Kundiman
Tula ni Jose
Rizal
Tunay
ngayong umid yaring dila't puso
Sinta'y
umiilag, tuwa'y lumalayo,
Bayan
palibhasa'y lupig at sumuko
Sa
kapabayaan ng nagturong puno.
Datapuwa't
muling sisikat ang araw,
Pilit
maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik
mandin at muling iiral
Ang ngalang
Tagalog sa sandaigdigan.
Ibubuhos
namin ang dugo't babaha
Matubos nga
lamang ang sa amang lupa
Habang di
ninilang panahong tadhana,
Sinta'y
tatahimik, iidlip ang nasa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento