Ang Buwan ng Wikang Pambansa ay Buwan ng mga Wika sa Pilipinas
ni Jannie I. Cariola
Itinadhana ang karangalan ng mga Pilipino
Ipinaglaban at itinatag ng ating mga ninuno
Mula sa kasaysayan ay di na nabura
Ang pagmamahal at pagpapahalaga sa 'ting wika.
Tila'y isang simbolo ng kalayaan
Ang paggamit ng wikang kinalakihan
Ito'y susi sa ating pagkakaintindihan
Walang sinuma'y makakakuha kailanman
Sa puso't isipan ng isang Pilipinong dakila
Naroon ang apoy ng buhay ng wika
Sa dami ng dayuhang sumakop sa atin
Walang nagtagumpay sa pagpuksa sa wikang sa atin
Buong buhay natin magagamit
Wikang kailanma'y hindi pinagkait
Sagisag ng mga Pilipino ang mga wika sa 'ting bansa
Na siyang likas na yaman at patunay sa ating paglaya
Ang Buwan ng pagdiriwang ng Wikang Pambansa
Ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa pagtangkilik ng ating mga wika
Iba't iba man ang wikang ating ginamit
Iisa lamang ang puso't damdamin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento