Isang Alaala ng Aking Bayan
Tula ni Jose
Rizal
Nagugunita
ko ang nagdaang araw
ng
kamusmusang kong kay sayang pumanaw
sa gilid ng
isang baybaying luntian
ng
rumaragasang agos ng dagatan;
Kung
alalahanin ang damping marahan
halik sa noo
ko ng hanging magaslaw
ito'y
naglalagos sa 'king katauhan
lalong
sumisigla't nagbabagong buhay
Kung aking
masdan ang liryong busilak
animo'y
nagduruyan sa hanging marahas
habang sa
buhangin dito'y nakalatag
ang lubhang
maalon, mapusok na dagat
Kung aking
samyuin sa mga bulaklak
kabanguhan
nito ay ikinakalat
ang bukang
liwayway na nanganganinag
masayang
bumabati, may ngiti sa lahat.
Naalaala
kong may kasamang lumbay
ang
kamusmusan ko nang nagdaang araw
Kasama-sama
ko'y inang mapagmahal
siyang
nagpapaganda sa aba kong buhay.
Naalaala
kong lubhang mapanglaw
bayan kong
Kalambang aking sinilangan
sa
dalampasigan ng dagat-dagatan
sadlakan ng
aking saya't kaaliwan
Di miminsang
tumikim ng galak
sa
tabing-ilog mong lubhang mapanatag
Mababakas pa
rin yaong mga yapak
na
nag-uunahan sa 'yong mga gubat
sa iyong
kapilya'y sa ganda ay salat
ang mga
dasal ko'y laging nag-aalab
habang ako
nama'y maligayang ganap
bisa ng
hanging mo ay walang katulad.
Ang
kagubatan mong kahanga-hanga
Nababanaag
ko'y Kamay ng Lumikha
sa iyong
himlayan ay wala nang luha
wala nang
daranas ni munting balisa
ang bughaw
mong langit na tinitingala
dala ang
pag-ibig sa puso at diwa
buong
kalikasa'y titik na mistula
aking
nasisinag pangarap kong tuwa.
Ang
kamusmusan ko sa bayan kong giliw
dito'y
masagana ang saya ko't aliw
ng
naggagandahang tugtog at awitin
siyang
nagtataboy ng luha't hilahil
Hayo na,
bumalik ka't muli mong dalawin
ang katauhan
ko'y dagling pagsamahin
tulad ng
pagbalik ng ibon sa hardin
sa
pananagana ng bukong nagbitin.
Paalam sa
iyo, ako'y magpupuyat
ako'y
magbabantay, walang paghuhumpay
ang
kabutihan mo na sa aking pangarap
Nawa'y
daluyan ka ng biyaya't lingap
ng dakilang
Diwa ng maamong palad;
tanging ikaw
lamang panatang maalab
pagdarasal
kita sa lahat ng oras
na ikaw ay
laging manatiling tapat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento