Tiwala
Rejeline Rose V. Peraja
Sa isang pagmamahalan, mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala. Sa aking paniniwala, hindi sapat ang pag ibig lamang upang tumagal ang isang samahan. Kinakailangan din ang matindaing tiwala sa isa't isa. Kung wala nito, magiging mabuway lamang ang isang relasyon. Batay sa aking karanasan sa aking mga kaibigan, ito ang malimit maging dahilan ng paghihiwalay nila ng kanilang kasintahan. Sinasabi nila na marami silang naririnig na mga kwentong barbero na ang kanilang kasintahan ay mayroon pang ibang karelasyon maliban sa kanila. Dahilan dito, agad silang naghihiwalay dahil sa sila ay nasaktan. Hindi ba't mas maganda kung may tiwala sa isa't isa? Kung meron nito, walang dahilan upang makinig tayo sa mga balita na kadalasan ay wala namang katuturan. Dagdag pa dito ay masisira ang relasyon ng dalawang nagmamahalan. Bilang kabataan, naranasan ko na rin ang magkaroon ng relasyon. Masaya oo, ngunit kadalasan ay hindi rin nagtatagal. Marahil ay dala narin siguro ng murang kaisipan. Ngunit ngayon, masasabi ko na masaya ako sa daloy ng relasyon namin ng aking kasintahan dahil naroon ang lubos na pagmamahalan at sapat na tiwala sa isa't isa. Naging basehan ko na tiwala ang susi sa matagumpay na samahan dahil na rin sa uri ng kanyang trabaho dahil madalas kaming magkalayo. Masasabi kong mahirap dahil makararamdam ka ng matinding pangungulila ngunit sa kaisipang siya ay magbabalik din, nagkakaroon ako ng galak sa aking puso. Dahil dito ay naging maayos at masaya ang aming relasyon. Ang kailangan lamang ay pag ingatan ang tiwala upang hindi ito masira.
http://bsoa1b.blogspot.com/
Tiwala, anim na letra ngunit napakahiwaga. Oo, sa lahat ng bagay kinakailangan natin ang tiwala na ito sapagkat importante ito sa pagkakaroon ng matibay na samahan ng mag-asawa, magkakaibigan, pamilya at isama na rin ang mag-syota. Ang tiwalang ito ang nagbibigay pundasyon sa lahat. Ang pagsasama o pagkakaroon ng matibay na samahan o ang pagbuo ng samahan ay parang isang itatayo na bahay. Kinakailangan muna ng tiwala bago ito mas tumibay at tumagal. Sa tingin ba natin, kung walang tiwala sa isang magkakaibigan, tatagal kaya ito? Hindi kasi wala kang tiwala sa bawat isa. Sa mag-asawa, dapat may tiwala din dahil nangako ka na ikaw ang magiging asawa niya, ibig-sabihin sa araw araw na magkakasama kayo, nagtitiwala ka lagi sa kanya ano man at saan man sya pumunta. Katulad din ito sa magkasintahan, sinagot mo sya para magtiwala ka na ikaw lang at wala ng iba. Kung masira ang tiwala na ito, mahirap na ibalik at maaaring hindi na maibalk. Kaya dapat ang pinakaiingatan dapat sa mga relasyon sa kapwa ay hindi kung ano, kundi ang tiwala na susi sa maganda at matagal na relasyon.
TumugonBurahinreally?? gusto ko din na gawaan nyo po ako ng talumpati yong tungkol sa " Ipinagbabawal na Pag-ibig" :D pleasse po. I need it ASAP!!!!!! thanks :)
TumugonBurahinGusto ko po yung talumpati about sa pagpaparaya
TumugonBurahinmeron po ba na talumpati tungkol sa tiwala sa pagitan ng anak at magulang?
TumugonBurahinGanda po ng inyong talumpati
TumugonBurahinPwede ko po bah itong kuhanan ng idea?