Martes, Nobyembre 20, 2012

Tatsulok Na Daigdig

Tatsulok Na Daigdig
Ni Natsumi Soseki
Salin ni Aurora E. Batnag


Paakyat sa landas ng bundok, nakapag-isip-isip ako.

Kapag laging utak ang pinapangibabaw mo, magiging malupit ka. Sumagwan ka sa ilog ng emosyon at matatangay ka ng agos. Palayain mo naman ang iyong mga hangarin at di ka mapakali sa iyong pagkakakulong. Hindi kasiya-siyang mamuhay rito, sa daigdig na ito.

Habang lumulubha ang pagkayamot, ibig mong tumakas kung saan higit na magaan ang buhay. Pagdating lang sa puntong una mong napag-isip-isip na sadyang mahirap mabuhay kahit malayo na ang narating mo, saka isinisilang ang isang tula, o nalilikha ang isang larawan.

Ang mundong ito ay di likha ng diyos o ng demonyo kundi ng mga karaniwang tao sa ating paligid; yaong mga nakatira sa tapat o sa kapitbahay, na tinatangay ng pang-araw-araw na agos ng pamumuhay. Maaaring napakahirap mabuhay sa mundong ito na nilikha ng mga karaniwang tao pero may iba pa bang mapupuntahan? Kung mayroon man, tiyak iyon ay isang lupaing “di-pantao”, at anong malay natin, baka mas kasumpa-sumpa pa ang mundong iyon kaysa rito?

Hindi tayo makakatakas sa daigdig na ito. Samakatuwid, sa hirap ng buhay, wala kang magagawa kundi magpakaginhawa sa taghirap, bagamat maikling panahon lamang ang kaya mong tiisin, upang kahit papaano’y makaya mo ang iyong maikling buhay. Sa puntong ito nagsisimula ang bokasyon ng isang alagad ng sining at dito rin itinatalaga ng langit ang gawain ng isang pintor. Pasalamatan mo ang langit dahil sa mga tao na sa iba’t ibang paraan ng kanilang sining, ay naghahatid ng katiwasayan sa mundo at nagpapataba ng mga puso.

Alin sa mundo ang lahat ng alalahanin at problemang nagpapabigat sa buhay sa halip ay ilarawan ang isang daigdig na punung-puno ng biyaya at pagmamahal. Magkakaroon ka ng musika, ng isang larawan, o tula, o iskultura. Hindi lang ito, idaragdag ko pang hindi kailangang magkatotoo ang pananaw na ito. Sapat nang ilarawan sa isip at magkakabuhay ang tula, magkakahimig ang awit. Bago mo pa man isulat ang iyong iniisip, mararamdaman mong parang napupuno ang iyong dibdib ng kristal na taginting ng mga kampanilya; at kusang magliliwanag sa iyong mga mata ang lahat ng maningning na kulay, kahit di nagagalaw sa kabalyete ang iyong kanbas na di pa nahahaguran ng pintura. Sapat nang magkaroon ka ng ganitong pananaw sa buhay at ang marumi’t bulgar na mundong ito ay magiging malinis at maganda sa mga mata ng iyong kaluluwa. Maging ang makata na wala pang naisusulat kahit isang taludtod, o ang pintor na walang pintura at wala pang naipipinta kahit isang bahagi ng kanbas, ay makatatagpo ng kaligtasan, at makaaangat sa mga makamundong hangarin at damdamin. Kailanma’t ibig, mapapasok nila ang isang daigdig ng dalisay na kalinisan, at kapag naitapon ang pagkakasakim at pagkamakasarili, ay makapagbubuo ng walang katulad at di mapantayang daigdig. Sa lahat ng ito, higit pa silang maligaya kaysa sa mayayaman at tanyag; kaysa sa sino mang panginoon o prinsipeng nabuhay sa mundong ito; tunay na mas maligaya kaysa sa lahat ng nagtatamasa ng pagmamahal sa bulgar na mundong ito.

Pagkaraang mabuhay nang dalawampung taon, napag-isip-isip kong karapat-dapat mamuhay sa mundong ito. Sa edad na beinte-singko, naunawaan ko na tulad ng liwanag at dilim na magkabilang tabi ng iisang bagay, saan man may liwanag ng araw, tiyak na may anino. Ngayon, sa edad na treinta, ganito ang nasasaisip ko: sa kailaliman ng kaligayahan, naroroon ang kalungkutan; at kung lalo kang maligaya, lalo ring matindi ang sakit. Subukin mong ihiwalay sa lungkot ang tuwa at mawawalan ka ng kapit sa buhay. Itabi mo ang mga ito sa isang sulok at guguho ang mundo. Mahalaga ang pera, pero kapag naipon, di ba nagiging problema lamang ito na bumabagabag hanggang sa pagtulog? Ang pag-ibig na nakatutuwa pero kapag nagkapatung-patong ang mga kagalakang ito, hahanap-hanapin mo ang mga araw noong di mo pa kilala ang tuwa. Ang mga balikat ng estado, ang Gabinete, ang nagsusuporta ng mga pasanin para sa milyun-milyon, ang mga paa nito; at pabigat sa kanila ang mga sagutin ng gobyerno. Iwasan mong kumain ng napakasarap ng bagay, at pakiramdam mo’y may nakaligtaan ka. Kaunti lamang ang kainin mo at pagtindig mo sa mesa, mararamdaman mong gusto pang kumain. Kumain ka nang napakarami at pagkaraan ay sasama ang pakiramdam mo.

Sa bahaging ito ng paglalakbay ng aking isip, napatapak ang aking kanang paa sa isang matulis na bato at nadulas ako. Tuluyan na akong bumagsak matapos kong bawiin ang kaliwang paa na bigla kong naisipa sa pagtatangkang mabalanse ang katawan ko. Mabuti na lamang at napaupo ako sa isang malaking bato na may lapad na tatlong piye, kaya ang nangyari lamang ay nakalog ang kahon ng pintura na nakasukbit sa aking balikat. Suwerte na lamang at walang nasira.

Nang tumayo ako at tumingin sa paligid, napansin ko sa dakong kaliwa ng landas ang isang namumukod na tuktok na korteng baligtad na balde. Nababalutan ito mula ibaba hanggang itaas ng makapal na berdeng puno, na di ko makilala kung cryptomeria o sipres.

Sumasalit sa mga dahon ang ilang kumpol ng ligaw na cherry na kulay maputlang pula at dahil sa napakapal na ulap sa ibabaw, tila naglanguyan at naghalo ang mga kulay at imposibleng makita nang malinaw ang mga puwang sa pagitan ng mga puno at sanga. Nasa di kalayuan ang isang kalbong bundok. Namumukod ito sa paligid at parang abot-kamay lamang ang layo. Parang pinalakol ng isang higante ang walang kapunu-punong gilid nito at napakatarik ng batuhang mukha na diretsong pababa sa kapatagang nasa kailaliman. Sa tingin ko’y pulang pino ang nag-iisang punong iyong nasa tuktok. Kitang-kita maging ang mga piraso ng langit na masisilip sa pagitan ng mga sanga. May dalawampung yarda sa dako pa roon, biglang naputol ang landas, pero pagtingala ko, may nakita akong isang pigurang nakabalot ng pulang kumot na pababa sa gilid ng bundok, at naitanong ko sa aking sarili, makarating kaya ako roon kung aakyat ako. Terible ang daang ito.

Kung lupa lamang ito, hindi sana ganito katagal lakarin, pero may nakabaong malalaking bato sa daan. Mapapantay mo ang lupa, pero nakausli pa rin ang mga bato. Mapagpiraso-piraso mo ang maliliit na bato, pero hindi ang malalaki. Hindi mo maaalis ang mga batong iyon. Ang mga bato ay parang nangungutya at tiwalang-tiwala sa sarili na nakapuwestong di masusupil sa tambak ng di patag na lupa. Wala yatang daan dito na di mo muna paghihirapan. Kung gayon, dahil ayaw magparaan ng ating kalabang di mapagbigay, kailangang umakyat tayo o kaya’y ikutan ito.

Hindi pa rin madaling lakarin ang lugar na ito kahit hindi ito mabato. Mataas ang magkabilang tabi at may hukay sa gitna ng landas. Ang hukay na ito mailalarawan sa pamamagitan heometriya. Tatsulok ito na ang lapad ay may anim na piye, na ang mga gilid ay nagtatagpo sa isang matulis na anggulo, na nasa gitna ng landas. Para kang naglalakad sa ilalim ng ilog sa halip na sa isang landas. Dahil sa simula pa’y di ko na na inisip na magmadali, magdahan-dahan lang ako sa paglakad, at haharapin ang di mabilang na paliku-liko kapag nandoon na .

Sa ibaba ng aking kinatatayuan, biglang umawit ang isang pipit. Ngunit kahit gaano ko pa man titigan ang kapatagan, talagang ni anino ng ibon ay di ko malkita; ni hindi ko malaman kung saan ito naroroon. Malinaw kong naririnig ang tinig nito, pero hanggang doon lamang. Dahil malakas at walang tigil ang pag-awit ng ibon, pakiramdam ko’y masiglang nagpaparoo’t parito ang hangin para matakasan ang nakaiinis na kagat ng libu-libong pulgas. Talagang hindi tumigil ang ibong iyon kahit saglit. Para bang hindi ito masisiyahan hangga’t hindi nakaaawit ng husto araw at gabi sa buong nakasisiyang tagsibol; at hindi lamang umawit kundi ptuloy na lumipad magpakailanman. Walang dudang doon na mamamatay ang pipit sa itaas ng ulap. Maaaring sa pinakaitaas ng kanyang paglipad, mararating ng pipit ang lumulutang na ulap at doo’y lubusang maglalaho hanggang sa tanging boses na lamang ang maiiwan, na ikinukubli ng hangin.

Biglang lumiko ang landas sa isang nakausling kanto ng bato. Ang isang bulag ay maaaring magtuluy-tuloy hanggang sa bingit, pero naiwasan ko ang peligro at nakuha kong kumanan. Sa ibaba, natanaw ko ang mga rape-blossom na parang alpombrang nakalatag sa kapatagan. Mapapadpad kaya roon ang isang pipit? –

Hindi. Siguro, naisip ko, lilipad ito mula sa mga ginintuang bukirin. Pagkaraa’y inilarawan ko sa isip ang dalawang pipit, ang isa’y pasisid habang ang isa anama’y paitaas, nagkasalubong sa paglipad. Sa wakas ay naisip kong pasisid man o paitaas o magkasalubong man sa paglipad, malamang magpapatuloy pa rin ang masiglang pag-awit ng pipit.

Sa tagsibol, inaantok ang lahat. Nalilimutan ng pusa na manghuli ng daga, at nalilimutan ng tao ang kanilang mga utang. Kung minsan, pati kaluluwa’y nalilimutan nila at sila’y nagmimistulang tuliro. Ngunit nang tanawin ko ang dagat na iyon ng mga rape-blossom, waring natauhan ako. At nang marinig ko ang awit ng pipit, naglaho ang ulap at muli kong natagpuan ang aking kaluluwa. Hindi lamang lalamunan ang umaawit sa pipit, kundi ang kabuuan nito. Sa lahat ng nilalang na maaaring magsatinig sa mga gawain ng kaluluwa, walang sinlakas at buhay na buhay na gaya ng pipit. Tunay itong kaligayahan. Kung nasasaisip mo ito at maaabot mo ang ganitong antas ng kaligayahan, iyon ay tual.

Biglang pumasok sa isip ko ang tula ni Shelley tungkol sa pipit. Tinangka kong bigkasin ito, pero dadalawa o tatlong saknong lang ang naalala ko. Narito ang ilang taludtod:

Lumilingon at tumatanaw

Hinahangad ang wala sa kamay:

May halong pait

Ang pinakamatapat mang halakhak,

Pinakamatamis ang awit tungkol

Sa pinakamatinding sakit.

Gaano man kaligaya ang makata, hindi niya maibubuhos sa awit ang kanyang galak tulad ng malaya at walang pakialam na taos-pusong pag-awit ng pipit. Madalas gamitin sa Kanluraning panulaan, at makikita rin sa panulaang Tsino, ang pariralang “di mabilang na bushel ng kalungkutan.” Marahil, bushel ang ginagamit sa pagsukat sa lungkot ng makata, samantalang sa karaniwang tao ay ni hindi pa makapupuno ng pint man lamang. Marahil, ngayong napag-isip-isip ko, dahil mas mapag-alala ang makat kaysa sa karaniwang tao, mas matalas ang kanyang pakiramdam. Totoong may mga sandaling nakadarama siya ng di masukat na tuwa, pero mas madalas di naman siyang makadama ng di masukat na lungkot. Dahil dito, dapat munang isaalang-alang na mabuti bago ka magpasiyang maging makata.

Dito, pantay-pantay ang landas nang may ilang hakbang. Nasa kanan ang burol na natatakpan ng mga palumpong, at sa kaliwa naman, hanggang sa maaabot ng tanaw ay puro rape-blossom. Sa magkabila, nakatapak ako ng mga dandelion, na may mga dahong parang ngipin ng lagari na nakatayong nagmamalaki upang ipagtanggol ang ginintuang globo sa gitna. Nakapanghihinayang dahil sa katatanaw ko sa mga rape-blossom ay natapakan ko ang mga dandelion. Pero paglingon ko, nakita kong di nagalaw ang mga ginintuang globo sa pagitan ng mga nagsasanggalang na dahon. Kaylayang buhay! Binalikan kong muli ang aking iniisip.

Siguro, hindi mawawala sa makata ang kalungkutan, pero nang marinig kong umaawit ang pipit, ni katiting na sakit o lungkot ay wala akong naramdaman; at pagtingin ko sa mga rape-blossom, ang tanging alam ko’y lumulukso at sumasayaw ang aking puso. Gayon din ang nadama ko nang makita ang dandelion at ang namumukadkad na cherry, na ngayo’y nawala

na sa aking paningin. Doon sa kabundukan, malapit sa kagalakang hatid ng Kalikasan, lahat ng makikita mo at maririnig ay nakasisiya. Ito’y galak na di nababawasan ng alinmang hirap. Posibleng manakit ang mga binti mo, o maaaring sabihin mong wala kang makaing masarap, pero iyon lang, at wala nang iba.

Bakit kaya ganito? Siguro, dahil pagtingin mo sa tanawin, para bang nakatingin ka sa isang larawang binuksan para sa iyo, o kaya’y nagbabasa ka ng tula sa isang iskrol. Sarili mo ang buong paligid, pero dahil iyo’y gaya ng larawan o tula, hindi mo naiisipang paunlarin ito, o magkapera sa pamamagitan ng pagtatayo ng riles mula sa siyudad. Wala kang inaalalang ano man sapagkat tanggap mo ang katotohanang walang magagawa ang tanawing ito para busugin ka o kaya’y dagdagan ng kahit kusing ang iyong suweldo, kaya kuntento ka nang pagmasdan na lamang ito. Ito ang malaking pang-akit ng Kalikasan na sa isang kisap-mata, madidisiplina nito ang puso at isip, maisasantabi ang lahat ng hamak, at ihahatid ang mga ito sa dalisay at walang dungis na daigdig na tula.

Sa obhetibong pananaw, masasabing maganda ang pagmamahal sa isang lalaki sa kanyang asawa o sa kanyang mga magulang, at mainam maging tapat at makabayan. Ngunit kapag kasangkot ka na sa mga ito, bubulagin ka ng marahas na agos ng mga kontra at kampi, mga bentaha at disbentaha, at di mo na makikita ang ganda at kinang, at tuluyan nang maglalaho ang tula.

Para mapahalagahan ang tula, kailangang lumagay ka sa lugar ng miron na dahil puwedeng lumayo, ay makikita ang tunay na nangyayari. Sa puwestong ito lamang magiging nakasisiya ang isang nobela o dula dahil malaya ka sa mga personal na interes. Makata lamang habang nanonood o nagbabasa, at di ka pa aktuwal na kasangkot.

Pagkasabi nito, dapat kong amining karamihan ng mga dula at nobela ay puno ng pagdurusa, poot, pag-aaway, at pagluha, kaya kahit miron lamang ay di maaaring di masangkot sa emosyon. Matatagpuan na lamang niya, na sa isang punto ay karamay na siya, at nagdurusa rin, naiinis, nagiging palaaway, at umiiyak. Sa ganitong pagkakataon, ang tanging bentaha sa kanyang puwesto ay ang pangyayaring hindi siya apektado ng ano mang damdamin ng kasakiman o paghahangad ng personal na ganansiya. Ngunit ang kawalan niya ng interes ay nangangahuluganag ang ibang mga damdamin niya’y higit pang matindi sa karaniwan. Kaysakalap naman!

Sa loob ng mahigit na tatlumpung taon ng pamumuhay sa daigdig na ito, labis na ang nararanasan kong pagdurusa, galit, paglaban, at kalungkutan na di napapawi; at talagang napakahirap kung paulit-ulit na matatambakan ng pampagising sa mga emosyong ito kapag nagpupunta ako sa teatro, o kapag nagbabasa ako ng nobela. Ibig ko ng tulang naiiba sa karaniwan, at nag-aangat sa akin, kahit pansamantala, mula sa alikabok at dumi ng pang-araw-araw na buhay; hindi yaong nagpapatindi nang higit sa karaniwan sa aking damdamin. Walang dula, gaano man kadakila, na walang emosyon, at iilang nobela ang tiwalag sa konsepto ng tama at mali. Tatak na ng nakararaming mandudula at nobelista ang kawalang kakayahang humakbang palabas sa amundong ito. Ang mga kalikasang pantao ang sentro ng paksa ng mga Kanluraning makata sa partikular kaya di nila pinapansin ang daigdig ng dalisay na panulaan. Dahil dito, pagdating sa dulo ay mapapahinto sila dahil hindi nila alam kung may matatagpuan pa sa dako pa roon. Kuntento na silang talakayin ang karaniwang itinitindang simpatiya, pag-ibig, katarungan, at kalayaan, na pawang matatagpuan sa pansamantalang palengke na tinatawag nating buhay. Maging ang pinakamatulain sa mga ito ay abalang-abala sa pang-araw-araw na gawain, kaya ni hindi na nagkakapanahong kalimutan ang susunod na pagbabayaran. Hindi kataka-takang nakahinga ng maluwag si Shelley nang marinig niya ang awit ng pipit.

Mabuti na lamang at paminsan-minsan, ang mga makatang Silanganin ay nagkakaroon ng sapat na pagkaunawa upang makapasok sa daigdig ng dalisay na panulaan.

Sa ilalim ng halamang-bakod

Sa Silangan pumili ako ng krisantemo,

At naglakbay ang aking paningin sa mga

Burol sa Timog.

Dadalawang taludtod, ngunit kapag nabasa mo ang mga ito, lubos mong mamamalayan kung papaanong ganap na nagtagumpay ang makata na makalaya sa mapaniil na mundong ito. Hindi ito tungkol sa babaeng nakasilip sa kabilang bakod; o sa mahal na kaibigang nakatira sa kabilang burol. Ang makata ay nasa ibabaw ng lahat ng ito. Sapagkat natanggal na niya ang lahat ng alalahanin tungkol sa bentaha at disbentaha, tubo at pagkalugi, natamo na niya ang dalisay na takbo ng isip.

Nag-iisa, sa gitna ng kawayanan

Kinalabit ko ang kuwerdas;

At mula sa aking alpa

Pumailanlang ang nota.

Sa madilim at di dinadaanang landas

Tumatanglaw ang buwan sa pagitan ng mga dahon.

Sa pagitan ng iilang maikling linyang ito, isang buo at bagong mundo ang malikha. Ang pagpasok sa mundong to ay di tulad ng pagpasok sa mundo sa mga popular na nobelang gaya ng Hototogisu at Konjiki Yasha. Para itong pagtulog nang mahimbing at pagtakas sa nakapapagod na mga bapor, tren, karapatan, tungkulin, moral, at kagandahang-asal.

Ang uring ito ng tula, na hiwalay sa mundo at sa mga problema nito, ay sing-halaga ng pagtulog upang matagalan natin ang bilis ng pamumuhay sa ikadalawampung dantaon. Gayon man, sa kasamaang-palad, lahat ng makabagong makata, kabilang na ang kanilang mga mambabasa, ay labis na nabighani sa mga Kanluraning manunulat kaya hindi makuhang maglakbay sa lupain ng dalisay na tula. Hindi ko talagang propesyon ang pagtula, kaya hindi ko intensyong mangaral tungkol sa makabagong panulaan, upang mapagbagong-loob ang iba na sumunod sa uri ng pamumuhay nina Wang Wei at Tao Yuan-Ming. Sapat nang sabihing sa aking opinyon, ang inspirasyong matatamo sa kanilang mga akda ay higit pang mabisang panlaban sa mga problema ng makabagong pamumuhay kaysa sa panonood ng sine o pagdalo sa mga sayawan. Bukid dito, para sa akin, ay higit na kasiya-siya ang ganitong uri ng tula kaysa sa Faust o Hamlet. Ito ang tanging dahilan kung bakit pagdating ng tagsibol, mag-isa kong nilalakad ang landas sa bundok, sukbit sa balikat ang aking tripod at kahon ng pintura. Hinahanap-hanap kong makuha mula sa Kalikasan mismo ang kahit na bahgyang atmospera ng daigdig nina Yuan-ming at Wang Wei; at kahit pansamantala lamang, naglalakad-lakad ako sa lupaing lubusang hiwalay sa mga pandama at emosyon. Ito’y isang kakatwang ugali ko.

Mangyari pa, tao lamang ako. Kaya gaano man kahalaga sa akin ang ganitong napaksarap na pagkatiwalag sa mundo, may hangganan kung saan ako makapag-iisa sa isang panahon. Hindi ako naniniwalang maging si Tao Yuan-ming ay walang-tigil na pinagmasdan ang mga Katimugang burol sa loob ng ilang taon. Ni hindi ko mailarawan sa isip si Wang Wei na natutulog sa kanyang pinakamamahal na kawayanan nang walang kulambo. Malamang, ipinagbibili ni Tao sa isang magbubulaklak ang lahat ng krisantemong na niya kailangan, samantalang naunahan naman ni Wang ang gobyerno sa pagbebenta ng labong sa lokal na pamilihan. Iyan ang uri ng pagkatao ko. Gaano man ako naakit sa pipit at sa mga rape-blossom, mortal pa rin ako at di nagnanais magkamping sa gitna ng kabundukan.

May makikilala ka kahit sa isang lugar na tulad nito; isang matandang lalaki na nakapaloob sa likod ang kimono at may bandanang nakabuhol sa baba; isang kabataang babaeng nakapaldang pula; kung minsan, may makakasalubong ka pang kabayo na ang mukha ay higit na mahaba kaysa sa tao. May bahid pa rin ng amoy ng mga tao ang hangin kahit dito sa taas na ilang daang piye mula sa kapatagan ng dagat. Hindi yata tamang sabihing “may bahid”, dahil inaakyat ko ang bundok na ito sa pag-asang makapagpalipas ng gabi sa isang otel sa mga mainit na bukal na Nakoi.

Depende sa kinaroroonan mo, ang isang bagay ay maaaring magmukhang ibang-iba. Minsan, sinabi ni Leonardo da Vinci sa isang estudyante:”Pakinggan mo ang tunog ng kampanang iyon. Iisa lang ang kampana, pero maririnig mo ito sa napakaraming paraan.”

Dahil sa subhetibo ang paghuhusga natin, maaaring magkaibang-iba ang mga opinyon tungkol sa iisang tao, lalaki man o babae. Sa ano’t ano man, dahil ang layunin ko sa paglalakbay na ito ay pagtagumpayan ang emosyon, at masdan ang mga bagay-bagay nang walang damdamin., tiyak na iba na ang tingin ko sa mga tao ngayon kaysa noong namumuhay pa ako sa piling nila, sa isang masikip na klayenon sa magulo at isinumpang siyudad – ang daidig ng tao. Di man ako maging ganap na obhetibo, kahit papaano, ang damdamin ko’y di dapat maging mas matindi pa kaysa kung ako’y nanonood ng dulang Noh. Kung minsan, maging ang Noh ay nagiging sentimental. Papaano makatitiyak na hindi ka paluluhain ng Shickikiochi o Sumidagawa? Gayon man, tunay na emosyon ang treinta porsiyento ng Noh, at teknik naman ang natitirang sitenta porsiyento nito. Ang husay at pang-akit ng Noh ay hindi dahil mahusay nitong ipinamamalas ang emosyon at ugnayang pantao na parang tuany na buhay kundi dahil humahango ito ng mga pangyayaring pangkaraniwan saka ito dinadamitan ng patung-patong na sining, upang makalikha ng mabagal at halos nakaaantok na modelo ng kaasalan, na di makikita sa tunay na buhay.

Ano kaya ang mangyayari, kung habang isinasagawa ko ang maikling paglalakbay na ito, ay ituturing kong bahagi ng dulang Noh ang mga pangyayari, at ang mga taong nakikilala ko ay mga aktor. Dahil tula ang pangunahing layunin ng paglalakbay na ito, ibig kong samantalahin na ang pagkakataon ng pagiging malapit sa kapaligirang Noh sa pamamagitan ng pagtitimpi sa aking mga emosyon hangga’t maaari, bagama’t alam kong hindi ko lubusang maisasantabi ang mga iyon. Ang “Katimugang mgas Burol” at ang “Kawayanan”, ang pipit at ang mga rape-blossom ay may taglay na sariling karakter, na ibang-iba sangkatauhan. Gayon man, hangga’t maaari, ibig kong pagmasdan ang mga tao mula sa punto de bista ng dalisay na mundo ng tula. Kay Bassho, kahit ang kabayong umiihi sa tabi ng kanyang unan ay eleganteng paksa ng Hokku. Mula ngayon, ituturing ko na ring bahagi lamang ng pangkalahatang kanbas ng Kalikasan ang lahat ng makita kong magsasaka, negosyante, klerk sa nayon, matandang babae at lalaki. Alam kong naiiba sila sa mga pigura sa isang larawan, dahil bawat isa’y kikilos ayon sa gusto niya. Gayunpaman, sa palagay ko’y bulgar ang pagsusuri ng karaniwang nobelista sa kanilang mga tauhan, ang pagtatangka nilang silipin ang isipan ng mga ito at ang pakikialam sa pang-araw-araw nilang mga problema. Walang halaga sa akin kahit gumagalaw ang mga tao, dahil iisipin kong sila’y gumagalaw sa larawan lamang; at ang mga pigura sa larawan, gumalaw man nang gumalaw, ay nakakulong sa dadalawang dimensiyon. Siyempre, kung iisipin mong may tatlong dimensiyon sila, magkakaroon ng kumplikasyon dahil makikita mo na lamang na natutulak ka, at minsan pa, mapipilitan kang pag-isipan ang inyong pagbabanggaan ng mga interes. Maliwanag na imposible para kanino mang nasa sitwasyong ito na tingnan ang mga bagay sa punto de bista ng sining. Mula ngayon, magiging obhetibo ako sa pagmamasid sa lahat ng makikilala ko. Sa ganitong paraan, makaiiwas ako sa ano mang ugnayang emosyonal na maaaring mamagitan sa aming dalawa, kaya hindi ako maaapektuhan gaano man siya kalapit sa akin. Sa maikling salita, para lang akong nakatayo sa harap ng isang larawan, nagmamasid sa masiglang kilos ng mga tauhan dito. Sa layong tatlong piye mula sa kanbas, mahinahon mo itong mapagmamasdan, dahil walang panganib na masasangkot. Sa ibang salita, hindi maaagaw ng sariling interes ang iyong kakayahang mag-isip kaya maibubuhos mo ang atensiyon sa pagmamasid sa mga galaw ng mga tauhan mula sa artistikong pananaw. Nangangahulugang maibubuhos mo nang husto ang iyong pansin sa paghusga sa kung alin ang maganda at alin ang hindi.

Nang makabuo ako ng ganitong kongklusyon, napatingala ako at napansin kong nagbabanta ang langit. Pakiramdam ko’y nasa tuktok ko na ang bigat ng ulap. Ngunit halos di ko napansin, biglang kumalat ang ulap at ang buong kalangitan ay naging isang napakagandang dagat ng ulap, na naghuhulog ng masinsing patak ng ulang tagsibol. Nasa pagitan na ako ngayon ng dalawng bundok at malayo na ang mga rape-blossom. Hindi ko nga lamang masabi kung gaano na kalayo, dahil napakasinsin ng ulan. Paminsan-minsan, may sumasalit na hangin at nahahawi ang mataas na kurtinang ulap, saka lilitaw sa dakong kanan ang maitim na abuhing gilid ng bundok. Tila may mga kabundukang naklatag sa kabila ng kapatagan. Sa dakong kaliwa, tanaw ko ang paanan ng isa pang bundok, at kung minsan sa kabila ng parang kurtinang ambon, nabubuo ang tila aninong hugis ng mga punong pino, na lalabas sahlit at muling magtatgo. Hindi ko alam kung ulan o ang mga puno ang gumagalaw, o kung ang lahat ng nasasaksihan ko ay bahagi lamang ng panaginip. Ano man iyon, sa tingin ko’y ibang-iba sa karaniwan at napakaganda.

Sa dakong ito, di ko inaasahang naging napakaluwang ng daa; dahil pantay ito, ang paglalakad ay hindi napakasakit ng likod na gaya ng dati. Mabuti naman, dahil hindi ko napaghandaan ang ulan at kailngang magmadali ako. Nagsisimula pa lamang pumatak ang ulan mula sa aking sumbrero nang makarinig ako ng pagkuliling ng mga kampanilya sa layong sampu o labindalawang yarda. Mula sa kadiliman, sumulpot ang anino ng kutsero.

“May alam ba kayong matitigilan dito?”

“May tea house sa banda roon, mga isang milya ang layo. Basang basa na kayo, a!”

Isang milya pa! Lumingon ako at pinagmasdan ang kutsero na nagmimistulang anino sa isang umaandap na mahiwagang lampara, hanggang sa unti-unting sumanib ang anyo nito sa ulan at lubusang mawala sa paningin.

Ang mga patak ng ulan, na kanina’y parang pinung-pinong ipa na tinatangay ng hangin, ay papalaki na ngayon at papahaba, at nakikita ko nang buo ang bawat patak. Basang-basa na ang aking haori at ang ulang bumasa maging sa aking mga panloob na kasuotan, ay maligamgam na sa init ng aking katawan. Napakakawawa ng pakiramdam ko kaya itinakip ko sa isang mata ang aking sumbrero at binilisan ang paglakad.

Kung sa iba mangyayari ito, naisip ko na ang pagkabasa sa ulan na napaliligiran ng di mabilang na patak ng pilak habang naglalakad sa abuhing kalawakan, ay magandang paksa ng isang kahanga-hangang tula. Kapag lubos ko lamang nalimutan ang aking materyal na buhay, at tiningnan ang aking sarili sa isang obhetibong pananaw, saka ko pa lamang maiaakma ang sarili, tulad ng pigura sa larawan sa kagandahan ng kalikasan sa aking paligid. Sa sandaling mainis ako sa ulan, o mayamot dahil sa pagod na ako sa paglalakad, hindi na ako ang karakter sa isang tula, o ang pigura sa isang larawan, at muli akong mababalik sa dating walang pang-unawa at walang pakiramdam na lalaki sa kalye gaya ng dati. Kung ganoon ay bulag ako sa kagandahan ng nagdaraang ulap; walang pakiramdam sa pagkalagas ng bulaklak o iyak ng ibon, at lalo nang walng pagpapahalaga sa napakagandang larawan ng aking sarili na nag-iisang naglalakad sa kabundukan isang araw ng tagsibol.

Nang una, hinatak ko pababa ang sumbrero at binilisan ko ang paglakad. Nang malaunan, pinagmadan kong mabuti ang mga paa ko. Sa wakas, talunan ay laylay ang mga balikat, humakbang akong parang kawawang-kawawa. Sa lahat ng dako, inaalog ng hangin ang mga tuktok ng pino, at pinagmamadali ang ulilang naglalakad. Pakiramdam ko’y napalayo na ako nang husto sa sangkatauhan!

Huwebes, Nobyembre 15, 2012

Tagalog

Tagalog
Jonas Buenaventura San Pedro

Guro ko,
huwag mo na po akong turuan,
ng ingles na wikang ayaw kong matutuhan,
ang lenguwaheng iya'y kinasusuklaman,
nitong aking dila't,mura kong isipan.
O! ang wikang iya'y gamit ng mayayaman,
ng mga palalo't,nag dudunong-dunungan.
alalaong baga'y,upang mapagsabihan,
na sila'y marurunong,at may pinag-aralan,
o! ingles na wikang kaysarap daw kung pakinggan,
a! sa aking tainga'y himig ng kataksilan.

Mula pa nu'ng pagkabata'y,tagalog ang pinanimula,
niyo'ng aking nanay,sa pagtuturo ng wika.
gamit ay ABAKADA'ng luma at sira-sira,
na siyang nag-panday sa baluktot kong dila.
sa aming kapit-bahay,na makain ma'y wala,
sa pakikipagtalastasan'y,tagalog ang s'yang salita.
sa aking kinalakhan'y,iisa ang winiwika,
at hindi nagpipilit,magsalita ng pa-isda,
na kaylaong malansa,lipas na at bilasa.
o bakit nga ba sa ngayo'y,ingles ang pinupunla?
a! iya'y maliwanag na sampal sa'king mukha.

O! aking guro,paumanhin,
kung hindi ko matanggap,
ang ingles na wika'ng hindi ko mapangarap.
sapat na ang sa amin'y,tagalog ang nalalasap;
ang wikang ginagamit naming lahat na mahirap.
kay'sa roon sa ingles,na wika ng mapag-pantas,
pikit-mata kung lumunok,balat-kayo kung gumanap.

Magalit man kayo,kung ayaw kong gamitin,
ang ingles na wika'ng,di ko man lamang masakim,
hanggang sa huling saknong,ay aking ididiin,
tagalog! ang winiwika,ng isang Pilipino'ng magaling.


http://dmagsalita.blogspot.com/

Huwebes, Setyembre 27, 2012

Sanhi Ng Kahirapan Sa Ating Bansa

Sanhi Ng Kahirapan Sa Ating Bansa
Jaya Faye Georgia J. Pineda


Ayon sa aking nakikita, ang bansa natin ay naghihirap na. Maraming kabataan ang hindi nakakapag-aral at sa halip mag-asawa na lang sila ng maaga, dahil yon lang ang sa tingin kong tangi nilang kayang gawin. Kapag naranasan na nilang mag-asawa ay doon lang mararanasan ang hirap ng buhay at mauuwi sa hiwalayan sanhi na din ng pag-aaway. Dahil sa pera at magiging kawawa-awa ang kanilang magiging anak. Ano na lang ang magiging kinabukasan ng kanilang anak? magiging katulad na lang din ba nila ang batang iyon?



http://bsoa1b.blogspot.com/

Kabataan Pag-asa Pa Ba Ng Bayan?

Kabataan Pag-asa Pa Ba Ng Bayan?
Jane Abigail L. Javier

Isa sa nabangit ni Gat. Jose Rizal tungkol sa kabataan ay ito ang pag-asa ng Inang Bayan.

Ngunit asan na nga ba ang mga pag-asa ng Bayan? Ito ba yung mga makikita sa mga computer shop na doon nag aaksaya ng pera at panahon sa paglalaro at panonood ng mga may iskandalong palabas. Mga makikita sa madilim na eskinita at humihithit ng marijuana, mga kabataang lulong sa droga. O mga kabataang na sa murang edad pa lamang ay nagkaroon na ng sariling pamilya. Kung ito lagi ang pagbabasehan ay masasabi mo na rin na wala ng pag-asa ang ating bayan.

Ang tunay na kahulugan ng pag-asa ay hindi nakikita sa mga kokonti lamang bagkus ito ay nagsisimula sa sariling sikap upang matulungan natin ang ating sarili para sa ika-uunlad ng bayan.

Kung ikaw ay kabataan, masasabi mo bang may nagawa ka na para sa sariling bayan? Isang kabataang may paninindigan at prinsipyo? o isa ka sa mga kabataang walang paki sa kahihinatnan ng inang bayan.

Mga kapwa kabataan.

Tayo na at mag tulungan. Tayo ang inaasahan ng ating mga magulang na mag aahon sa kanila sa putik ng kahirapan. Ang panahon ng pag kilos ay ngayon. Kung noon pa lamang ay naisip na natin ang kahalagahan natin sa ating bayan at ang papel natin dito. Marahil kinabukasan masasabi mo na "Ako ang Kabataan, Ang pag-asa ng inang Bayan".



http://bsoa1b.blogspot.com/

Nasaan Na Ang Kabataan?

Nasaan Na Ang Kabataan?
Jenny M. Pablo

Una sa lahat, ako’y bumabati ng magandang araw, lalo na sa mga kabataan sapagkat ang tema ng aking talumpati ay tungkol sa kabataan. Kabataan na sinasabing "Pag-asa ng Bayan". Kabataan na nagsusulong sa ating bayan tungo sa kaunlaran, katahimikan, o kapayapaan. Ngunit nasaan na ang kabataan?

Ang ating kabataan ngayon ay ibang-iba na kung ikukumpara noon. Lubhang mapupusok na sila sa mga gawaing ilegal at mabibilang na lang sa mga kabataan ang gumagawa ng mabuti. Dahilan sa ngayon ang kabataan ay lulong na sa maraming bisyo gaya ng alak, sigarilyo, sugal at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang masaklap pa nito, hindi lang kalalakihan maging kababaihan ay lulong na rin sa ganitong bisyo. Kaya iilan na lamang ngayon ang matitino. Iilan na lang ang sumusunod sa mga patakaran, kaya pano pa natin masasabi na ang kabataan ay pag-asa ng bayan? Kung sarili nila ay hindi nila kayang pahalagahan at nasisira ang kanilang pagkatao nang dahil sa bisyo. Pano natin makakamtan ang katahimikan o kapayapaan kung ang ating kabataan ay walang pagkakaisa? dahil ang hanap nila ngayon ay puro gulo, away at basag ulo. Kaya nasan na ang kabataan?

Kabataan, "Tayo ang Pag-asa ng ating Bayan." Tayo ang dapat magmulat sa mga mga susunod sa ating mga yapak. Ipakita natin na karapat dapat tayong mamuno sa pagsulong ng ating bayan. Maging masikap tayo, tumulong sa mga may katungkulan upang palaganapin ang batas. Sa pamamagitan ng pangunguna sa pagsunod sa mga patakaran. Itigil ang ipinagbabawal na gamot, bisyo at makiisa bilang mamayanan. Magkaroon tayo at disiplina at respeto sa sarili natin at sa ating kapwa. Magkaisa tayo na ang kapayapaan ay ating makamtan. Tayo ng mamuno at ipakita na ang "kabataan ay ang Pag asa ng Bayan"



http://bsoa1b.blogspot.com/

Kahalagahan Ng Mga Magulang

Kahalagahan Ng Mga Magulang
Mary joyce Z. Laqueo

Naisip nyo ba na kung gaano kahalaga ng ating mga magulang sa ating buhay? Naisip nyo rin ba kung paano mabuhay ng walang kinagisnan at kinalakihang magulang o maulila nang maaga sa kanila? Maaaring sa buhay nating mga kabataan ngayon, mas nakararami na ang kabataang hindi na gumagalang sa kanilang magulang o kaya'y wala ng pakialam. Hindi na nila naiisip na kung hindi dahil sa kanila, wala ako, ikaw at tayong lahat dito sa mundong ito.

Malaki ang paghihirap ng ating mga magulang para sa atin. Ang ating "ina" na naghirap sa pagdadalang tao nila sa atin, hanggang sa mailuwal nya tayo at lumaki. Ang ating "ama", siya naman ang hirap na hirap sa pagtatrabaho para magkaroon ng pera pambili ng gatas at mga gamot natin. Pero ngayon hindi natin naiisip ang hirap na pinagdaanan nila para sa atin, kung paano tayo palalakihin ng may magandang kinabukasan.

Kung minsan napapaisip ako. Paano kaya kung mawalan ako ng magulang? Iniisip ko pa lang, parang hindi ko kaya, ang hirap. Wala na mag-aalaga sa akin, wala ng mag-aasikaso sa akin tuwing umaga bago pumasok sa paaralan at kapag may sakit tayo na nag-aalala sa atin ng sobra. Wala ng susuporta sa mga bagay na gusto mong gawin. Wala na ring magsasabi ng “ingat ka anak ha” at wala na ring magagalit tuwing makakagawa ng maling bagay at mgpapayo sa tuwing may problema. Di ba ang hirap isipin kong wala nang gagawa sa atin ng ganitong mga bagay. Lalo na’t kung nasanay tayo na ginagawa ito sa atin n gating mga magulang.

Kaya ngayon, habang kapiling pa natin ang ating mga magulang, ipadama natin sa kanila ang ating pagmamahal. Iparamdam rn natin kung gaano sila kahalaga sa ating buhay, at magpasalamat tayo sa lahat ng ginawang pagsisikap nila para mapaganda ang ating buhay. Humingi rin tayo ng tawad sa mga kasalanan na ating nagawa. Suklian natin ng sobrang pagmamahal at paglingkuran natin sila habang kapiling pa natin sila. Sabihin natin sa kanila na “mahal na mahal ko po kayo nay at tay” at nagpapasalamat ako na kayo ang aking naging magulang.

Mabilis ang panahon, kaya tayong may mga magulang pa, hangga’t maaga pa at kapiling pa natin ang ating mga magulang, gawin na natin ang lahat ng bagay na ikasasaya nila, bago pa mahuli ang lahat, at pasisihan natin ang mga bagay na mali nating nagawa, at hindi natin naipadama sa kanila kung gaano natin sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa ating buhay.



http://bsoa.blogspot.com/

Noon At Ngayon Kabataan

Noon At Ngayon Kabataan
Donna Jane Lorico

Sa modernong panahon, ang mga kabataan ay maaaninag kung saan-saan, mayroong nasa mga bars at nagliliwaliw kung saan-saang lugar, papaano na tayong matatawag na pag-asa ng bayan kung ganoon ang ating gawi at kilos.

Bumalik tayo sa nakaraan, hindi ba’t tuwing sasapit ang ika-anim ng gabi ay nasa bahay na ang lahat, hindi rin ba’t tuwing nais ng isang lalaki ang isang babe ay hindi nila karakaraka nakukuha ang matamis na oo ng dalaga, kailangan pa nilang sumuot sa butas ng karayom, dumaraan din sila sa tinatawag na pamamanhikan sa magulang ng babae.

Ngunit ngayon saan mo makikita ang dalawang taong nagmamahalan, kung hindi sa ibang bahay, nandoon sila sa madilim na lugar, mayroon din namang sa text nagkakatuluyan. Yan ang larawan ng mga kabataan ngayon.

Subalit ano pa man sila noon at ano man tayo ngayon, ang mahalaga ay hindi natin nalilimutan ang sinabi ni Dr. Jose P. Rizal na ang “Kabataan ay ang pag-asa ng bayan”



http://bsoa1b.blogspot.com/

Edukasyon At Pulitika

Edukasyon At Pulitika
Geraldine O. Napiza

Bilang isang mamamayan ng Pilipinas. Napapansin ko ang patuloy na pagdami ng mga batang hindi na nakapag-aaral, at halos nawalan na ng pag-asa sa buhay. Isa ako sa bawat kabataang handang bigyan ng pansin ang suliranin ito ng ating bansa. Ayon sa aking nakikita marami ang mga batang nais makapag-aral ngunit walang sapat na pera upang matustusan ito, kung kaya’t marami ang mga batang nagkalat sa lansangan upang maglako ng kanilang paninda. Ngunit sa kabilang dako naman marami rin ang mga kabataang napapariwara at napapabayaan na ng kanilang mga magulang.

Sino nga ba ang dapat sisihin sa pangyayaring ito?

Ngayong ako ay nag-aaral na sa kolehiyo marami ang nagsasabing ako ay mapalad at nakakapag-aral. Ito ay magagamit ko sa aking kinabukasan, at makahanap ng isang magandang trabaho. Ngunit paano ang kabataang hindi nakapag-aaral?. Ano na lang ang kanilang magiging kinabukasan? Sa bawat araw na nagdaraan, aking naiisip ang mga batang hindi nakapag-aaral at ang mga nag-aaral ngunit kulang naman sa kagamitan. Dahil sa pagkurakot sa pera na dapat sana ay napupunta sa libreng edukasyon, at hindi sa mga taong may kaukulang posisyon na nagsasayang ng pera sa pansariling kagustohan . Nasaan ang pinangako nila noong sila ay nangangampanya para sa kanilang posisyon? Nasaan ang mga nasasabing proyekto para sa edukasyon? Nasaan na ang pagtulong?

Ang sakit isipin na hindi nila magampanan ang kanilang tungkulin. Hindi nabigyan ng solusyon ng gobyerno ang mga problemang kinakaharap ng ating bansa. Wala ng pagkaka-isa.



http://bsoa1b.blogspot.com/

Kaibigan

Kaibigan
Maribel O.Pancho

Mahalaga pa ba ang magkaroon ng kaibigan?

Isang mahalagang bagay sakin ang magkaroon ng isang kaibigan. Pinahahalagahan ko ang bawat oras na magkakasama kaming lahat sa mabuti man o masama.

Napapasaya ko ang bawat isa na kahit alam kong mayroon silang tinatagong lungkot sa kanilang mga damdamin. Hindi ka nila pababayaan kahit na maraming pagsubok ang iyong hinaharap,nandyan sila upang ako'y damayan. Sa kabila man ng mga pagsubok nito, nakikita ko na hindi nila ako iniwan. Sadyang kay hirap humanap ng masasandalan ng problema, yung matatawag mong "TUNAY NA KAIBIGAN".

Marami ngayon sa kabataan ang problemado sa pag-aaral,pamilya at pera. Nangangailangan sila ng mabuting kaibigan na kaya kang dalhin sa magandang gawa, para damayan sa lahat ng oras at suportahan sa lahat ng bagay. Sana nandyan pa rin sila sa kasiyahan, kalungkutan, iyakan at kahirapan man patuloy na nagmamahal sa mga pinagsamahan.

Salamat aking KAIBIGAN!



http://bsoa1b.blogspot.com/

Tiwala

Tiwala
Rejeline Rose V. Peraja

Sa isang pagmamahalan, mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala. Sa aking paniniwala, hindi sapat ang pag ibig lamang upang tumagal ang isang samahan. Kinakailangan din ang matindaing tiwala sa isa't isa. Kung wala nito, magiging mabuway lamang ang isang relasyon. Batay sa aking karanasan sa aking mga kaibigan, ito ang malimit maging dahilan ng paghihiwalay nila ng kanilang kasintahan. Sinasabi nila na marami silang naririnig na mga kwentong barbero na ang kanilang kasintahan ay mayroon pang ibang karelasyon maliban sa kanila. Dahilan dito, agad silang naghihiwalay dahil sa sila ay nasaktan. Hindi ba't mas maganda kung may tiwala sa isa't isa? Kung meron nito, walang dahilan upang makinig tayo sa mga balita na kadalasan ay wala namang katuturan. Dagdag pa dito ay masisira ang relasyon ng dalawang nagmamahalan. Bilang kabataan, naranasan ko na rin ang magkaroon ng relasyon. Masaya oo, ngunit kadalasan ay hindi rin nagtatagal. Marahil ay dala narin siguro ng murang kaisipan. Ngunit ngayon, masasabi ko na masaya ako sa daloy ng relasyon namin ng aking kasintahan dahil naroon ang lubos na pagmamahalan at sapat na tiwala sa isa't isa. Naging basehan ko na tiwala ang susi sa matagumpay na samahan dahil na rin sa uri ng kanyang trabaho dahil madalas kaming magkalayo. Masasabi kong mahirap dahil makararamdam ka ng matinding pangungulila ngunit sa kaisipang siya ay magbabalik din, nagkakaroon ako ng galak sa aking puso. Dahil dito ay naging maayos at masaya ang aming relasyon. Ang kailangan lamang ay pag ingatan ang tiwala upang hindi ito masira.



http://bsoa1b.blogspot.com/

Jose Rizal: Dakilang Calambeño, Idolo Ng Sambayanang Pilipino

Jose Rizal: Dakilang Calambeño, Idolo Ng Sambayanang Pilipino
Remarie Abaquin

Isang dakilang bayaning nagmula sa bayan ng Calamba, Laguna si Gat Jose Rizal. Siya ang nagmulat sa sambayanang Pilipino upang tuligsain ang pang-aaping ginawa ng mga Español sa mga Pilipino. Nagbigay ng maraming aral at kaisipan sa mga kabataan upang mahalin at igalang ang ating bayan, ang ating wika, at ang bukas. Mabuhay Rizal!

Binigyan ng Diyos ng maraming talento upang maibahagi ang kanyang talino at kakayahan. Siya ay isang doctor, makata, manunulat, edukador, manlalakbay, at propeta. Higit sa lahat, siya ay isang bayani at politikong martir na naglaan ng kanyang buhay para sa katubusan ng mga inaaping kababayan. Hindi kataka-takang siya ay itinanghal na Pambansang Bayani.

Sa murang kaisipan ay namulat na ang bayaning ito sa pang-aaping ginawa ng mga Espanyol.

Ilan sa mahahalagang likha ng ating pambansang bayani ay ang bantog na Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo. Dito nya inilahad ang kanyang damdamin at saloobin sa lahat ng ginawang kasamaan sa atin ng mga Espanyol.

Kaya't nagsimulang maghimagsik ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol. At noong 1898 nakamit natin ang kalayaan.. Kalayaan!!

Naalala mo pa ba ang kanyang winika? "ang kabataan ang pag-asa ng bayan.." ? kaya ikaw kabataan kumilos ka! dahil sa atin nakasalalay ang muling pagbangon ni inang bayan… ating sariwain at isabuhay ang mga aral na napulot natin sa dakilang Calambeñong iniidolo ng lahat na siyang may gawa kung bakit tayo'y nakalaya sa mga mapang-aping kastila at kung bakit tayo nakalaya sa putik ng kahirapan.

Saludo ako sayo Rizal... saludo kami,... saludo ang sambayanang Pilipino.



http://bsoa1b.blogspot.com/

Ang Umibig

Ang Umibig
Denisse Eliza Bortanog

Ang umibig ay parte ng ating buhay. Ang umibig ay walang pinipiling edad o pagkakataon, mapabata o matanda, ang pag ibig ay laging nandiyan. Minsan ay sadyang mahirap pero masarap at kung minsan ay mapusok kung hindi pipigilan "tiyan mo'y tatambok" dahil sa masamang naisipan kaya mapusok na balak ay huwag ng subukan dahil kapag ito'y pinatulan "yari ka" joke! Kinabukasa'y masisira ng malaswang naiisipan. Kaya dapat isipin sakripisyo ng magulang ating suklian sa magandang pamamaraan.



http://bsoa1b.blogspot.com/

Ang Bansa Natin Ngayon

Ang Bansa Natin Ngayon
Jona Calcetas

Magandang umaga po sa inyong lahat narito po ako upang italumpati sa inyo ang "Bansa natin ngayon"

Ano nga ba ang bansa natin ngayon sa kasalukuyan?

Kung ako ang tatanungin ang napapansin ko sa bansa ngayon ay paglaki ng ating populasyon. Bakit nga ba?Para sa aking opinyon kaya lumalaki ang ating populasyon ay sa dahil sa mga taong walang disiplina sa sarili. At kung mapapansin natin ngayon ang mga kabataan ay marami ng naliligaw ng landas dahil sa bawal na gamot at mga pagsali sa iba't-ibang mga organisasyon na higit na nakakasira sa mga imahe ng kabataan. Paano nga ba uunlad ang ating bansa? Bilang isang kabataan ay makikipagtulungan ako sa ating sanguniang kabataan, upang sa ganon ay matigil na ang mga ito. Kung mapapansin naman natin ang mga kabataan na nag-aasawa ng wala pa sa tamang edad na. Bakit nga ba? Ito ay dahil sa mga kumakalat na mga malalaswang babasahin, at panunuod ng mga mga iskandal sa celpon at dahil sa lahat ng ito, ay ginagaya nila ito.



http://bsoa1b.blogspot.com/

Ang Kalikasan Noon At Ngayon

Ang Kalikasan Noon At Ngayon
Lisa Marie Agno

Madalas itinuturo sa paaralan ang kahalagahan ng likas na yaman natin ngunit ano nga ba ang kalikasan noon at ngayon?

Kung ikukumpara natin ang kalikasan noon at ngayon, mapapansin natin ang ilang pagbabago na nagaganap sa ating kapaligiran. Noon ang kalikasan natin ay sagana sa mga likas na yaman, maraming puno, sariwang hangin, magandang kapaligiran, tanawin at malinis na dagat at ilog.Pero ngayontayo ay namumuhay wsa isang kalikasan na animo’y bangungot na kikitil sa sanlibutan at walang buhay na kapaligiran. Pansinin ninyo ang ating ilog, dibat napakarumi na nito? Ang mga mapang abusong tao ay ginagawang tapunan ng mga basura ang ating ilog! Yan ang kasalukuyang kalikasan na ginagalawan natin ngayon.

Ano ba ang nararapat nating gawin upang kalikasan nati’y maibalik sa dati nitong ganda? Pagsunod sa batas na dapat nating sundin ang sinuman upang kalikasan nati’y maibalik sa dati nitong anyo at ganda!

Pahalagahan natin ang kalikasan, at pahalagahan ang bawat natitirang likas na yaman ng ating bansa! Dahil ang labis na pang aabuso sa ating kalikasan ang siyang magiging sanhi ng pagka wasak at pagka wala ng mga likas na yaman. Iligtas natin ang ating kalikasan, ingatan natin ito dahil ito ang magiging susi ng pag asenso ng ating bansa.



http://bsoa1b.blogspot.com/

Ang Pagtatapos

Ang Pagtatapos
Anna Lorena Aragon.

Sa mga panauhing pandangal, sa ating punong guro, sa mga guro at aking kapwa mag-aaral, isang, magandang umaga sa inyong lahat.

Ngayon ay araw ng pagtatapos at bilang isang mag-aaral sa mababang paaralan ng Laguna State Polytechnic University, narito ako ngayon upang mabigyan ng karangalan, kapalit ng aking pagtitiyagang para makamit ang karangalang ito, pagpupursigi, at pagsusumikap sa aking pag-aaral.

Nagpapasalamat ako ng lubusan sa aking nga magulang sapagkat kung hindi dahil sa kanila ay di ako makakapag aral. Maraming salamat din sa aking mga guro sa matiyagang magturo sa akin, ganun din sa aking mga kaibigan at mga kaklase sa pagalalay nila sa akin. At higit sa lahat nagpapasalamat ako sa panginoong Diyos dahil sa paggabay niya sa akin sa araw araw ng aking buhay.

Ang aking tagumpay ay inaalay ko sa kanila. Marami pong salamat.



http://bsoa1b.blogspot.com/

Tiwala Sa Pagitan Ng Anak At Magulang

Tiwala Sa Pagitan Ng Anak At Magulang
Jonah Belle Banca

Bilang isang anak, masakit malaman na walang tiwala ang magulang mo sayo. Dahil para sa isang anak mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala na isang magulang sa anak. Dahil para sa anak, katumbas ito ng pagmamahal ng isang magulang. Sa panahon ngayon at sa uri ng mga kabataan ngayon, madalas tayong nakagagawa ng pagkakamali na kadalasan ay nagiging sanhi ng pagkasira ng tiwala ng magulang, meron din namang mga magulang na sadyang mahilig maghinala kahit na wala naman dapat paghinalaan. Masakit sa anak na paghinalaan ka sa mga bagay bagay lalo na't pinipilit mong maging mabuti sa kanila.



http://bsoa1b.blogspot.com/

Kalikasan Ang Ating Paraiso

Kalikasan Ang Ating Paraiso
Milinda O. Bernardino

Isang malinis, maayos, sariwang hangin, sagana sa likas na yaman at tirahan iyan ang paraiso. Ito’y buong pusong ihinain ng ating may likha ang kalikasang nasasa-ating pangangalaga. Isang paraisong maihahandog sa tao.

Ang paraiso ba natin ay ang ating daigdig? Tunay, isang paraiso ang daigdig… paraisong likha ng kalikasang nasa kanyang sinapupunan… kalikasang dito lamang matatagpuan. Hindi ito makikita sa magandang naglalakihang planeta.

Subalit sa pagdaan ng maraming taon ang kalikasan ng daigdig ay unti-unting naglaho dahil tumubo sa puso ng tao ang maimbot na paghahayag sa katanyagan. Pagnanasa sa higit pa sa kanyang pangangailangan. Pangangailangang nasasalig sa makasarili at makitid na layunin.

Ang daigdig ay isang paraiso. Manatili lamang ang kasaganaan nito kung tulung-tulong tayong makikibaka sa mga tao at bansang nagbabalatkayong may hangad ng pag-unlad, ngunit sumisira naman sa ating paraiso. Ang mga walang pusong pumuputol sa ating mga puno; pumapatay sa ating mga halaman; nagpaparumi sa mga kailugan at karagatan at umuubos sa mga lamang dagat ay walang karapatang manatili sa ating paraiso. Itaboy sila sa kawalan.

Huwag hayaang maglaho ang paraisong Daigdig…. Ipagtanggol at pangalagaan natin ang kanyang kalikasan.



http://bsoa1b.blogspot.com/

Kabataang Mapusok

Kabataang Mapusok
Bing Carla Catapang

Ano nga ba ang edad upang masabi nating tayo ay kabilang sa kabataan?

Masasabi na nga bang kabataan tayo pag nag simula ka ng mag mahal o masasabing kabataan tayo pag may nag bago na sa ating katawan.

Sinasabing ang kabataan ay ma pusok lalo na sa ating nararamdaman lalo na kung tayo ay nag mamahal pag ang kabataan ay nag mahal halos lahat ay bibigay kahit na ilang beses pang masaktan patuloy pa ring lumalaban. Hanggang saan nga ba ang kayang ibigay sa taong minamahal.



http://bsoa1b.blogspot.com/

Global Warming O Ang Pag-init Ng Mundo

Global Warming O Ang Pag-init Ng Mundo
Rubelyn A. Dumaraos

Alam natin na ngayong panahong ito na nagkaka problema tayo sa ating mundo lalo't higit ay ang pabago-bago ng klima ito ay dahil sa "global Warming". Nag kakaroon tayo ng El nino at El nina (sobrang tag-init,at sobrang tag-ulan).

Ang pagkabutas ng "ozone Layer" ay nakakapag dulot ng pangamba lalo't higit sa dako ng atlantik at antartika. Ang epekto nito ay ang pagkawala ng pansala ng "Ultra Violet rays"mula sa araw papunta sa mundo. Ito ang nagiging dahilan ng sobrang init ng ating kapaligiran at pagkakasakit ng marami ng cancer sa balat. Nang yayari ito dahil sa kapabayaan ng mga tao. Walang pakundangan ang pagtapon natin ng basura at ang sobrang pagpapakawala ng "Carbon Monoxide" na lumalabas sa tambutso ng mga sasakyan, Air Conditioning, Hair Spray, at iba pa.



http://bsoa1b.blogspot.com/

Ang Pagmamahal

Ang Pagmamahal
Kristine Joy V. Espiritu

Ano nga ba ang pagmamahal? Sa aking pagkakaalam ay mayroong iba't-ibang uri ng pagmamahal ang bawat tao tulad nalang ng pagmamahal sa magulang sa kaibigan at lalong-lalo na sa Panginoon. Pero ang pagmamahal na tinutukoy ko ay ang pagmamahal sa isang tao, sa isang tao na hinahangaan mo, sa isang tao na gusto mong makasama sa habang buhay pero bago mo mahanap ang taong ito ay marami ka pang makakasalamuhang ibang tao marami ka pang makikilala iba bago mo mahanap yung tao na magmamahal sayo ng higit pa sa pagmamahal na ipinaparamdam mo sa kanya.

Ang Pagmamahal ay nagbibigay kasiyahan at kalungkutan sa mga taong nakakaramdam ng pagmamahal lahat naman ng tao ay nakakaramdam nito. Ang pagmamahal ay nagbibigay ng kasiyahan at dahil dito ang taong nakakaramdam nito ay na-iinspire sa pag-aaral at sa marami pang bagay. Pero ang kasiyahang ito na nararamdaman mo kung minsan hindi maiiwasan ang kalungkutan dahil minsan malalaman mo na ang taong mahal mo ay mayroon na palang mahal. Lahat ng kalungkutan na ito ay mapapawi kapag dumating na yung tamang tao na karapat-dapat sa pagmamahal na ibinibigay mo at pag nahanap mo na ang taong ito puro kasiyahan na ang mararamdaman mo.


http://bsoa1b.blogspot.com/

Ang Kabataan Sa Kasalukuyan

Ang Kabataan Sa Kasalukuyan
Celecar P. Galina


Ano nga ba sa kasalukuyan ang kabataan? Marahil ay hindi na lingid sa inyo kung ano meron ang kabataan ngayon? Ano nga ba?

Sa panahon ngayon ay marami ng kabataan ang naliligaw ng landas.

Marami ng kabataan ang nagdodroga, nagsusugal, umiinom ng alak. Mga kabataan na sumasali sa mga praternity at mga kabataan na lumalabag sa batas. Tulad ng pagnanakaw at pagpatay.

Ano kaya sa palagay nyo kung bakit ito nangyayari? Kung bakit nila ito ginagawa? At bakit pa nila ito ipinagpapatuloy? Ano nga bang dahilan?

Marahil dahil sa udyok ng mga barkada. Sa kakulangan ng pera. Sa kawalan ng trabaho. Sa paghihiwalay ng mga magulang o dahil sa pagkabigo sa pag-ibig.

Paano na ngayon ang ating bayan? Kung ganyan ang ginagawa ng mga kabataan. Hindi ba't sabi nila na "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan"? Masasabi pa ba natin ngayon yan? Marahil ang iba ay hindi, at ang iba ay oo. Dahil mayroon pa naman ngayong mga kabataan na tumatahak sa tamang landas.

Kayong mga kabataan na naliligaw ng landas, gusto nyo bang tahakin ang tamang daan upang matupad ang inyong mga pangarap?

Hindi pa huli ang lahat para sa pagbabago. Marami pang paraan ang magagawa natin. Pwedeng pwede pa nating itama ang lahat.

Umiwas sa masasamang bisyo. Umiwas sa masasamang barkada. Gumawa tayo ng kabutihan, at tumulong tayo sa ating bayan, nang sa ganon ay masabi uli natin na... "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan".



http://bsoa1b.blogspot.com/

Pag-unawa Sa Taong May Kapansanan

Pag-unawa Sa Taong May Kapansanan
Jennelyn R. Racoma

Ang taong may kapansanan ay ang taong may problema sa pisikal, katulad ng pagiging bingi, pipi, bulag, at pilay. Ito ay maaaring noong isinilang pa o ang pagiging pabaya. Sila ay namulat na rin na meron silang abnormalidad, kaya namulat na rin sila at determinado na gawin ang lahat upang may mapatunayan at hindi maging pabigat. Gaya na lamang ng napapanood natin sa telebisyon. Ang mga taong walang kamay, paa ang ginagamit para makagawa na ilang mga bagay. Bingi, tinitingnan naman nila ang buka ng bibig ng taong kanilang kausap. Pipi, gumagamit sila ng sign "language" upng makipag komunikasyon sa iba. Bulag, sinusuri nilang mabuti ang bagay o pinakikiramdamang mabuti ang mga bagay bagay. Hindi lahat ay bukas ang isip sa pag-unawa na nasa ganoon silang kondisyon, sapagkat iniisip nilang sila ay pabigat lamang. Sa kanila hindi nawawala ang pananalangin na sila ay hindi pababayaan ng Panginoong Hesu-Kristo. Sa katunayan mas may nagagawang iba o kakaiba ang mga taong may kapansanan. Ginagawa nilang makabuluhan o kakaiba ang mga ginagawa upang hindi sila maging pabigat. Maraming tao ang ganito, gaya na lamang ni G. Richard Arsenio, nagtapos siya ng Bachelor of Arts na nagpakadalubhasa sa pilosopiya. Ito lamang ang ating pakakatandaan, tao rin sila na may nararamdaman, ang kailangan lang natin ay mahabang pasensya at malawak na pag-unawa sa bawat ginagawa nila.



http://bsoa1b.blogspot.com/

Kahirapan: Problema Ng Bayan

Kahirapan: Problema Ng Bayan
Hannalet Roguel

Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Pero bakit nga ba maraming Pilipino ang nagdurusa dahil dito? Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan. Dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Nadadagdagan din lalo ang bilang ng mga namamatay. Pero bakit hindi nakilos ang ating mga pinuno ukol sa mga isyung ito?

Sadyang mahirap ang maging isang mahirap pero madaming paraan upang ito’y labanan kung ating gugustuhin. marami na tayong nabalitaan mula sa pagiging maralita ngayon ay natatamasa na ang kaginhawaan, dahil iyon sa kanilang pagsisiskap at pagpupursigi para sa kanilang gustong makamit.

Maraming mamamayan ang nakakaranas ng kahirapan, kung mapapansin natin, nagkalat ang mga batang iniwan o inabandona ng kanilang mga magulang na walang ibang matuluyan. Lalo na rin sa mga squatters area. Magulo at tila ba walang kaginhawahan at kapayapaan sa lugar na yaon. Kung ating susuriin, mas marami ang bilang ng mga taong sadlak sa kahirapan, pero bakit ang mga taong may mataas na katayuan sa buhay, sa halip na tulungan ang mga itoay lalo pa nilang itinutulak sa kahirapan. Kaya mahihirap lalong naghihirap at ang mga mayayaman lalong yumayaman. Dulot ng walang pagkakaisa, may pag-asa pa ba ang bayan na umunlad?

Ako bilang isang kabataan, may layunin akong iwasan ang pagiging isang mahirap at hindi maituring na basura lamang sa isang lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral. Nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit, maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon.



http://bsoa1b.blogspot.com/

Buhay Ng Tao

Buhay Ng Tao
Riza D. Villanueva

Sa buhay ng tao maraming nararanasan na problema, mga unos na dapat mong paglabanan, ngunit ito'y pagsubok lamang ng Diyos. Hindi naman ibibigay sa’yo ang ganoong problema kung hindi mo malalampasan. Sadyang sinusubok lamang ang iyong katatagan.

May kasabihan nga, habang may buhay may pag-asa, ngunit pano pa magkakaroon ng pag-asa kung simula pa lamang ng laban ay bumibitiw ka na. Maraming pagkakataon na susubukin ka... Patunayan mo na ito'y iyong kaya.

Ang buhay natin ay mahalaga, ito'y nag iisa, walang kapalit, walang katumbas na halaga. Hindi tulad ng isang bagay na kapag nasira o nabasag pwede pang palitan, hindi rin ito isang bagay na pweding mabili. Kaya marapat lamang na ito'y pag ingatan.



http://bsoa1b.blogspot.com/

Reaksyon Sa Hapunan

Reaksyon Sa Hapunan
Michael Sarmiento

“Kawawa ang bayang walang bayani, ngunit mas kawawa ang bayang nangangailangan pa ng bayani” wika ni Dr.Jose Rizal.

Sa tingin ng iba hindi totoo ito para sa mga nagagalit at totoo naman para sa mga pasensya at mga walang pakialam sa buhay at bansa.

Sa mga nagbubuntong hiningang mga OFW o mga bagong bayani kung ituring sa ating bansang Pilipinas. Kung sa bagay, kung ako man din ay maging OFW, may dahilan din akong magbuntong hininga. Mga balitang naririnig mula sa radyo at telebisyon ay sobrang sakit sa tainga, kung nga ang mga kababayan nating mga pinoy ay nagrereklamo din sa mamahaling hapunan ng administrasyon sa dayuhang bansa na umabot ng milyon-milyong piso. Umalingawngaw ang mga reklamo ng mga OFW at mga nagpapakahirap para lumago ang pondo ng ating bansa.

Ngunit parang nasiyahan ang ating mga kababayang Pilipino sa balitang narinig, na sasagutin na ng dayuhan o umimbitang bansa ang pamasahe ng ating pangulo at mga kasapi nito. Abot hanggang tainga, lalo-lalo na ang mga OFW sa balitang ito. Hindi lang sila ang mga nagrereklamo pati na ang mga estudyante ng mga kilalang Unibersidad sa bansa, sa reklamong ito gumawa sila ng kanya kanyang mga demonstrasyong rally para mapakita ang kanilang mga hinaing. Hindi lang yan pati mga taong walang mga pakialam ay nagising sa balitang ito. Ngayon ay nasa unahan ninyo ako at naninidigan bilang isang mamamayang may pag alala sa ating bansa at integridad ng ating bansa. Maraming salamat po...



http://bsoa1b.blogspot.com/

Kabataan May Magagawa Ka Pa

Kabataan May Magagawa Ka Pa
Jennifer C. Torres

"Kabataan may magagawa ka pa!"

Ang pang-aabuso sa mga sangkap ng likas na kapaligiran na kaloob ng maykapal ay isa sa mga suliraning panlipunan. Isa sa mga lubhang napagsasamantalahan ay ang mga kabundukan. Dito pa naman nagmumula ang mga kagamitang lubhang kailangan ng mga tao sa pagbabahay upang may masilungan. Nanggagaling din sa kabundukan ang marami sa iba't ibang kagamitan para sa pagpapasulong ng industriyalisasyon sa bansa.

Ang mga punungkahoy sa kabundukan ay kasangkapan sa pagtitipon ng tubig upang maiwasan ang tagtuyot at mahadlangan ang pagbaha sa kapatagan. Ngunit ang mga punungkahoy ang napagsasamantalahan ng mga taong makasarili dahil sa isinasagawang tiwaling pangangahoy at pagtatabla na tinatawag na "illegal logging".

Ako bilang isang kabataan ay may magagawa pa para maiwasan ang tuluyang pagkasira ng kapaligiran sa pamamagitan ng paghihimok sa mga tulad kong kabataan na maipahiwatig sa iba pa na alagaan ang ating kapaligiran



http://bsoa.blogspot.com/

Ang May Magulang

Ang May Magulang
Liezel B. Gueavarra

Bawat isa sa atin ay may mga magulang, Ama at Ina na handang maghirap at gawin ang lahat para sa kapakanan ng anak. Masarap magkaroon ng magulang, na magmamahal sayo. Tutulong sa mga problema at sa mga oras na pumapatak ang luha dahil sa kabiguan andyan sila upang patahanin ka. Andyan si Inay na gagabayan ka upang hindi ka ulit madapa, andyan si Itay na mangangaral para hindi ka mapunta sa maling landas, sapagkat oras na masaktan ang anak doble ang sakit nito sa magulang.

Tayong kabataan na may mga magulang pa ay maituturing na talagang maswerte dahil bawat isa sa atin ay may Ina na naghihintay sa pintuan ng bahay upang itanong ang araw mo, Ama na naghihirap magtrabaho para sa luho sa buhay, iwan man tayo ng lahat ngunit kailanman ang ating magulang ay hinding hindi tayo iiwan.

Tayong may mga magulang pa, sana ay pahalagahan natin bawat ginagawa nila malaki man o maliit, mahirap ang walang magulang walang kakamusta sa mga araw mo, pagsasabihan ng mga problema at babahagian mo ng mag pangarap sa buhay. Marami ngayon ang nangungulila sa yakap at pagmamahal ng isang magulang.

Mahirap ang mabuhay ng mag-isa ka lang, yung iba gustong maranasan ang magkaron ng magulang na magmamahal sa kanila, kahit nga mura ng Ina sa tuwing bubungad palang sa pinto, bugbog, tadyak, suntok ng Ama sa tuwing matatalo sa sugal o lunod sa alak, ay walang nagpaparamdam ng ganon, ang hirap diba, mahirap lumaki ng ikaw lang at walang kasama. Hanggang nakakasama pa natin sila isipin natin at pahalagahan ang mag ginagawa nila, wala tayo sa ating kinalalagyan kung hindi dahil sa kanila. Sa oras ng silay tumanda at tayo naman ang kailanganin nila huwag sana nating ipagdamot ang aruga at pagmamahal natin na gusto nilang maramdaman, huwag sana nating sigawan kung sya man ay makulit, huwag sanang pandirian kapag napadumi o napaihi sa short, imbis ay intindihin dala na ito ng katandaan, pagpasensyahan man kung maging bingi, diba natin naisip nung mag bata pa tayo ay hindi sila nagsawang intindihin tayo ng paulit-ulit.

Kung dumating ang araw na magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman ang ating magulang ay huwag sanang pagsawaang alagaan, tayo bilang anak ay kailangang gawin ito sapagkat dito lamang tayo babawi sa lahat ng ginawa nila sa atin.

Mahalin natin ang ating mga magulang, sabihin natin ang salitang "SALAMAT SA LAHAT MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO", iparamdam natin sa kanila na mahal natin sila dahil pag huli na ang lahat, kanino mo pa ito sasabihin, anumang lakas ng sigaw, dami ng luha at sakit ng nararamdaman hindi mo na ito masasabi pa, kaya habang maaga pa gawin mo na at sahing "Inay at Itay maraming maraming salamat sa lahat mahal na mahal ko po kayo".



http://bsoa.blogspot.com/

Tunay Na Pagmamahal

Tunay Na Pagmamahal
Shiela O. de Rama

Saan nga ba matatagpuan ang tunay na pagmamahal? May ganito pa bang pagmamahal sa panahon ngayon? Tunay na pagmamahal… sapat na nga bang sabihin lang ito sa salita at di na sa gawa? Sapat na bang marinig na lang natin na "mahal kita" ay matutuwa ka na at masasabi mong mahal ka niyang talaga?

Ang tunay na pagmamahal ay matatagpuan sa iyong kaibigan at katipan ngunit ang pinaka-tunay at dakilang pagmamahal ay matatagpuan sa ating pamilya at di na kailangang pagdudahan pa. Sino nga ba ang magmamahal sa atin ng tunay na kailanman ay di mapapantayan ng kahit na ano mang bagay sa ating buhay.

Di ba't sa lahat ng panahon at pangangailangan, sila ang ating tunay na karamay at kahit kailanman ay di iiwan at pababayaan lalo na sa oras ng kagipitan. Kahit anomang pagkakamali ang ating magawa ay ang pamilya mo lang ang tunay na makakaintindi sayo. Matatagpuan lang talaga ang dakila at tunay na pagmamahal sa ating pamilya.





http://bsoa1b.blogspot.com/

Kabataan

Kabataan
Mary Jane Delgado

“Ang Kabataan ang pag asa ng bayan”.

Totoo nga bang ang kabataan ang pag asa ng bayan? Marahil nga tayo ay magdadalawang isip. Mayroong sasagot ng oo, mayroong hindi. Ang kabataan sa kasalukuyan ay di tulad ng kabataan ng nakaraan. Maraming kabataan noong unang panahon na sa murang edad pa lamang ay alam na nila kung paano lumaban sa hamon ng buhay.

May mga kabataang nag-aaral mabuti para sa kinabukasan. May mga kabataang di pinapansin ang mga tukso sa kapaligiran, tulad ng bisyo, alak at droga. May lakas sila ng loob na labanan ang kapahamakan at inpluwensya ng barkada. Matalino nilang sinusuri ang mga kaibigan nilang sasamahan. Likas pati sa kabataan noon ang paggalang di lamang sa matatanda kundi sa kapwa bata.

Tingnan naman natin ang kabataan sa ngayon, nasaan ang ilan? Nasa paaralan ba?, nakatambay?, maagang nagkaroon ng pamilya? Ilan lamang ito sa mga katotohanan kung ano ang kabataan sa ngayon. Marami sa kabataan ang mapupusok at mabilis nadadala ng inpluwensya ng mga kaibigan. Di bat karamihan sa kabataan ngayon ay nasasangkot sa pinakamalaking problema ng lipunan, ang Droga!

Marami ng hadlang sa pag unlad ng kabataan. Iilan lamang ang mga kabataan na nasa tamang direksyon upang makamit ang kanilang tagumpay. Kahit sila ay nag-aaral naiimpluwensyahan parin sila ng kanilang mga kasamahan. Mayroong pa rin sa kabataan sa kasalukuyan ang nasasabing pag asa ng bayan. Ngunit sino ba talaga ang pag asa ng bayan? Kabataan nga ba?



http://bsoa.blogspot.com/

Pangako Ng Mamumuno

Pangako Ng Mamumuno
Noemi F. Villa

Mga Pangako, mga nakakalango. Iyan ang naidudulot ng droga sa ating buhay. Oo nga at wala tayong gaanong kapangyarihan upang tulungan tanggalin ang salot sa ating lipunan ngunit maaari tayong tumulong sa ating simpleng panghihikayat. Himukin natin ang kabataan na sumali sa ibat-ibang larong pampalakasan. Kung tutuusin ay hindi na kailangan pang magkaroon ng puwesto sa pamahalaan at gobyerno upang makatulong. Maaari tayong tumulong sa paraang alam natin. Ang paghimok sa mga kabataan na maglalahok sa ibat-ibang libangan kagaya ng pagsayaw, pag-awit at isports. Maraming mga talento na hindi nadidiskubre dahil sa pagkalulong sa mga bisyo lalo na sa bawal na gamot. Ang mga kabataan na pag-asa ng bayan ay unti-unting nagiging marupok dahil sa mga masasamang impluwensya. Bakit hindi tayo magtulungan upang mailayo ang mga inaasahan ng bayang mga kabataan? Huwag tayong mag-away-away. Sa halip, magkaisa tayo at piliting magkaroon ng mga namumunong may sapat na kakayahan upang supilin ang talamak na ganid ng lipunan.



http://villanoemi.blogspot.com/

Kabataan: May Magagawa Pa Ba Sa Ating Bansa?

Kabataan: May Magagawa Pa Ba Sa Ating Bansa?
Charlene E. Saguinsin

Isang magandang umaga po sa inyong lahat! Narito ako sa inyong harapan upang ipabatid sa mga kabataan katulad ko na ang kabataan ay pag-asa nga ng ating bayan!

Saan natin ihahatid itong ating bayan? Sa magandang kinabukasan o sa bibig ng kabiguan. Sa lahat ng pangyayaring nagaganap dito sa ating bansa, unti-unting naglalaho ng di natin namamalayan. Ang sariling kayamanan na atin nang nakagisnan.

Kabataan… kabataan… saan natin ihahatid itong ating henerasyon? Papayagan kaya natin sa sarili nating bansa, ang sariling tatak at kakayahan ay mawala? Ang malagim na kahapong dugo't luha ang napunla. Bakit ngayong susupling na saka tayo nagpabaya? Ikaw kaya'y isang bulag at hindi mo nakikita ang talamak na pagyurak sa sarili mong kultura? Dumilat ka,kabataan… Dumaraan ang maghapo't magdamag. Kahit isang problema mo ay nananatiling suliraning hindi malutas. Dapat tayong mangag-isip, itong ating bansa saan natin ihahatid? Sa magandang kinabukasan o sa dulo ng kabiguan. \

Tayong mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Tayo'y magkaisa upang makalaya at bumangon muli. Tayo na't magkapit-bisig para sa bagong simula at sa tagumpay na ating makakamtan, tayo'y mga Pilipino at marami pang magagawa, hahayaan nalang ba natin na tapak-tapakan nalang tayo ng iba? Sa paningin ng iba tayo'y mga modelo na handang ipagtanggol ang ating bansa, huwag ikahiya kung anu mang meron tayo ipagmalaki ito at maging matatag para sa magandang kahinatnan at sa hinaharap

Muli magandang umaga po sa inyong lahat, at marami pong salamat!



http://bsoa1b.blogspot.com/

Pagpaparangal Sa Isang Kabayanihan

Pagpaparangal Sa Isang Kabayanihan
Riza E. Fernandez


Sa lahat ng aking mga kabarangay, mga kaibigan at sa inyo na naririrto ngayong umaagang ito. Magandang umaga.

Hayaan nyong ihayag ko sa umagang ito ang kabayanihang ipinamalas sa atin ng taong bibigyan natin ng parangal sa araw na ito.

Ika-13, Biyernes ng Pebrero ng taong kasalukuyan, ang lahat ay walang kamuwang-muwang sa nagbabadyang panganib. Para lamang itong isa sa mga karaniwang araw na ating pinagdadaanan.

Alas-siyete ng gabi nang magsimula ang sunog sa aming kapitbahay. Nagkataon naman na walang tao roon. Hindi nmin ito agad namalayan bagamat kalapit bahay namin ang nasabing bahay

Hangang sa ito ay lumiyab at kumalat patungo sa aming bahay nang mga oras na iyon.

Hindi agad kami nakalabas dahil unang natupok ng apoy ang aming pintuan palabas ng bahay. Wala kaming ibang nagawa kundi ang sumigaw. Unti unti kong narinig ang sirena ng bumbero maya-maya ay lakas loob na sinuong nya ang apoy bagamat delikado na.

Iniligtas nya kami sa aming kamatayan. Narito ako ngayon upang handugan ng buong pusong pasasalamat at natatanging parangal ang taong maituturing naming magkapatid na nagbigay sa amin ng pangalawang buhay.

Siya ay panganay sa walong magkakapatid. Hindi nya alintana ang pagiging babae bagamat ang trabaho nya bilang bumbero ay sinasabing panlalaki lamang. Siya ay isang babae na may tapang ng isang lalaki. Ang kanyang naipamalas na kabayanihan ay habang buhay naming maaalala.

Mga kaibigan buong karangalan kong ibinibigay sa inyo, siya ay walang iba kundi si Gng. Francesca Lungsod ang patunay ng isang bayani.



http://bsoa1b.blogspot.com/

Ating Abutin Ang Ating Pangarap

Ating Abutin Ang Ating Pangarap
Charmaine R. Frankie

Ikaw may pangarap ka ba? Pangarap mo bang yumaman, maging sikat na artista, magaling na negosyante, makapagtayo ng sariling eskwelahan, propesyunal sa napiling kasanayan o kaya’y maging bayani ng bayan? Maging sino ka man, bata man o matanda, may pera o wala may pangarap at ito’y iyong karapatan na TUPARIN, ABUTIN, MAKAMTAN AT MAKUHA. Ito ang mga salitang gusto kong ITATAK, IDIKIT, ISAMA AT AT ITANIM sa inyong kaisipan at kalooban kapag naiiisip ninyo ang inyong pangarap. “Libre” ang mangarap pero lahat ng indibidwal ay mayroon nito, samakatuwid lahat ay maaring umunlad.

Ako, nuong bata pa ako pangarap kong matutong magbisikleta. Kaya araw-araw akong nakadungaw sa bintana sa bintana na aming bahay nag-aabang na namimisikleta; Pinag-aralan ko kung paano sila nakakabalanse at sinubukan kong gamitin ang luma naming bisikleta na mataas ng bahagya sa akin. Takot, pagod at hirap ang dinanas ko pero nasa kalagitnaan na ako kaya hindi na ako maaaring sumuko. Paisa-isang metro ay nakakatibay na ko hanggang sa natuto na ako. Ayos! Nakakatawa ba? Marahil. Ito ay isang anekdota na aking iingatan na hanggang ngayon ay nagpapalakas ng aking loob.

Ang pangarap ay parang mga binhi na itinatanim sa matatabang lupa. Pinag-uukulan ng panahon, lakas at alaga nang sa gayon ay lumaking matatag na kahit gaano kalakas ang bagyo di matutumba at sandigan ng lahat. Ganoon talaga. Walang taong nagtanim na umasa na kinabukasan ay puno na. Wala rin naming nagtanim ng ubas ng lumakit bumunga ay mangga. Anu nga ang iyong tinanim mabuti o masama. Makakatulong ba o makakasira. Simulan natin sa mabuting adhikain at sundan natin ng gawa. Huwag tayong tumigil hangga’t di nating natutupad ang ating pangarap. Lahat ng nangangarap ay may kapasidad na tuparin ang kanilang pangarap. IKAW, AKO, SIYA, TAYO! ay mga tao ibig sabihn may pangarap at pag may pangarap may potensyal na makamtam ito. Simulan na natin, hindi bukas, makalawa, o sa bagong taon kung hindi NGAYON! Tara na!



http://bsoa1b.blogspot.com/

Biyernes, Setyembre 14, 2012

Satanas sa Lupa

Satanas sa Lupa


Unang Bahagi : Kapwa Satanas?

Tagpo : sa isang madilim na lugar, iniilawan ng iilang kandila ang kapaligiran

Tauhan : si Benigno, si Satanas at ilang ekstra
Benigno (magigising sa gitna ng naka-bilog na mga kandila) : Huh?! Asan na ako? Ang mga magagarbo kong damit?! Ugh! Ba’t ko suot ‘to?! (nagtataka at mandidiri sa suot na pamprobinsya)

Satanas (voice over) : Yoohoo! Benigno, my dear, nandito ka na pala! Ang tagal-tagal na naming naghihintay sa ‘yo, ano! Lagi ka na lang kasing nauudlot...

Benigno : Sino? Asan? Magpakita ka!

Satanas : Huuu! Wag ka na ngang magpakipot, di bagay, eh! Di mo man lang ba ako nakikilala o natatandaan? Ako, na gumawa ng lahat ng inasam mo, lahat ng karangyaang ibinigay mo sa pamilya mo? Sa akin nanggaling ang mga ‘yon! Wala man lang bang ‘thank you’?

Benigno : Hindi ‘yan totoo! Lahat ng nalikom ko, lahat ng ibinigay ko sa pamilya ko ay galing sa marangal at makabuluhang paraan!

Satanas : Marangal? Makabuluhan? Nagpapatawa ka ba, Benigno? Nakalimutan mo na na kaya kong gawing mukhang marangal at makabuluhan ang kahit anong bagay. Maging pera, babae, kahit na yang kapangyarihang pinaggigigilan mo. (spotlight sa bawat bagay habang sinasabi, tapos fade)

(spotlight kay Satanas sa gitna) Malay mo, baka gawin kitang kanang-kamay ko dito. You’ve been such a faithful follower! (buong tamis) : Oh, Benigno! (tatawa ng malakas)

Benigno (mapapagapang sa kanyang likod) : Hindeeee! Ayoko! Ayoko sa ‘yooooo!!!

(fade:tuloy pa rin ang pagtawa ni Satanas)

Ika-2 Bahagi : Buhay sa Tanggapan

Tagpo : sa tanggapan ni Benigno sa Kongreso

Tauhan : si Benigno at ang kanyang sekretarya

(papasok si Benigno sa kwarto, susundan siya ng kanyang sekretarya)

Sekretarya : Sir, ito na po yung mga pipirmahan ninyo.

Benigno : Salamat, salamat. Pakilagay na muna dyan.

(mauupo, magrerelaks) Haaay!

(tatayo, maghahanda ng isang jigger ng scotch) Makapagtrabaho na nga. (tatawag sa telepono)

Balbino : Hello?

Benigno : Balbino, pare! Kumusta na dyan sa Customs? Naayos mo na ba yung sinabi ko sa ‘yo? Malaking kliyente rin yang si Lim.

Balbino : Aba, siyempre. Walang sabit! Nakausap ko na rin yung mga pwedeng mambubulgar. Alam mo naman siguro kung anong ibig-sabihin nun, ano?

Benigno : Pare, sabihin mo lang kung magkano at ipaaabot ko na lang kay Chona. Tandaan mo, malaking pera rin ‘to! Kailangang smooth lahat. O, sige, pare. Hanggang mamayang gabi, kina Chona. (ibababa yung telepono)

(sasabihin sa sekretarya) Pakigawa nga ng tseke...mga P25,000 lang muna.

(magda-dial na sa telepono)

Sekretarya : Yes, sir.

Chona : Hello?

Benigno : Kumusta ka na, Sweetheart? Namimiss ko na ang mga yakap mo.

Chona : Si Ben talaga! Eh kagagaling mo lang dito kagabi, miss mo na agad ako. Hmmmp, bola!

Benigno : Ikaw naman!

Chona : Eh, kelan ka ba uli pupunta dito para makapaghanda naman ako.

Benigno : Mamayang hapon, mga alas-singko. May ipapabigay ako para kay Balbino. At darating na rin yung pera galing kay Lim, tama ba?

Chona : Oo. Baka gabi na dumating yung pera. O sige na, Big Boy. Ipagluluto kita ng paborito mo, malinamnam na steak. Di ba gusto mo ‘yon?

Benigno : Mmmm...nalalasahan ko na! Hanggang mamaya, sweetheart!

(ibababa ang telepono) Haaay, buhay!

(magpapalit ng tagpo, balik sa isang madilim na lugar)

Satanas : You handled those phone calls like a natural, Benigno! Manghang-mangha ako sa abilidad mong magpa-ikot ng mga tao!

Benigno : Hindi ako ‘yon! Dala lang ‘yun ng impluwensya! Hindi ‘yon natural sa akin! Maniwala ka!

Satanas : Whatever you say.

Ika-3 Bahagi : Sinong Mas-Satanas?

Tagpo : isang bar sa Maynila

Tauhan : si Benigno, si Caprio at ilang ekstra

Caprio : Dito na tayo maupo. So, kumusta na buhay, Panyero? Balita ko’y umaasenso ka na, ah.

Benigno : Siyempre naman, Panyero! Hangga’t may ‘service rendered’, eh mabubuhay tayo.

Caprio : That’s my boy! Sinunuod mo talaga ang payo ko. Sabi ko kasi sa ‘yo wala kang mararating malinis na paraan. Mabubulok ka lang sa loob ng opisina mo. You gotta get out and meet the people who matter. Walang patutunguhan yang buhay mo kung di mo alam kung sinu-sino ang dapat kinakausap at iniiwasan.

Benigno : O, Panyero, easy ka lang! Maginhawa na ang buhay ngayon. Mala-mansyong bahay, mamahaling kagamitan, pabakasyun-bakasyon na lang. Yan ang mga produkto ng ‘service rendered’.

Caprio (itataas ang baso) : Here’s to ‘service rendered’!

Benigno (itaas din ang baso) : To ‘service rendered’!

(balik sa madilim na lugar)

Satanas : Ah, si Caprio pala ang nagturo sa ‘yong maging pilyo! Di ko pa sya gaanong kelangan dito. Marami pa akong plano para sa kanya. Ikaw naman kasi! Sana eh nagsasabayan kayo ngayon. Ang hina-hina ng loob mo. Ang daling atakihin. Pwe!

Ika-4 Bahagi : Ang Kaapid

Tagpo : sa bahay ni Chona

Tauhan : si Benigno at si Chona

Benigno : Ay, Chona, nakakapagod nga naman talaga sa tanggapan.

(mahihiga sa sopa) Pakimasahe naman ako, Sweetheart.

Chona : Ikaw naman kasi, Ben. Masyado mong pinupwersa sarili mo. Napapagod tuloy ang Big Boy ko!

Benigno (giginhawa sa masahe ni Chona) : Aaaaahhh! Paano na kaya ang buhay ko kapag wala ka, Chona.

Chona : Ang sabihin mo, paano na ang buhay ko kung di mo ako sinalba mula sa lugar na ‘yun. Malamang hindi ganito kagaan ang pakiramdam ko.

Benigno : Naaalala ko pa, Diana. Diana pa yung ginagamit mong pangalan sa casa. Pa-sosyal pa ang Sweetheart ko!

Chona : Si Caprio naman kasi ang nagpalayaw nun sa akin! Siya sisihin mo! Halina nga’t kumain na tayo. Ipinagluto kita ng steak. Paborito, di ba?

Benigno : Binabago pa nito ang usapan. Sige na nga, ‘makakain’ na.

(habang kumakain sila, magbo-voice over sina Satanas at Benigno)

Satanas : At anong tawag mo sa kanya? Di ba isa siya sa mga pagkakamali mo? Isa sa mga pinadala ko upang pagandahin ang buhay mo?

Benigno : Nagmagandang-loob ako kay Chona. Iniligtas ko sya mula sa buhay niya sa casa. Binigyan ko siya ng bahay at pera para mabuhay ng maginhawa.

Satanas : At ginawa mo rin siyang number two. Isang takbuhan tuwing nagkakagalitan kayo ni Virginia. Isang pampalipas oras bago umuwing lasing sa piling naman ng iyong asawa’t mga anak. Sey mo?!

Ika-5 Bahagi : Ang Satanas at ang Seminarista

Tagpo : sa bahay ni Chona

Tauhan : si Benigno, si Conrado at si Chona

(darating si Benigno sa bahay ni Chona, madaratnan si Conrado sa pintuan nito na nakikipag-usap kay Chona, magtititigan ang mag-ama)

Benigno : Conrado, anak, anong ginagawa mo dito?

Chona : Dumaan lang siya’t kinausap ako. Isa siyang mabait at matalinong bata, Benigno.

Benigno (hindi pinansin si Chona’t nakatitig pa rin) : Bakit ka nandito, Conrado?

Conrado : Maaari po ba kayong maka-usap ng masinsinan?

Chona : May aayusin lang ako sa kusina. (aalis patungong kusina)

Conrado : Alam ko kung anong relasyon nyo sa babaeng ‘yon. At ipagdarasal ko kayo at ang kaluluwa nyo.

Benigno : Anong pinagsasasabi mo?

Conrado : Hindi na kayo naawa kay Mama! Mahal niya kayo! Maski minsan hindi na niya maintindihan ang takbo ng isip nyo, mahal pa rin niya kayo. At ang igaganti nyo ay ang pakikisama sa ibang babae.

Benigno : Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon namin ni Chona. Hindi totoo ang mga nalalaman mo. Ba’t di mo gayahin yung kapatid mong si Ester. Hindi naghahanap ng gulo, hindi ako sinasagot-sagot, at may irog pa. Malapit-lapit na rin silang ikasal.

Conrado : Totoo man o hindi, paninindigan ko ang alam ko. At Papa naman, isa akong seminarista! How was I supposed to know?! Wala akong kinalaman sa mga bagay tungkol sa pag-ibig.

(balik sa madilim na lugar)

Satanas : Ang lakas ng loob ng anak mo, ha. His faith is so strong! Ang taas pa naman ng tingin nya sa kanyang ama. Ngunit napabayaan si anak. Pumait tuloy ang relasyon ng mag-ama. Ba’t mo nga ba sinumbat sa kanya ang pag-ibig?! Di ka man lang nag-isip, Benigno!

Ika-12 Bahagi : Itinakwil ni Satanas

Tagpo : sa isang madilim na lugar, iniilawan ng iilang kandila ang kapaligiran

Tauhan : si Benigno at si Satanas

Benigno (mangiyak-ngiyak) : Hindi ko pinangarap na humantong dito. I don’t deserve this! Para sa ikabubuti naman ng buhay ng mag-anak ko ang lahat ng pinagagagagwa ko. Pakawalan mo na ako!

Satanas : You don’t deserve this?! Talaga lang ha! Hapit sa perang galing sa ‘service rendered’, hapit sa mga babaeng di mo naman asawa, hapit sa kapangyarihang di naman nararapat sa ‘yo. At sasabihin mong you don’t deserve this?! Nagpapatawa ka ba, Benigno?!

Benigno : Dala lang lahat ng matinding pangangailangan. Nais kong iraos ang sarili ko’t pamilya mula sa probinsya. Gusto kong maibigay sa kanila lahat ng hindi ko naranasan. Sinubok kong daanin sa malinis at marangal na paraan. Mahirap pala. Nung una kong natikman ang ‘service rendered’, napag-isip-isip ko na ito ang tanging makakapagbigay-buhay sa pangarap ko.

Satanas : Really? I’m so touched! Ang drama talaga ng Benigno ko! Sa mga sinabi mong yan eh akala mo mapupunta ka na sa langit?! On the contrary, hindi pa rin kita pakakawalan.

Benigno : Nagsisisi naman ako sa mga naging kasalanan ko! Inamin ko naman ang mga ito kay Virginia at sa mga anak ko, at pinatawad na nila ako. Ano pa bang kailangan kong gawin para maging karapat-dapat sa langit?!

Satanas : At feel mo bagay ka sa langit?! Everything had been said and done, my dear Benigno. Wala ka nang kawala! Akin ka na magpakailan man dito sa impyerno! (tatawa ng malakas)

Benigno : Hindi maaari! Pakawalan mo ako, malanding babae!

Satanas : Wag na tayong magkunwari pa, Big Boy. Alam mo namang dito ka nababagay, dito ka lubusang sasaya...sa piling ko!

(buong tamis) Benigno...!(tatawa ng malakas)

Benigno : Aaarrrggghhh!!! Pakawalan mo ako! Ayoko sa ‘yoooooo!!!


(fade to black, tuloy pa rin sa pagtawa si Satanas)

Noli me Tangere Script 2

Scene 1 Ang Salu-Salo
Scene 2 Erehe at Pilibustero
Scene 3 Pagsusuyuan sa Asotea
Scene 4 Araw ng mga Patay
Scene 5 Ang Dalawang Sakristan
Scene 6 Ang Pamilya ni Sisa
Scene 7 Ang Paghihirap ni Sisa
Scene 8 Ang Pangingisda
Scene 9 Ang Panghugos
Scene 10 Ang Pananghalian
Scene 11 Si Donya Consolacion at Sisa
Scene 12 Si Alfonso Linares
Scene 13 Ang Dalawang Donya
Scene 14 Ang Pagdakip kay Ibarra
Scene 15 Tugisan sa Lawa
Scene 16 Ang Paliwanag ng pari
Scene 17 Noche Buena

SCENE 1 Isang Salu-salo

PADRE DAMASO: Hindi ba ninyo batid na marami sa mga Indiyo ang mangmang?

LARUJA: Padre Damaso, hindi rin ba ninyo batid na nasa tahanan tayo ng isang Indiyo?

PADRE SIBYLA: Maaaring masaktan mo si Kapitan Tiyago.

DAMASO: Hmp! Matagal nang ipinagpalagay ni Tiyago na siya’y hindi isang Indiyo. Inuulit ko, wala nang makakatalo sa kamangmangan ng mga Indiyo!

Biglang natigil ang usapan nang dumating si Kapitan Tiyago kasama si Crisostomo Ibarra.

TIYAGO: Mga kaibigan, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo, ang dahilan ng pagsasalong ito...ang anak ng nasira kong kaibigan, si Don Crisostomo Ibarra. Kararating lamang niya mula sa Europa.

CRISOSTOMO: Buenos Noches Amigos. Sa mga kura sa aking bayan...at sa matalik na kaibigan ng aking ama, Padre Damaso (hindi pinansin) ...patawarin po ninyo ako sa aking pagkamamali.

DAMASO: Hindi ka nagkakamali. Ako nga si Padre Damaso, ngunit kailanma’y hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama.

TINYENTE: Kayo na nga ba ang anak ng yumaong si Rafael Ibarra?

CRISOSTOMO: Sa inyong lingkod, Señor Tinyente.

TINYENTE: Maligayang pagdating. Nawa’y mas maging mapalad kayo kaysa sa inyong ama.

CRISOSTOMO: Maraming salamat po.

UTUSAN: Nakahanda na ang hapunan!

Ang mahahalagang tauhan ay patungo na sa hapagkainan. Hindi sinasadyang naapakan ni Tinyente Guevarra ang laylayan ng bestida ni Donya Vidtorina.

VICTORINA: Wala ka bang mga mata?

TINYENTE: Mayroon po, Señora. Mga matang mas malinaw pa kaysa sa inyo. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot ninyong buhok.

Sa hapagkaianan.

LARUJA: Señor Ibarra, sa halos pitong taong ninyong pamamalagi sa ibang bansa, ano’ng pinakamahalagang bagay ang nakita n’yo?

CRISOSTOMO: Nang natutunan ko ang kasaysayan, nalaman kong ang kalayaan o ang pagkaalipin ng isang bansa ang nagdidikta ng kasaganahan o paghihikahos nito.

DAMASO: Nagawa mong lustayin ang iyong yaman para lamang diyan? Wala ka na bang nakitang mas mahalaga? Isa kang bulag! Kahit ang isang bata’y alam iyan.

CRISOSTOMO: Nagpapasalamat ako’t palagay ang loob ng dating kura sa akin. Nawa’y ipagpaumanhin ninyo ako. Kagagaling ko lamang sa mahabang biyahe at may aasikasuhin pa ako bukas. Para sa España at Pilipinas!

TIYAGO: Huwag ka munang umalis, darating pa si Maria Clara.

IBARRA: Bibisitahin ko po siya bukas. Sa ngayon ay may importante pa akong dapat gawin.

Nakaalis na nga si Ibarra.

PADRE DAMASO: Nakita na ninyo? Ganyan ang nangyayari sa mga kabataang ipinapadala sa Europa! Nagiging mayabang at mapagmataas! Kaya nararapat lamang talagang ipagbawal na ang pagpapadala ng mga kabataan sa Europa!

End of Scene.

SCENE 2 Erehe at Pilibustero

Sa kalyeng maraming tao, abala si Ibarra sa kaiisip habang siya’y naglalakad. Bigla siyang napahinto nang may kamay na pumatong sa kanyang balikat.

TINYENTE: Señor Ibarra.

CRISOSTOMO: Tinyente, kayo pala. Ginulat po ninyo ako.

TINYENTE: Mag-ingat kayo, Señor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong ama.

CRISOSTOMO: Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama. Maaari ba ninyong sabihin sa akin?

TINYENTE: Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong ama sa loob ng bilangguan.

CRISOSTOMO: Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayo’y nagkakamali lamang?

TINYENTE: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Si Rafael Ibarra, siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre Damaso.

CRISOSTOMO: Maaari ba ninyong sabihin sa akin ang buong pangyayari? Bakit po siya nakulong?

TINYENTE: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na naging kolektor ng buwis. Nang siya’y nangongolekta, minsan siyang napagkatuwaan ng mga bata…

Flashback:

Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel. Pinagtatawanan siya ng mga bata.

BATA 1: Ba-be-bi-bu-bo! Ha Ha Ha!

BATA 2: Hindi ba’t hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis niyang dala? Ha ha ha!

KOLEKTOR: Tigilan n’yo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Ano’ng sabi n’yo?

Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang isang bata at ito’y natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan.

KOLEKTOR: Ikaw, ano’ng sabi mo?!

BATA: Ahh! Nagbibiro lamang po ako. Ahh--

RAFAEL IBARRA: Bitawan mo sila!

Tinulak ni Don Rafael ang kolektor ng buwis at ito’y nawalan ng balanse.

RAFAEL IBARRA: Hindi ko mapapayagang saktan ninyo ang mga bata.

End of flashback.

TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor. Dahil dito’y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung anu-ano. Dahil sa kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay.

IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama ko...

End of Scene.

SCENE 3 Pagsusuyuan sa Asotea

MARIA CLARA: Bakit kaya wala pa siya?

Sinilip ni Maria Clara ang bintana upang makita kung sino ang dumating. Nang nakita niya si Crisosotomo ay agad siyang tumakbo sa kanyang silid at nagpaganda. Pumasok naman si Crisostomo at siya’y sinalubong ni Tiya Isabel.

CRISOSTOMO: Magandang araw po, Tiya Isabel.

TIYA ISABEL: Magandang araw din sa iyo iho.

CRISOSTOMO: Nandito po ba si Maria Clara?

TIYA ISABEL: Maupo ka na lamang iho at tatawagin ko siya sandali.

Si Tiya Isabel ay kumatok sa pinto ng silid ni Maria Clara.

TIYA ISAEL: Maria Clara, si Tiya Isabel mo ito.

MARIA CLARA: Pasok po kayo, tiya.

TIYA ISABEL: Iha, nariyan na si Crisostomo. Paghihintayin mo pa ba siya?

MARIA CLARA: Hindi na po, Tiya.

Lumabas si Maria Clara.

CRISOSTOMO: Hindi pa rin kumukupas ang iyong ganda, Maria Clara.

Nagtungo silang dalawa sa Asotea.

MARIA CLARA: Hmp! Nakapunta ka lang sa Europa, tumamis na ang iyong mga salita. Marahil, maraming magagandang babae sa ibang bansa ang nahulog sa pambobola mo.

CRISOSTOMO: Mahal ko, alam mo bang ako ay isang mapalad na nilalang?

MARIA CLARA: Mapalad? Bakit? Dahil sa mga babae mo?

CRISOSTOMO: Mapalad dahil ipinagpasya ng ating mga magulang na ikasal ako sa pinakamagandang babae na ngayon ay nasa aking harapan.

MARIA CLARA: Asus! Binola pa ako.

CRISOSTOMO: Labis akong nangulila sa iyo, Maria.

MARIA CLARA: Higit akong nangulila, Crisostomo.

CRISOSTOMO: Patawarin mo ako kung ako’y magpapaalam na. Kailangan ko nang umuwi sa San Diego dahil bukas ay Araw ng mga Patay. Hanggang sa muli, mahal ko.

MARIA CLARA: Sandali.

Pumitas ng mga bulaklak si Maria Clara at ibinigay ang mga ito kay Crisostomo.

MARIA CLARA: Ialay mo ang mga ito sa iyong mga magulang.

CRISOTOMO: Maraming salamat, mahal ko.

Lumakad na si Ibarra.

MARIA CLARA: Mag-iingat ka, mahal kong Crisostomo.

End of Scene.

SCENE 4 Araw ng mga Patay

May dalawang lalaking naghuhukay sa sementeryo.

LALAKI 1: Sinunod mo ba ang utos niya?

LALAKI 2: Tumigil ka na nga sa kakatanong, maghukay ka na lang diyan.

LALAKI 1: Ayoko na! Ayoko nang maghukay!

Dumating na sina Crisostomo at ang kanyang alalay.

CRISOSTOMO: Nasaan ba?

ALALAY: Sa likod po ng malaking crus, senyorito.

CRISOSTOMO: Dito ba?

ALALAY: Ngunit…hindi po rito ang natatandaan ko. Sandali lamang po at ipagtatanong ko.

Nilapitan ng alalay ang naghuhukay at nagtanong.

ALALAY: Alam mo ba kung saan ang malaking krus na itinirik dito?

LALAKI 2: Ah, iyong malaking krus? Sinunog ka na iyon.

ALALAY: Ano? Bakit mo naman ginawa iyon?

LALAKI 2: Napag-utusan lamang ako ng malaking kura.

CRISOSTOMO: At anong ginawa mo sa bangkay?!

LALAKI 2: Sinabi sa akin ng malaking kura na dalhin ko raw ito sa libingan ng mga Intsik.

CRISOSTOMO: At ginawa mo naman?!

LALAKI 2: ‘Wag po kayong magalit, senyor. Masyadong mabigat ang bangkay, at umulan pa nang gabing iyon kaya…itinapon ko na lamang ito sa ilog.

CRISOSTOMO: Itinapon?! Isang kabaliwan ang iyong ginawa!

Lumakad si Crisostomo at nang nakita niya si Padre Salvi, sinunggaban niya ito.

CRISOSTOMO: Ano’ng ginawa mo sa aking ama?

SALVI: Nagkakamali ka. Wala akong ginawa sa—

CRISOSTOMO: Ano’ng wala?

SALVI: Hindi ako! Tinitiyak ko sa’yo. Hindi ako, kundi sa Padre Damaso.

Binitiwan siya ni Crisostomo at tuluyan ng lumayo.

End of Scene.

SCENE 5 Ang Dalawang Sakristan

Nangangampana ang dalawang sakristan na sina Basilio at Crispin.

BASILIO: Magpahinga na muna tayo Crispin.

Naupo silang dalawa sa may sulok.

CRISPIN: Magkano ba ang kita mo ngayong buwan, Kuya?

BASILIO: Dalawang piso, bakit ba?

CRISPIN: Nais kong bayaran mo ang sinasabi nilang ninakaw ko.

BASILIO: Sira ka ba, Crispin? Diba’t tatlumpu’t dalawang piso ang binibintang nila sa iyo? Kahit isang taon pa akong magtrabaho, hindi ko mababayaran iyan.

CRISPIN: Ngunit wala talaga akong ninakaw! Wala akong ninakaw. kuya…Kapag nalaman ‘to ng Inay...natatakot ako.

BASILIO: Tahan na, Crispin. Hindi rin naman maniniwala si Inay. Tahan na. ‘Wag kang mawalan ng--

Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ang Sakristan-Mayor.

SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang pagpapatunog ng kampana…At ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang hindi mo isinasauli ang ninakaw mo!

CRISPIN: Ngunit wala po talaga akong ninakaw.

SAKRISTAN: Magsisinungaling ka pa!

Hinawakan ng sakristan sa braso si Crispin at hinila ito pababa ng hagdan. Ngunit nakahawak rin si Basilio sa kapatid.

BASILIO: Matagal na po naming hindi nakikita ang aming Inay. Pagbigyan n’yo na po—

Sinaktan ng sakristan-mayor si Basilio hanggang sa ito’y hindi na halos makatayo. Muli niyang hinila si Crispin at ito’y ikinaladkad pababa ng hagdan.

CRISPIN: Kuya, tulungan mo ako! Papatayin nila ako!

BASILIO: Crispin…

Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang kanyang sarili at tumakas siya gamit ang lubid ng kampana.

End of Scene.

SCENE 6 Ang Pamilya ni Sisa

Abala si Sisa sa paghahanda ng pagkain para sa mga anak.

SISA: Marahil ay gutom na gutom na ang mga anak ko...Hindi ko sila hahayaang magutom...Kaya naghanda ako ng masarap na pagkain...

Biglang dumating ang lasing na si Pedro.

PEDRO: May makakain ba?

SISA: Mayroon.

PEDRO: Nasaan?! Bilisan mo’t nagugutom na ako!

SISA: Ahh- Oo. Narito na.

Kinain ni Pedro ang lahat ng pagkain.

SISA: Wala nang natira? Ngunit paano’ng mga anak mo?

PEDRO: Bakit?! May reklamo ka?!

SISA: Wala. Wala—

PEDRO: Teka, nasaan na ba ang mga batang iyon?

SISA: Nasa kumbento pa. Pero uuwi rin sila—

Nakita ni Sisa na paalis na ang asawa.

SISA: Sandali, hindi mo ba sila hihintayin?

PEDRO: Inuutusan mo ba ako?! Aalis ako kung kailan ko gusto!

At umalis na nga si Pedro.

SISA: Kawawang mga anak ko. Magsasaing na lamang ako ulit.

Ilang minuto lamang ay dumating si Basilio.

BASILIO: Inay! Inay! Gising pa po ba kayo? Inay!

SISA: Basilio! Anak ko! Anon’ng nangyari sa’yo? Bakit ka umiiyak? Bakit ka sugatan?

BASILIO: Tumakas po ako sa kumbento. Takot na takot na po ako. At si Crispin po--

SISA: Bakit, ano bang nangyari kay Crispin? Nasaan na siya?

BASILIO: Naiwan po siya sa kumbento, Inay. Hindi po siya pwedeng umuwi dahil pinagbintangan siyang nagnakaw.

SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo, kailangan nating magdusa?

BASILIO: Inay…

SISA: Bakit, Basilio? Nagugutom ka? Halika ka, heto…heto ang kanin at tawilis. Kumain ka, anak ko.

BASILIO: Ngunit hindi po ako kumakain ng tawilis, Inay.

SISA: Alam ko, anak. Naghanda akong ng ibang ulam kanina, ngunit dumating ang iyong ama.

BASILIO: Dumating si Itay?

SISA: Oo.

BASILIO: Pero umalis din siya agad, hindi po ba?

SISA: Basilio!

BASILIO: Patawad po, Inay.

Isinara ni Sisa ang pinto at siya’y napabuntong-hininga.

SISA: Diyos ko... Ano bang gagawin ko?

End of Scene.

SCENE 7 Ang Pagkabaliw ni Sisa

Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga gulay. Nakita siya at kinausap ng utusan.

UTUSAN: Para saan ang mga ‘yan ale?

SISA: Para sa kura, nais ko sana siyang makausap.

UTUSAN: May sakit ang kura ngayon, tungkol saan ba ito?

SISA: Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin.

UTUSAN: Crispin? Kung gano’n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba’y matapos magnakaw ng batang iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na magpunta sa kwartel at magsuplong. Sa katunayan ay papunta na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin ang mga magnanakaw mong anak.

SISA: Hindi…hindi magnanakaw ang mga anak ko.

KUSINERA: Hoy! Ina ng mga magnanakaw! ‘Wag mong iyakan ang mga anak mo! Wala kang mapapala sa kanila dahil nagmana saila sa kanilang ama!

Tamatakbong tumungo si Sisa at nakita niya ang mga Guardia Civil.

GUARDIA CIVIL: Ikaw ba si Sisa, ang ina ng magnanakaw?

SISA: Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko.

GUARDIA CIVIL: ‘Wag mo nang ipagkaila, kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon. Sabihin mo na kung saan mo itinago si Crispin!

SISA: Señor, ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin.

GUARDIA CIVIL: Eh, kung ganoon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong mga anak!

SISA: Señor, kahit pa minsang nagugutom ang mga anak ko, hinding-hindi nila magagawa ang magnakaw, maniwala kayo.

GUARDIA CIVIL: Sinungaling! Pero kung iyan iyong gusto, Ikaw ang ikukulong naming hanggang hindi isinasauli ng mga anak mo ang mga ninakaw nila.

SISA: Pero wala ho talagang ninakaw ang mga anak ko, Señor. Parang awa n’yo na, ‘wag n’yo po akong ikulong…

Dinala ng mga guardia civil si Sisa sa kuwartel.

GUARDIA CIVIL: Mabubulok ka sa bilangguan hanggang hindi ka magsasabi ng totoo!

Dumating ang alperes at nalaman ang tungkol kay Sisa.

ALPERES: Kamalian ‘yan ng kura! Pakawalan n’yo siya at ‘wag n’yo na siyang gagambalin pa, at kung gusto ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin n’yo sa kanya na manalangin siya kay San Antonio!

Agad nilang pinakawalan si Sisa.

GUARDIA CIVIL: Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sa’yo! Ha! Ha! Ha!

Tumakbo si Sisa patungo sa kanilang bahay.

SISA: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo?

May nakita siyang damit na duguan.

SISA: Ano ‘to? Damit ni Basilio? Dugo…Bakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng anak ko! Ang magnanakaw kong anak! Ako’ ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha! Dugo!

At tuluyan nang nabaliw ang kawawang si Sisa.

End of Scene.

SCENE 8 Ang Pangingisda

Si Maria Clara ay masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan.

KAIBIGAN 1: Maria Clara, kumusta na kayo ni Ibarra?

MARIA CLARA: Kami ni Ibarra? Anong “kami” ni Ibarra?

KAIBIGAN 2: Hindi ba’t kararating lamang niya?

MARIA CLARA: Oo…sa katunayan ay papunta na siya dito ngayon at sabay kaming mangingisda…

MGA KAIBIGAN: Uuuuuyy…

Hindi katagalan…

MARIA CLARA: O, nandito ka na pala, Crisostomo.

IBARRA: Maaari na ba tayong umalis, mahal ko?

MARIA CLARA: Kung iyan ang nais mo…

Sa palaisdaan…

ELIAS: Señorita Maria Clara, saan po ninyo gustong pumunta?

MARIA CLARA: Nais ko sanang pumunta sa palaisdaan ng aking ama. Malayo pa ba?

ELIAS: Naku hindi po, señorita. Ilang sandali na lamang at makakarating na rin tayo doon.

MARIA CLARA: Ano iyon?

ELIAS: Marahil ay kahoy lamang po.

MARIA CLARA: Ah kahoy lamang pala.

IBARRA: Kahoy pa rin ba iyon?

ELIAS: Sandali lamang po at titingnan ko— Isang buwaya!!!

MARIA CLARA: May buwaya!

ELIAS: Kaya pala nauubos na ang mga isda sa ilog na ito! Kailangang mamatay na ang buwaya na iyan!

MARIA CLARA: Crisostomo, nanganganib ang buhay niya!

IBARRA: Huwag kang mag-alala, mahal ko. Ililigtas ko siya.

MARIA CLARA: Ibarra!

Makalipas ang ilang sandali.

MARIA CLARA: (Umiiyak) Nasaan na sila? Baka kung ano na ang nangyari sa kanila.

TAUHAN: Ligtas sila! Ligtas sila!

ELIAS: Maraming salamat po sa pagligtas ninyo sa buhay ko, Señor Ibarra. Balang araw, sa panahong kailangan ninyo ng tulong, nakahanda po akong tulungan kayo.

KABABAIHAN: Isa kang tunay na bayani, Ibarra! Mabuhay ka!

End of Scene.

SCENE 9 Ang Panghugos

Maraming tao sa paligid dahil ito ang araw ng pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay paaralan na itatayo ni Ibarra.

GOBERNADOR: Señor Ibarra, ikaw naman ang maglagay ng palitada sa ibabaw ng bato.

IBARRA: Ikasisiya ko po, gobernador.

Lumapit si Ibarra sa malaking bato upang ilagay ang palitada.

IMBENTOR: Isang maling galaw mo lamang, tiyak patay ka.

Itinulak ni Elias ang imbentor kaya ito ang natamaan ng malaking bato at ito’y namatay. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita.

IBARRA: Ano’ng ibig-- Elias?

ELIAS: Mag-iingat kayo, Señor. Hindi lamang ito ang maaaring mangyari sa inyo. Saka ko na lamang sasabihin sa inyo ang lahat.

Tumakbo palayo si elias.

IBARRA: Sandali—Ano’ng nangyari sa taong ito?

TAUHAN: Muntik na kayong patayin ng taong iyan!

GOBERNADOR: Ngunit siya rin ang nabiktima sa masama niyang balak.

IBARRA: Kung gano’n, ako na lamang ang magpapalibing sa kanya.

TAUHAN: Paumanhin Señor Ibarra, ngunit hindi ba’t pinagtangkaan niya ang inyong buhay?

IBARRA: Oo nga, ngunit...siya ang nasawi. Ano pa bang parusa ang dapat niyang matanggap? Pinapatawad ko na siya.

KABABAIHAN: Ang bait-bait talaga niya. Mabuhay ka, Crisostomo Ibarra!

End of Scene.

SCENE 10 Ang Pananghalian

Sa isang malaking hapag, nananghali sina Crisostomo, Maria Clara at ang ibang mga panauhin. Biglang dumating si Padre Damaso at binati siya ng lahat maliban kay Ibarra.

IBARRA: Mahal ko, nagustuhan mo ba ang pagkakagawa ng itinayo kong paaralan?

MARIA CLARA: Siyempre naman, mahal ko.

Sa kabilang bahagi ng hapagkainan nagdadabog ang galit na kura.

DAMASO: Hindi man lamang niya ko binati sa aking pagdating?! Talagang tumaas na ang tingin niya sa kangyang sarili! Nakapunta lamang siya sa Europa, aba’y akalain mong sino kung umasta!

MARIA CLARA: ‘Wag mo na lamang pansinin ang kanyang sinasabi, mahal ko.

IBARRA: Kung alam mo lamang kung ganoo ako nagtitimpi sa kurang iyan.

DAMASO: Katulad lamang siya ng kayang ama! Akalain mong isang desente ngunit hindi rin marunong gumalang sa batas ng simbahan…

IBARRA: Patawarin mo ako Maria Clara, pero hindi ko na ito matitiis pa!

DAMASO: ...tama lamang na siya’y pinarusahan na mamatay sa kulungan at--

Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni Ibarra na hawak-hawak ang isang patalim.

IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit ‘wag na ‘wag ninyong babastusin ang alaala ng aking ama!

KABABAIHAN: Maghunos-dili ka Ibarra. Alagad ng Diyos ang kinakalaban mo.

IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano n’yo nasabing siya’y alagad ng Diyos? Ang taong ito ang naghatid sa aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At ngayon, nagawa pa niyang bastusin ang alala nito. Ganito ba ang gawain ng isang alagad ng Diyos?

MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusap…alang-alang man lamang sa akin, ‘wag mong saktan si Padre Damaso.

Binitawan ni Ibarra ang takot na si Padre Damaso.

IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka nakita n’yo na kung may dugo ba talagang dumadalo’y sa mga ugat ng taong iyan!

Lumisan si Ibarra at iniwan ang umiiyak na si Maria Clara.

End of Scene.

SCENE 11 Si Donya Consolacion at Sisa

Narininig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipanatawag niya ito sa mga guardia civil.

CONSOLACION: Mga guardia civil!

GUARDIA CIVIL: Bakit po Señora?

CONSOLACION: Sino iyang kumakanta?

GUARDIA CIVIL: Siya po, ang baliw.

CONSOLACION: Dalhin n’yo siya rito.

GUARDIA CIVIL: Masusunod po, Señora.

Kinuha ng mga guardia civil ang baliw na si Sisa.

GUARDIA CIVIL: Narito na po siya, Señora.

CONSOLACION: Pakantahin n’yo siya.

GUARDIA CIVIL: Hoy Baliw! Umawit ka! Awit na! Awit na!

At umawit naman si Sisa.

CONSOLACION: Magaling! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis.

GUARDIA CIVIL: Opo, Señora.

Umalis ang mga guardia civil.

CONSOLACION: Hoy Baliw!

SISA: Baliw? Sinong baliw? Ha! Ha! Ha! Baliw!

CONSOLACION: Sumayaw ka!

SISA: Sumayaw?

CONSOLACION: Gayahin mo ako.

Sumayaw ang donya.

SISA: Ha! Ha! Ha! Sumasayaw ang matandang baliw!

CONSOLACION: Hoy! Hindi ako ang baliw! Ikaw!

SISA: Ako? Ako ang baliw? Ha! Ha! Ha! Ako ang baliw!

CONSOLACION: Oo. Ikaw nga! At inuutusan kitang sumayaw!

SISA: Ayoko. Ayokong sumayaw! Baliw lang ang sumasayaw. Ha! Ha! Ha!

Pinalo ni Donya Consolacion si Sisa gamit ang isang latigo.

CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw!

SISA: Aray!

Biglang dumating ang Alperes at inawat ang donya.

ALPERES: Consolacion! Ano ba itong ginagawa mo?!

CONSOLACION: Bitiwan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na ‘yan!

ALPERES: Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano?

SISA: Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha!

ALPERES: Mga Guardia Civil! Bihisan n’yo at gamutin ang babaeng ito. Bukas ay ihatid n’yo siya sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.

End of Scene.

SCENE 12 Si Alfonso Linares

Sa tahanan nila Kapitan Tiyago ay dumating ang mag-asawang de Espadaña kasama ang isang binatang Kastilang nagngangalang Alfonso Linares upang alamin ang kalagayan ng may sakit na si Maria Clara.

TIYAGO: O Doña Victorina, kayo pala. Tuloy kayo.

VICTORINA: Magandang araw, Kapitan Tiyago at Isabel.

TIYAGO: Mukhang may kasama yata kayo—

VICTORINA: Ahh oo--

ALFONSO: Magandang araw po, ako nga po pala si Alfonso Linares.

TIYAGO: Magandang araw rin sa iyo, iho.

TIBURCIO: Kumusta na ang kalagayan ni Maria Clara?

ISABEL: Wala pa rin pong pagbabago, Don Tiburcio.

Nagtungo sila sa silid ni Maria Clara.

TIBURCIO: Iha, kumusta na ang iyong pakiramdam?

MARIA CLARA: Sumasakit pa rin po ang aking ulo, doktor.

ALFONSO: Doña Victorina, siya po ba si Maria Clara?

VICTORINA: Oo, Alfonso.

ALFONSO: Tunay nga po talagang napakaganda niya.

Biglang dumating ang matabang kura na si Padre Damaso.

TIYAGO: Magandang araw po, Padre Damaso.

DAMASO: Nasaan na siya?

TIYAGO: Nagpapahinga po siya sa kanyang silid.

Nagtatakbong tumungo si Padre Damaso.

DAMASO: Maria Clara!

MARIA CLARA: Padre Damaso...salamat po sa pagbisita ninyo.

DAMASO: Labis akong nag-alaala sa iyo, iha. Magpagaling ka kaagad.

MARIA CLARA: Opo.

DAMASO: O sige iha, magpahinga ka muna.

MARIA CLARA: Opo, padre.

Lumabas si Padre Damaso sa silid ni Maria Clara at pumunta sa sala.

VICTORINA: Padre Damaso.

DAMASO: Victorina, sino iyang kasama mo?

VICTORINA: Ang totoo niyan ay kanina ko pa po siya gustong ipakilala sa inyo, padre. Siya po si Alfonso Linares, ang inaanak ng inyong bayaw.

DAMASO: Inaanak ng aking bayaw? Ikaw na nga ba ang inaanak ni Carlicos?

ALFONSO: Opo, ako na nga po, padre.

DAMASO: Ano’ng saya ko’t sa wakas ay nakita na kita, iho.

ALFONSO: Ako rin po, padre. Matagal ko na po kayong gusto makilala.

VICTORINA: Nandirito po siya upang maghanap ng mapapangasawa, padre.

DAMASO: Ng mapapangasawa? Madali lamang iyan...maghintay ka lamang, iho.

End of Scene.

SCENE 13 Ang Dalawang Donya

Naglalakad na magkahawak-kamay ang mag-asawang de Espadaña kasama si Linares hanggang sa napadaan sila sa tahanan ni Doña Consolacion.

CONSOLACION: Pwe! Ano ba naman ‘yan! Ang papangit naman ng dumadaan!

VICTORINA: Hoy! Labandera, kami ba ang pinariringgan mo?!

CONSOLACION: Bakit, nataman ka ba? Ha! Ha! At ano’ng sinabi mo? Labandera? Gusto mo labhan ko ‘yang kulot mong buhok? Baka naman gusto mo plantiyahin ko pa?

VICTORINA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang maganda!

Bumaba si Doña Consolacion hawak-hawak ang latigo ng asawa Tiyempo namang dumatig ang alperes.

CONSOLACION: Ano’ng sabi mo?! Gusto mong magtuos tayo?

VICTORINA: Hindi kita uurungan!

Namagitan si don Tiburcio sa kanilang labanan.

ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata!

VICTORINA: Alperes, pagsabihan mo iyang asawa mong mukhang mangkukulam!

ALPERES: Kung hindi ka lang isang babae—

TIBURCIO: Tayo na Victorina, wala tayong mapapala sa mga iyan.

CONSOLACION: Ang kapal ng mukha mo, pilay na pekeng manggagamot!

Nagtungo ang mag-asawang de Espadaña sa tahanan ni Kapitan Tiyago.

VICTORINA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na alperes na ‘yon?!

TIBRUCIO: Mukha ba akong may laban sa kanya?

VICTORINA: Ikaw Alfonso! Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi ka makakasal kay Maria Clara, at malalaman ng lahat ang tunay mong pagkatao!

End of Scene.

SCENE 14 Ang Pagdakip kay Ibarra

Natungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.

ELIAS: Tao po! Tao po!

IBARRA: Elias!

ELIAS: Señor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na ito.

IBARRA: Ano’ng ibig mong sabihin?

ELIAS: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno nito.

IBARRA: Ngunit sino ang…?

ELIAS: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Señor.

IBARRA: Ano pa ba ang dapat kong gawin?

ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito. Magtungo kayo kahit saan—iyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong mahirap ang basta-basta na lamang umalis sa bayan na ito, ngunit, wala na pong ibang paraan.

IBARRA: Maraming salamat, kaibigan.

Pumunta si Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni Padre Salvi ang dasal. Bigla silang nakarinig ng sunud-sunod na putok. Sumigaw ang Alperes sa labas. Nataranta silang lahat at nagmadaling umuwi si Ibarra at nag-empake. Bigla namang may kumalabog sa pinto.

IBARRA: Sino ‘yan?

SARHENTO: Kami’y mga alagad ng batas!

IBARRA: Bakit po—

SARHENTO: Arestado ka! Sumama ka sa amin!

Mahinahong sumama si Ibarra sa kanila. Bumalik si Elias sa tahanan ni Ibarra at sinunog ito at agad na umalis. Nang dumating na ang guardia civil, sunog na ang buong bahay.

End of Scene.

SCENE 15 Tugisan sa Lawa

Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Pinag-uusapan ng mga panauhin ang balita tungkol sa pagkadakip kay Crisostomo Ibarra, kasabay nito ang balitang ikakasal na si Maria Clara sa kastilang si Alfonso Linares. Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan ang ilog. At makalipas ang ilang sandali nakita niya ang isang bangkang paparating.

MARIA CLARA: Crisostomo…?

IBARRA: Mahal ko...tinulungan ako ni Elias na makatakas.

MARIA CLARA: Patawarin mo ako, mahal ko.

IBARRA: Hindi masama ang loob ko sa’yo. Ako ang patawarin mo...dahil kailangan ko nang lumayo sa’yo...sa lugar na ito...

MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-aalinlangan ka sa akin kapag nalaman mong…

IBARRA: Nalaman kong ano?

MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre Damaso...

IBARRA: Paano—

MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang ang iibigin ko, Crisostomo.

IBARRA: Paalam, Maria Clara...

Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara.

IBARRA: Elias, saan ba tayo tutungo?

ELIAS: Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Señor.

IBARRA: At pagkatapos?

ELIAS: Mamuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa.

IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang magkapatid?

ELIAS: Para saan pa?

IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya at sa lahat ng tulong mo.

ELIAS: May paparating! Magtago kayo gamit ang mga damo.

Sinundan sila at sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil.

ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan?

IBARRA: Oo.

ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sarili…ililigaw ko sila.

IBARRA: ‘Huwag Elias, labanan natin sila—

ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo.

Tumalon si Elias at sa tuwing siya’y lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok. Nabahisan ng kanyang dugo ang ilog.

End of Scene.

SCENE 16 Ang Paliwanag ng Pari

Nakatitig ni Maria Clara sa pahayagang naglathala ng kamatayan ni Crisostomo.

MARIA CLARA: Hindi!!! Hindi ito maaari...mahal ko...

DAMASO: Ano’ng nangyari sa’yo, anak ko?

MARIA CLARA: Masaya na po ba kayo?

DAMASO: Ano’ng ibig mong sabihin—

MARIA CLARA: Wala na siya. Patay na si Crisostomo. Wala na ang taong mahal ko...

DAMASO: Ngunit—

MARIA CLARA: Tanging si Ibarra lang ang mahal ko, walang iba. Hindi ko mahal si Alfonso…at hindi ako magpapakasal sa kanya.

DAMASO: Ngunit—

MARIA CLARA: Kung itutuloy n’yo pa rin ang pagpapakasal sa aming dalawa…magpapakamatay ako!

DAMASO: Patawarin mo ako, iha. Patawarin mo ako…kung nanghimasok ako sa inyo ni Ibarra…sa buhay mo. Patawad, anak ko.

MARIA CLARA: Magmomongha na lamang ako.

DAMASO: Kung iyan ang iyong kagustuhan.

Iniwan ni Maria Clara ang nakaluhod niyang ama.

DAMASO: Diyos ko, ito na ba ang parusa sa lahat ng aking nagawang kasalanan?

End of Scene.

SCENE 17 Noche Buena

Nagkitang muli sina Basilio at Sisa.

BASILIO: Inay!

SISA: Sino ka?

BASILIO: Inay, si Basilio po, ang anak n’yo!

SISA: Ha! Ha! Ha! Anak? Hindi kita anak…hindi kita kilala.

Pumasok si Sisa sa libingan ng matandang kastila.

BASILIO: Inay, ‘wag po kayong matakot sa akin. Inay!

SISA: Basilio?

BASILIO: Opo inay, ako nga po.

SISA: Anak ko—

Biglang nawalan ng malay si Sisa.

BASILIO: Inay! Inay! Bakit n’yo po ako iniwan, Inay. Inay!

ELIAS: Iho…

BASILIO: Sino po kayo?

ELIAS: Ano’ng gusto mong gawin sa inay mo?

BASILIO: Gusto ko po siyang ilibing sa sementeryo...ngunit wala po akong pera.

ELIAS:Kumuha ka na lamang ng panggatong. Malapit na rin ang kamatayan ko, iho. At sa sandaling mangyari iyon, sunugin mo ang aming mga katawan hanggang sa maging abo. Pagkatapos, maghukay ka at may makikita kang kayamanan, gamitin mo ito sa iyong kinabukasan. Naiintindihan mo ba?

BASILIO: Opo, ginoo.

ELIAS: Mamamatay akong…hindi masisilayan…ang pagsikat ng araw...sa aking bayan.

Tumingala si Elias sa langit at nawalan na ng buhay...

End of Scene.