Ang Ligpit Kong Tahanan
Tula ni Jose
Rizal
Sa tabi ng
dagat na humahalik pa sa tiping buhangin,
Malapit sa
paa ng bundok na pelus kung pagmamalasin,
Ang munti
kong kubo'y doon itinirik, sa saganang lilim
Ng mga
halamang nakikipaglaro sa ihip ng hangin.
Aking
dinudulang sa katabing gubat na masalimisim
Ang
katiwasayang panlunas sa hapong isip ko't damdamin.
Ang atip ng
bubong ay hamak na pawid, sahig ay kawayan,
Magaspang na
kahoy ang mga haligi, pingga at tahilan,
Sa kubo kong
ito ay walang bahangin may kahalagahan,
Lalong
mabuti pa ang doon humilig sa lunting damuhan
Na abot ng
bulong at awit ng dagat sa dalampasigan.
Doon ay may
batis na umaawit pa habang naglalagos
Sa mga
batuhan, magmula sa gubat sa may dakong likod;
Batis ay
nagsanga sa tulong ng isang magaspang na tungkod,
kung gabing
tahimik ay may bulong siyang nakapag-aantok,
At kung araw
naman, ang langit ay parang ibig na maabot.
Kung ang
kalangita'y payapang-payapa, agos ay banayad,
Panay ang
taginting ng kanyang gitarang hindi namamalas,
Pagbagsak ng
ulan, ang tulin ng agos ay walang katulad,
Humahagunot
pa sa nangaghambalang na batong malapad,
Sa di
mapipigil na kanyang pagtakbong patungo sa dagat.
Palahaw ng
aso at awit ng ibon, at sigaw ng kalaw,
Ang ingay na
tanging siyang bumabasag sa katahimikan;
Doo'y di
kilala ang tinig ng taong palalo't mayabang
Na
susunu-sunod sa nasang guluhin ang aking isipan;
Ako'y
naliligid ng katabing dagat at ng gubat lamang.
Ang dagat,
ah, ito ay siya ngang lahat kung para sa akin,
Kung
dumadaluhong mula sa di tanaw na mga pampangin,
Sa akin, ang
kanyang ngiti kung pananalig ko'y parang
nagmamaliw,
At kung
dapit-hapong ang pananalig ko'y parang nagmamaliw,
Siya ay may
bulong na inihahatid sa akin ng hangin.
Pagdating ng
gabi, dakilang palabas ng kahiwagaan,
Malaking
liwanag ng mumunting kislap na hindi mabilang
Ang doon sa
langit ay nakalaganap sa kaitaasan;
Habang
dinadalit niyong mga alon ang saklap ng buhay,
Dalit na
malabo pagka't nilulunod ang sariling ingay.
Isinasalaysay
ang ayos ng mundo nang unang sumikat
Ang araw sa
langit, at sila'y laruin ng kanyang liwanag;
Nang mula sa
wala'y dami ng kinapal ang biglang kumalat
Sa
kailaliman, at sa kapatagan, magpahanggang gubat,
Sa lahat ng
dako na abot ng halik ng mayamang sinag.
Nguni't kung
sa gabi'y magising ang hanging malikot, mailap,
At ang mga
alon, sa galit na dala'y susugod, lulundag,
Mayrong mga
siagaw na sa aking puso'y nagbibigay-sindak
Mga tinig
waring nagsisipagdasal, o nag sisiiyak,
Nagsisipanaghoy
sa kailalimang kadilima'y ganap.
At saka
uugong ang marahang taghoy na mula sa bundok,
Mga
punungkahoy at ang mga damo'y nagsisipangatog,
Pati mga
pastol ay nababalisa't pawang mga takot,
Sapagka't,
anila, ang mga kalulwa'y noon sumisipot
At
nag-aanyayang sa kanilang handa sila ay dumulog.
Gabi'y
bumubulong sa gitna ng sindak at pagkaligalig,
At sa dagat
nama'y bughaw't lunting apoy ang pasilip-silip;
Pag ngiti ng
araw'y payapa na naman ang buong paligid,
At mula sa
laot, yaong mangingisda ay napagigilid,
Sugod na ang
lunday at ang mga alon ay nananahimik.
Ganyan ang
buhay ko sa aking payapa't ligpit na tahanan;
Sa mundong
nang dati ay kilala ako, ako'y pinapanaw,
Nasapit kong
palad, sa ngayon ay aking binubulay-bulay;
Isang bato
akong binalot ng lumot upanding matakpan
Sa mata ng
mundo ang mga damdaming sa puso ay taglay.
Dahil sa
naiwang mga minamahal, ako'y nangangamba,
Mga ngalan
nila'y di ko nalilimot sa laot ng sigwa;
May
nangagsilayo at mayroon namang nangagsipanaw na;
Nguni't sa
lumipas kong hindi mapapaknit kahit agawin pa.
Kaibigan
iyang sa lahat ng oras ay aking kapiling
Sa gitna ng
lumbay ay nagpapasigla sa diwa't damdamin;
Sa gabing
tahimik, siya'y nagtatanod at nananalangin,
Kasama-sama
ko sa pagkakatapong malungkot isipan,
Upang kung
manlaming ang pananalig ko ay papag-alabin.
Yaong
pananalig na ibig ko sanang makitang kumislap
Sa dakilang
araw ng pangingibabaw ng Isip sa lakas;
Kung
makalipas na itong kamataya't labanang marahas,
Ay may ibang
tinig, na lalong masigla at puspos ng galak,
Na siyang
aawit ng pananangumpay ng matwid, sa lahat.
Aking
natatanaw na namumula na ang magandang langit,
Gaya noong
aking bukuin sa hagap ang una kong nais;
Aking
nadarama ang dati ring hangin sa noong may pawis,
Nararamdam
ko ang dati ring apoy na nagpapainit
Sa
tinataglay kong dugong kabataang magulo ang isip.
Ang
nilalanghap kong mga simoy dito'y nagdaan marahil
Sa mga
ilugan at sa mga bukid niyong bayan namin;
Sa pagbalik
nila ay kanila sanang ihatid sa akin
Ang
buntong-hininga ng minamahal kong malayo sa piling,
Pahatid na
mula sa pinagsanglaan ng unang paggiliw.
Kung aking
mamasdan sa abuhing langit ang buwang marilag.
Nararamdaman
kong ang sugat ng puso'y muling nagnanaknak;
Naaalaala
ang sumpaan naming kami'y magtatapat,
Ang dalampasigan,
ang bukid at saka arkong may bulaklak,
Ang
buntong-hininga, ang pananahimik at ang piping galak.
Isang
paruparong hanap ay bulaklak at saka liwanag,
Malalayong
bayan ang lagi nang laman ng kanyang pangarap;
Musmos na
musmos pa, tahana'y nilisa't ako ay lumayang,
Upang
maglimayon, na ang diwa'y laya at walang bagabag - -
Ganyan ko
ginugol ang mga pili kong panahon at oras.
At nang
mapilitang ako ay bumalik sa dating tahanan,
Kagaya ng
isang ibong nanghina na sa kapanahunan,
May nag
bagong sigwang malakas, mabangis na parang
halimaw;
Ang mga
pakpak ko'y nagkabali-bali't tahana'y pumanaw,
Ang aking
tiwala'y ipinagkanulo't lahat na'y nagunaw.
Sa
pagkakatapong malayo sa bayang pinakaiibig,
Ang
hinaharap ko'y madilim na lubha't walang tatangkilik:
Pamuli na
namang susungaw ang aking mga panaginip,
Tanging
kayamanan ng kabuhayan kong sagana sa hapis;
Mga
pananalig niyong kabataang matapat, malinis.
Dapwa't kung
ikaw ma'y umaasa ngayong iyong makakamtan
Yaong
gantimpalang hindi magmamaliw magpakailan man,
Hindi ka na
paris ng dating magilas at buhay na buhay;
Sa hapis
mong mukha'y may bakas na hindi mapagkakamalan
Yaong
pananalig na dapat mahalin at ipagsanggalang.
At upang
aliwin, handog mo sa aki'y mga panaginip,
Nagsaang
panahon ng kabataan ko'y ipinasisilip;
Kaya nga
salamat, O sigwang biyaya sa akin ng langit,
Alam mo ang
oras na takdang pagpigil sa gala kong isip,
Upang ibalik
mo sa pinanggalingang lupang iniibig.
Sa tabi ng
dagat na humahalik pa sa tiping buhangin,
Malapit sa
paa ng bundok na pelus kung pagmamalasin,
Aking
nasumpungan ang isang tahanang sagana sa lilim,
Aking
natuklasan sa katabing gubat na masalimsim
Ang
katiwasayang panlunas sa hapong isip ko't damdamin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento