Lunes, Agosto 30, 2010

Kasaysayan ng Wika

Kasaysayan ng Pambansang Wika (Panahon ng Espanyol-Hapones)


PANAHON NG ESPANYOL

Kristiyanismo – ito ang layunin ng mga Espanyol na ikintal sa mga Pilipino sa kanilang pananakop.
Pagano, Barbariko, Di-sibilisado – ito ang paglalarawan ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
Katutubong Wika – ang ginamit ng mga Espanyol sa pagpapatahimik ng mga mamamayan.  Pinag-aralan nila ito at ginamit noong una sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Paghahati ng mga isla ng pamayanan – ito ang unang ginawa ng mga Espanyol upang mapabilis ang kanilang layunin.

Limang orden ng Misyonerong Espanyol

1. Agustino
2. Pransiskano
3. Dominiko
4. Heswita
5. Rekoleto

Gob. Tello – nagmungkahi na turuan ang mga indio ng Wikang Espanyol.
Carlos I at Felipe II – naniniwalang kailangang maging billinguwal ang mga Pilipino.  Gagamitin nila ang         katutubong Wika at Espanyol.
Carlos I – nagmungkahi na ituro ang Doctrina Christiana gamit ang Wikang Espanyol.
Doctrina Christiana –  isang maagang aklat ng Romano Katoliko katesismo, isinulat ni babagan Juan de Plasencia, at pinaniniwalan na isa sa pinakamaagang mga libro na nalimbag sa Pilipinas noong 1953.
Marso 2, 1634 – muling inulit ni Felipe II ang kanyang utos na turuan ng Espanyol ang mga indiyo.
Carlos II – lumagda ng isang deskrito tungkol sa pagtuturo ng Wikang Espanyol.
December 29, 1972 – lumagda si Carlos IV ng deskrito na nag-uutos na gamitin ang Wikang Espanyol sa lahat ng paaralan.


PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO

300 taon – sinakop ng Espanyol ang Pilipinas.
1872 – nagkaroon ng kilusan ang propagandista.  Ito ang simula ng paghihimagsik.
Andres Bonifacio – itinatag ang Katipunan.
Wikang Tagalog – ang ginagamit sa kautusan at pahayagan ng katipunan.
Isang Bansa, Isang Diwa laban sa mga Espanyol – ang sumibol sa kaisipan ng mga Pilipino sa panahong ito.
Konstitusyon ng Biak na Bato – pinagtibay noong 1899. Ito ang unang kongkretong pagkilos ng mga Pilipino laban sa mga Kastila.
Tagalog – ginawa nilang opisyal na wika bagamat walang isinasaad na ito ang magiging Wikang Pambansa.
Riza at mga Propagandista – nakabatid na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga  kababayan nila.
Aguinaldo – ang namuno sa Unang Republika.  Ginawa niyang opsiyonal ang paggamit ng Wikang Tagalog.


PANAHON NG AMERIKANO

Almirante Dewey -  namuno sa mga Amerikanong dumating sa Pilipinas.
Wikang Ingles – ginamit na Wikang Panturo at Wikang Pantalastasan mula sa antas primarya hanggang sa kolehiyo sa panahon ng mga Amerikano.
Jacob Schurman – ang namuno sa komisyong naniniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyong primary. Batas Blg. 74 – itinakda ng komisyon noog Marso 21, 1901 na nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo.
Reading, Writing & Arithmetic (3R’s) – ang binigyang-diin sa pagtuturo subalit nahihirapan ang mga guro sa pagpapaunawa sa mga mag-aaral kaya ipinagamit ang bernakular bilang wikang pantulong. Ipinagbawal ang paggamit ng Wikang Bernakular at tanging Wikang Ingles nalang ang ipinagamit na Wika ng Panturo nang mapalitan ang director ng kawanihan ng edukasyon.
Service Manual ng Kawanihan ng Edukasyon – nagsasaad na tanging Ingles lamang ang dapat gamitin sa pag-aaral, sa bakuran ng paaralan at sa gusali ng paaralan.
Mga sundalo – ang unang nagturo ng Ingles at sumunod ang grupong Thomasites.
Bise Gobernador Heneral George Butte – Kalihim ng Pambayang Pagtuturo sa apat na taong pag-aaral noong 1931.  Sinabi niyang hindi kailanman magiging wikang pambansa ng mga Pilipino ang Ingles dahil hindi ito ang wika ng tahanan.
Jorge Bocobo at Maximo Kalaw – sumang-ayon sa sinabi ni Butte.

Mga Dahilang Nagtataguyod sa Paggamit ng Ingles

1. Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magre-resulta sa suliraning administratibo. 
    Mahihirapang lumipat ang mga mag-aaral sa iba-ibang pook dahil iba-iba ang itinurong wika sa 
    ibang rehiyon.
2. Ang paggamit ng bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyonalismo sa halip na  
    nasyonalismo.
3. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong Ingles at Bernakular.
4. Malaki na ang nagasta ng pamahalaan sa paglinang ng wikang Ingles upang maging wikang
    Pambansa.
5. Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkakaroon ng pambansang pagkakaisa.
6. Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal.
7. Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham.
8. Yamang nandito na ang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito.

Mga Dahilang Nagtataguyod sa Paggamit ng Bernakular

1. Pagsasayang lamang ng panahon at pera ang pagtuturo ng Ingles dahil wala itong kinalaman sa  
    kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay.
2. Magiging epektibo ang pagtuturo sa primary kung bernakular ang gagamitin.
3. Tagalog ang nararapat na pipiliing Wikang komon sapagkat isang porsyento lamang ng tahanang  
    Pilipino ang gumagamit ng Ingles.
4. Hindi magiging maunlad kung Ingles ang gagamitin sa pagtuturo dahil hindi naman natututo ang 
    mga mag-aaral kung paano malulutas ang mga problemang kakaharapin nila.
5. Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo
6. Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng lahat katulad ng paggamit 
    ng bernakular.
7. Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa Wikang Ingles ang mga Pilipino.
8. Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular, kailangan
    lamang na ito ay pasiglahin.  

Henry Jones Ford – nagsagawa ng unang pagsisiyasat sa pagtuturo gamit ang Ingles.  Kanyang natuklasan na ang Ingles ay kay hirap makilala na Ingles na nga.

Saleeby – iginiit niya na makabubuti ang magkaroon ng isang wikang pambansang hango sa katutubong wika nang sa gayon ay maging malaya at mas epektibo ang paraan ng edukasyon sa buong bansa.


PANAHON NG HAPONES

Mga Naganap sa Wika sa Panahon ng Hapones

1. Nagkaroon ng pagsulong ang wikang pambansa
2. Ipinagbabawal ang paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino.
3. Ipinagbabawal ang paggamit ng mga aklat at peryodiko mula sa Amerika.
4. Ipinagagamit ang mga katutubong wika lalo na ang Tagalog.
5. Namayagpag ang Panitikang Tagalog
6. Itinuro ang Wikang Nihonggo sa lahat ng paaralan subalit binigyang-diin ang Wikang Tagalog.
7. Naging masiglang talakayan ang tungkol sa Wika.

Ordinansa Militar Blg. 13 – Ipinatupad ng mga Hapones. Ito ay nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at Nihonggo.
Philippine Executive Commission – itinatag upang magtaguyod ng patakarang military ng mga Hapones at propagandang pangkultura.
Jorge Vargas – namuno sa Philippine Executive Commission.
KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas – may layuning mapabuti ang edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapalakas at pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng imperyong Hapones.
Benigno Aquino – ang nahirang direktor ng KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas.
Pagpapalaganap ng Wikang Pilipino – ang pangunahing proyekto ng Kapisanan, katuwang nila ang SWP.

Tatlong Pangkat na Namamayagpag sa Usaping Pangwika sa Panahong ito:

1. Pangkat ni Carlos Ronquillo
2. Pangkat ni Lope K. Santos
3. Pangkat nina N. Sevilla at G.E. Tolentino

Jose Villa Panganiban – nagturo ng Tagalog sa mga Hapones at di-Tagalog.


Mga Dahilan Kung Bakit sa Tagalog ibinatay ang Pambansang Wika

Mayroong limang dahilan ibinigay ang Surian ng Wikang Pambansa kung bakit sa Tagalog ibinatay ang wikang Pambansa. Ito ay ang mga sumusunod.

1. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan. Katunayan, ang Tagalog ay binubuo ng 30,000
    salitang-ugat at 700 panlapi.
2. Ito ang wikang ginagamit sa sentrong kalakalan.Ito ay wikang ginagamit sa punong-lungsod ng 
    Pilipinas, ang Maynila at siyang lingua franca ng buong bansa.
3. Ito ang salita o wikang ginagamit ng nakararami.
4. Ito ay madaling pag-aralan, matutunan at bigkasin.
5. May pinakamaunlad na panitikan sa lahat ng katutubong Wika sa Pilipinas.




Mga Sanggunian:

Dayag, Alma M. at Del Rosario. Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City. Phoenix Publishing House Inc.2016.

Wennie TM. Kasaysayan ng Wika. Retrieved from http://wennchubzz.blogspot.com/2016/08/kasaysayan-ng-pambansang-wika-panahon.html

4 (na) komento:

  1. Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  2. May i use this for a project? The whole wika section. Thank you

    TumugonBurahin
  3. Lahat po ay pwedeng gayahin at gamitin. Para po sa lahat ng mag-aaral ang blog na ito. Wala pong restrictions as long as you need it po walang problema. Bokals (author)

    TumugonBurahin
  4. malaking tulong po ito para sa aking pagtuturo, salamat

    TumugonBurahin