amin! Ito po ay nakalaking tulong na sa akin bilang isang mag aaral.

      Burahin
  12. tnx sa information,,,god bless you...

    TumugonBurahin
  13. THANK YOU SO MUCH ..............

    TumugonBurahin
  14. Ano po full name ng author? For citation purposes po. Thank you

    TumugonBurahin
  15. salamat poooo

    TumugonBurahin
  16. tank u so much. a great help 2 me..

    TumugonBurahin
  17. this is awesome! A very huge thanks for helping me out with filipino... :)

    TumugonBurahin
  18. Salamat dito! haha very Helpful TY TY ;)

    TumugonBurahin
  19. eow powzz ajejeje.. maLak1ng 2long poh ito sakin... TY

    TumugonBurahin
  20. TY sa gumwa nto :)0

    TumugonBurahin
  21. thanks a lot!! may God bless you all!!

    TumugonBurahin
  22. hay salamat nakita ko na rin ! =D salamat po !

    TumugonBurahin
  23. Sino ang Author o nito? Pde paki post please?

    TumugonBurahin
  24. Andito Lang pala yung hinahanap ko, thanks sa information,talagang gabay ito sa mga mag-aaral.

    TumugonBurahin
  25. thankyoooou! hope this is true ..

    TumugonBurahin
  26. maraming salamat sa pagbibigay ng kaalaman sa mga hungkag namjng kaisipan!

    TumugonBurahin
  27. stellar! great!!! i hope an i pray that all things may go well with you... :)

    TumugonBurahin
  28. sir bokals,ang galing po nito. kompleto unlike other results na makikita. (posting this comment for a simple appreciation of your great work) :)

    TumugonBurahin
  29. Thank You! :)

    TumugonBurahin
  30. Maraming salamat. Malaki ang maitutulong ng blog na ito sa aming pag-aaral :D

    TumugonBurahin
  31. first and foremost in be half of the persons that was been read this./ im very much thankful because through this i learned more actually so its been my pleasure IN FACT

    TumugonBurahin
  32. salamat pla s mga information na binibigay ninyo and ndi tlga keo nagsasawa na itoy ibigay sa mga mag-aaral thank u so much .....btw cno pla ang autjor nito.

    TumugonBurahin
  33. Sino po ba yung Author nito? Ask ko lang po sana. Nakatulong po siya sakin :) Salamat.

    TumugonBurahin
  34. ..tnx.. a lot :)

    TumugonBurahin
  35. tnx a lot 4 the help

    TumugonBurahin
  36. cnu po author? di ko makita ung profile???

    TumugonBurahin
  37. Ako po ang author ng blog. Sadya po na hindi ko nilagay ang detalye sa profiule dahil hindi po ako ang importante sa blog na ito. Ang mahalaga ay maibahagi ko ang aking nakayanan upang maging maging gabay sa inyong pag-aaral- Admin(Bokals)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. eto po yung eksaktong laman ng libro ko nung college po ako subalit hindi ko po maalala ang mga author nun.. I think ang tinatanong po nilang author eh yung mismong tao na nagsulat nito at hindi po yung nagsalin nito sa internet sir.

      Burahin
  38. thankyou for this! it really helped me a lot :)

    TumugonBurahin
  39. Ano ang mga reperensiyang ginamit mo para sa artikulo na to? Kailangan ko kasi ng artikulo na may reperensiya. Salamat.

    TumugonBurahin
  40. wow!thank u....ang galing mo author..andito lahat hinahanap ko!

    TumugonBurahin
  41. thanks sa author.
    very informative
    very helpful
    keep up the good work :))

    TumugonBurahin
  42. It's great :) gotta' share it with others :)

    TumugonBurahin
  43. laking tulong ng site nyo

    TumugonBurahin
  44. naway madagdagan pa ang ganitong mga site na makatutulong sa mga mag aaral ... salamat sa inyong kontribusyon:)))

    TumugonBurahin
  45. Thank you for the information. :D

    TumugonBurahin
  46. kelan po ito nilabas o karampatang ari?

    TumugonBurahin
  47. Gad! Buti nalang nahagilap ng mata ko itong website nato hehe:). Salamat sayo author :* Ng dahil sa gawa mo nakumpleto na ang proyekto ko tungkol sa WIKA . Helpful talaga tong ginawa mong website author :D . Sana mapalawak pa ang mga nalalaman mo ;)
    -- gelie lopez :)

    TumugonBurahin
  48. Hi author ? Matanong ko lang po :). Ano po ba ang ibig sabihin ng "Ang wika ay naglalantad ng saloobin" Paki sagot naman po ;). Salamat :*
    -- gelie lopez :)

    TumugonBurahin
  49. cnu yung author pa post nmn 1 tnx :D

    TumugonBurahin
  50. thank you po:-) very informative. okay na assignment ko:-)

    TumugonBurahin
  51. THANK YOU PO~!!!!!!!!!!!!<3 <3 <3 <3 <3 <3

    TumugonBurahin
  52. Thank you po :)

    TumugonBurahin
  53. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  54. parang may kulang.

    TumugonBurahin
  55. Well done! Thanks for this information that help me to answer my assignment today =))))

    TumugonBurahin
  56. salamat!!!nakatulong siya ng malaki

    TumugonBurahin
  57. THANK YOU PO! Saktong sakto!

    TumugonBurahin
  58. salamat sa author nito.. tamang tama sa report ko! godbless

    TumugonBurahin
  59. maraming salamat :3 may assignment nako XD

    TumugonBurahin
  60. thank you so much for this website..:) grabe nakahinga ng maluwang dahil dito.:)

    TumugonBurahin
  61. thank you for posting this kind of interesting word.
    So that may reporting makes easier...<3 :)

    TumugonBurahin
  62. tnx a lot ^_^ !!!

    TumugonBurahin
  63. Good day sir!!gusto ko po sanang itanong yung tungkol po sa dayalektong cebuano, Di po ba ito yung tawag sa dayalekto na ginagamit ng mga taong nakatira sa cebu??bakit maraming lugar po ang gumagamit nito??tulad na lang po sa ilang bahagi ng luzon at mindanao?Sana po ay inyong matugunan ang aking katanungan. Maraming Salamat po!

    TumugonBurahin
  64. mr/ma'am pwedi ko po bang malaman yung name mo ? pinapasama po kasi ng tc namin yung full name ng author asap po. thanks:)

    TumugonBurahin
  65. ano po middle initial nyo dapat daw po kasi complete full name. thanks po talaga .

    TumugonBurahin
  66. thank you very much :) :)

    TumugonBurahin
  67. asteeeg :)
    thanks po . very helpful ^_^

    TumugonBurahin
  68. salamat po dito.. ang laki po nitong tulong sa mga mag-aaral

    TumugonBurahin
  69. thank you po ulit .. madami po kyong natutulungan na estudyante :) keep it up po ;) more power :)

    TumugonBurahin
  70. Ang galing galing naman po! Maraming salamat po at hindi na ako nahihirapang aralin at intidihin ang filipino. Mabuhay! from cebu :)

    TumugonBurahin
  71. maraming salamat kaibigan..

    TumugonBurahin
  72. salamat!!
    dahil marami itong naitulong...

    TumugonBurahin
  73. Sir aside from this , meron po bang Iba't ibang genres ng wika ? Kasi pinapa search ako niyan report ko po . Sana po matulungan nyo ako , please ;)

    TumugonBurahin
  74. nice one meaning and very thick-full of information that you may used for purpose.

    TumugonBurahin
  75. salamat po :)

    TumugonBurahin
  76. salamat po :)

    TumugonBurahin
  77. Magbigay ng mga kahulugan ng wika sa isang salita lamang (1-10) Hal. Mahiwaga

    TumugonBurahin
  78. ang galing ng may gawa nito.. natulungan mo ko sa aking takdang aralin.. maramimg salamat :)

    TumugonBurahin
  79. This is all worth it. Useful talaga at may sense. I was wondering kung anong book ito?

    TumugonBurahin
  80. thanks for the info

    TumugonBurahin
  81. sana magkaroon pa kayo ng maraming website para makatulong pa kayo sa mga mag-aaral na naghahanap ng kasagutan sa kanilang mga tanong.

    TumugonBurahin
  82. Sir katangian ba ito ng wika bilang pangsistemang balangkas?

    TumugonBurahin
  83. thank u po tlaga!! malaking tulong po to para sa ma assignment ko... god bless po sa inyo!! :)

    TumugonBurahin
  84. Thank you sire for the very helpful documents.
    wish you the best. :D

    TumugonBurahin
  85. Maraming salamat dito , nakatulong ito saakin sa pagsagot sa subject kong akademikong filipino :))

    TumugonBurahin

  86. Kahalagahan ng Wika
    number 2

    2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;

    efektivong?

    pero napa maraming salamat guys ^_^

    TumugonBurahin
  87. hayst ano po pangalan ng author? wala pong lumalabas na pangalan sa "view my Profile" eh, Bokals lang tapos gender ganun, need ko po kasi yung name ng author, baka pwede naman pong malaman?

    TumugonBurahin
  88. hayst ano po pangalan ng author? wala pong lumalabas na pangalan sa "view my Profile" eh, Bokals lang tapos gender ganun, need ko po kasi yung name ng author, baka pwede naman pong malaman?

    TumugonBurahin
  89. Maraming salamat Sir Bokals. Malaking tulong na ito sa akin para sa aking pagsusuri sa Filipino ( kahulugan at katangian ng wika ). eal

    TumugonBurahin
  90. Salamat po dito very informative ! keep it up

    TumugonBurahin
  91. Salamat po sama nga details nagawa ko po ng maayos ang aking projects....

    TumugonBurahin
  92. Wala pong pangalan ang Author. PLease po gagamitin ko po ito as reference. Full name po.

    TumugonBurahin
  93. the work is good and informative as well but too broad

    TumugonBurahin
  94. happy ako ako para dto

    TumugonBurahin
  95. Thanks sa info... Very helpful...

    TumugonBurahin
  96. Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura.


    Pwede paki explain po? :)

    TumugonBurahin
  97. thank you po. ..
    talagang nakakatulong sya sa aking review. ..

    TumugonBurahin
  98. salamat isa kang alamat

    TumugonBurahin
  99. Salamat ng marami sapagkat detalyado ang impormasyon na binigay mo at napadali nyo po research ko at report ko. :D

    TumugonBurahin
  100. thank you so much. mas napadali pa research ko :D

    TumugonBurahin
  101. Maraming salamat po dito, malaking tulong po ito para sa aking takdang aralin.

    TumugonBurahin