Huwebes, Setyembre 27, 2012

Kaibigan

Kaibigan
Maribel O.Pancho

Mahalaga pa ba ang magkaroon ng kaibigan?

Isang mahalagang bagay sakin ang magkaroon ng isang kaibigan. Pinahahalagahan ko ang bawat oras na magkakasama kaming lahat sa mabuti man o masama.

Napapasaya ko ang bawat isa na kahit alam kong mayroon silang tinatagong lungkot sa kanilang mga damdamin. Hindi ka nila pababayaan kahit na maraming pagsubok ang iyong hinaharap,nandyan sila upang ako'y damayan. Sa kabila man ng mga pagsubok nito, nakikita ko na hindi nila ako iniwan. Sadyang kay hirap humanap ng masasandalan ng problema, yung matatawag mong "TUNAY NA KAIBIGAN".

Marami ngayon sa kabataan ang problemado sa pag-aaral,pamilya at pera. Nangangailangan sila ng mabuting kaibigan na kaya kang dalhin sa magandang gawa, para damayan sa lahat ng oras at suportahan sa lahat ng bagay. Sana nandyan pa rin sila sa kasiyahan, kalungkutan, iyakan at kahirapan man patuloy na nagmamahal sa mga pinagsamahan.

Salamat aking KAIBIGAN!



http://bsoa1b.blogspot.com/

3 komento:

  1. I LIKE IT... please do make a better talumpati.. thank you

    TumugonBurahin
  2. Magandang talumpating nagpapatunay bilang isang tunay na kaibigan..

    TumugonBurahin
  3. PWDE KO PO BANG GAMITIN ANG TALUMPATI NYO?? SALAMT PO

    TumugonBurahin