Wikang Pambansa, Wikang Panlahat
ni Gerlie L. Palmenco
Luzon, Visayas, pati na sa Mindanao
Tuwing Agosto'y sabay-sabay humihiyaw
Grupong etniko sa 'Pinas nagkakaisa
Pinagyayaman pang lalo ang wika nila.
Ilokano, Bisaya, maging ang Tausug
Sa wikang-ginto, Pilipinas ay busog.
Chavacano, Cebuano, Ilonggo't marami pa
Pagsaluha't mahalin, bigay ng Dakilang Lumikha.
Iba't ibang salita man ang banggit
Sa puso't kaluluwa'y iisa lang ang gamit
Buong pagmamahal itong ipagpunyagi
Kayamanan ng buhay, dugo, at lahi.
Mayamang kultura, kanyang sinasalamin
Makulay na tradisyon, ipinamamahagi din
Wikang Pambansa ay Wikang Panlahat
Gamitin ng tama't paglingkurang tapat.
Sagisag ng kalayaan, sandigan ng katapatan
Wikang Pilipinong noo'y ating ipinaglaban
Nawa'y ingatan at laging alagaan
Lubos na mahalin, kailanma'y huwag pabayaan.
So good so cool so adorable memorable
TumugonBurahinGinamit namning pangtula kayganda naman't kayganda din yata nung gumawa;)
TumugonBurahinTatak Pilipino
TumugonBurahin