Ang Uhaw na Uwak
May isang uhaw na uhaw ha Uwak na gustong uminom sa isang
pitsel na naiwan sa mesa. Makipot lamang ang bunganga ng pitsel kaya hindi
maipasok ng Uwak ang ulo upang sipsipin ng tuka ang tubig. Hirap na hirap
abutin ng Uwak ang kaunting tubig sa malalim na sisidlan. Kahit na anong pilit
ay hindi mabawasan ang sobrang pagkauhaw ng ibon.
Tumingala siya at luminga-linga sa paligid. Alam niyang may
kasagutan sa alinmang problemang kinakaharap natin. Tama siya! Sa isang iglap
ay naisip niya ang tanging kasagutan. Lumipad siya sa labas at tumuka ng isang
munting bato na inihulog sa loob ng pitsel. Nagpabalik-balik siya sa paglalagay
ng mumunting bato hanggang sa umabot ang tubig sa makitid na bunganga ng
pitsel. Nakainom ang Uwak at natugunan ang pagkauhaw niya sa isang iglap
lamang.
Aral: Ang bawat
suliranin ay madaling sagutin kung ating iisipin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento