Anakpawis
Isang tao, munting taong kaharia’y nasa bukid,
May maliit na bakurang abot-tanaw ng silahis;
Nagtatanod – isang kubong kabahaya’y tila langit;
Ang libangan, halamanang sa looba’y nagtatalik;
Sa maghapon, ang kawaksi’y ang sariling mga bisig…
Munting tao, hamak lamang – iyan ako, anakpawis.
Sa kalapit na kaingin, diyan ako nagsusuyod,
Isang kawal ng paggawang nakangiti kung mapagod;
Ang ararong aking ugit, paduhapang kung humagod,
Habang yaong kalabaw ko’y hinahabol sa pag-isod;
Diyan unang nadama kong ako’y anak sa pag-irog –
Sa pag-ibig ako’y pusong nalalaang pabusabos!
Sa may hulo ng bukirin, naroon ang isang sapa,
Pakiwal pang gumigilid sa pilapil na mahaba;
Doon ako nagsasakag ng pang-ulam na sagana,
Biya, hipon, hito’t dalag na sa putik ay naggala;
Bawat isdang mahuli ko ay parakip ng Bathala,
Kung tuhugin sa pagsuyo’y pumapalag na biyaya!
Sa duluhan, nar’on naman ang tumanang nakalatagl;
Ang pakwan, nakagapang, at ang milon, nakausad;
Kalabasa’y nanulay pa sa talusok na nagkalat
Sa alalay ng masamyo at mahinhing hanging-gubat;
Diyan ako pinagpala’t nagging ganap na mapalad,
Diyan kami nagsumpaan sa lilim ng isang balag!
At sa tabon – hayan lamang… hindi lubhang kalayuan,
Kung tanawin sa dampa ko: taas pantay-noo lamang;
Diyan unang iniyupyop ang mukha ng Inang Bayan,
Nang yurakan sa pahirap ng malupit na dayuhan;
Diyan manding tinanggap ko ang halik ng aking hirang
Nang itindig ko ang punit na bandilang aking tangan!
Isang tao, munting taong kaharia’y nasa bukid,
Ang maliit na bakura’y abot-tanaw ng silahis;
Kayamanan, isang kubong napupuspos ng pag-ibig;
Ang sagisag, isang tabak ni Solimang nagngangalit;
Maghapunan, sa katawan, dugong buhay ang natigis…
Munting tao, kung hamak man – yan ako, anakpawis!
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinSino po ba yung author ng deklamasyon na ito?
TumugonBurahingood day po,, pwd po mahiram ang deklamasyon na ito? salamat po,,
TumugonBurahinMagandang araw po sa inyo. Sino po ang author ng deklamasyong ito? Pwede ko po bang hiramin ang Deklamasyong ito? Para lang po sa presentasyon namin sa aming asignaturang Filipino.
TumugonBurahinGood day po.sino ho ang author sa deklamasyon na Ito?.pwede po bang hiramin ang piyesa para sa presentasyon sa asignaturang Filipino?
TumugonBurahinGood day po sino pp author nito pwede ko po bang hiramin ang piyesa na ito para po sa isang presentasyon sa aming classroom....Maraming Salamat Po
TumugonBurahinang ganda!
TumugonBurahin🙃
TumugonBurahinmagandang umaga sa lahat. Maari po bang mkahingi ng piyesa ng deklamasyon (dialogue)
TumugonBurahinPuwede po bang mahiram ang inyong deklamasyon? For school purposes lamang po. Maraming salamat 💕
TumugonBurahinsino pong author para gamitin po sa ank ko ang piece nyo
TumugonBurahin