Ibong Adarna
Bea Bernardo Jose
Scene I
(Palacio ni Haring Fernando)
Manggamot: Hindi namin
masabi kung ano ang kanyang naging karamdaman.
(Biglang may dumating na
ermitanyo.)
Ermitanyo: Ang tanging
makakapagalaing sa kanya ay ang pagawit ng Ibong Adarna na mahahanap sa puno ng
Piedras Platas sa bundok Tabor.
Don Pedro: Ako ang
huhuli sa Ibong Adarna.
Scene II
(Bundok Tabor)
(Naglalakbay si Don
Pedro kasama ang kanyang kabayo.)
Don Pedro: Sa wakas at
natagpuan ko na ang puno ng Piedras Platas.
(Nakatulog
si Don Pedro sa pagawit ng Ibong Adarna)
(Nataihan ng Ibong
Adarna si Don Pedro at naging bato siya)
***
(Sa Palacio)
Don Diego: Ilang buwan
na ang nakakalipas ngunit hindi pa bumabalik ang aking kapatid na si Don Pedro.
Don Diego: Ako ang
huhuli sa Ibong Adarna para gumaling na ang aking ama.
(Naglalakbay si Don
Pedro kasama ang kanyang kabayo.)
Don Diego: Sa wakas at
natagpuan ko na ang puno ng Piedras Platas.
(Nakatulog
si Don Diego sa pagawit ng Ibong Adarna)
(Nataihan ng Ibong
Adarna si Don Pedro at naging bato siya)
***
(Sa Palacio)
Don Juan: Ilang taon na
ang nakakalipas ng umalis ang aking mga kapatid ngunit kahit anino nil ay
walang dumating.
Don Juan: Ako ang huhuli
sa Ibong Adarna.
Reyna Valeriana: Hindi
pwede Juan. Kaya nagkasakit ang iyong ama dahil nagaalala siya sayo.
Rayna Valeriana:
Napaginipan kasi niya na mayroon daw nagtaksil sayo at itinapon ka sa isang
balon.
Don Juan: Magiging
maayos lang ako. Hindi niyo kailangan mag alala magiingat ako.
(Naglakbay si Don Juan
ngunit walang dalang kabayo)
Scene III
(Paglalakbay ni Don Juan sa Gubat)
Ketongin: Iho, pwede
bang makahingi kahit kaunting pagkain lang.
Don Juan: Ito po.
Ketongin: Salamat.
(Paalis na ang ketongin)
Don Juan: Sindali lang
po, alam niyo po ba kung paano huhulihin ang Ibong Adarna?
Ketongin: Mayroon isang
maliit na bahay malapit sa bundok, kung saan nakatira ang isang ermitanyo.
Ketongin: Siya ang
magbibigay sayo ng kaalaman kung paano
mo mahuhi ang ibon. At huwag na huwag kang matutulog sa isang magandang puno
doon.
Don Juan: Maraming
salamat po.
Scene IV
(Sa bahay ng Ermitanyo)
(Kumatok si Don Juan)
Ermitanyo: Pumasok sa
iho. Kumain ka muna.
(Iaalok ng ermitanyo ang
tinapay na binigay ni Don Juan sa ketongin, Nagtaka si Don Juan)
Don Juan: Paano kop o ba
mahuhuli ang Ibong Adarna
(Inabot ng ermitanyo ang
isang dayap, matalim na labaha, at gintong sintas.)
Ermitanyo: Tuwing
kakanta ang Ibong Adarna, kailangan sugatan mo sugatan ang iyong katawan at
patakan ng katas ng dayap ang sugat upang hindi ka makatulog. Kailangan mo ding
umiwas kung ang ibon ay umipot pagkatapos umawit ng pitong awit. At kapag
nahuli mo na ang Ibong Adarna, dapat talian mo ito ng gintong sintas.
Don Juan: Salamat po.
(Umalis si Don Juan.)
Scene V
(Pagkahuli sa Ibon)
(Sinunod ni Don Juan ang
utos ng ermitanyo.)
Don Juan: Kailangan kong
bumalik sa bahay ng ermitanyo
(Bumalik sa bahay ng ermitanyo.)
(Kinulong ang Ibon)
Don Juan: Paano kop o
maililigtas ang aking mga kapatid?
Ermitanyo: Buhusan mo
sila ng mahiwagang tubig.
(Nagbigay ang ermitanyo
ng tubig sa bote)
Scene VI
(Niligtas ang mga kapatid)
(Binuhusan ng mahiwagang
tubig ang mga kapatid)
Don Pedro at Don Diego:
Salamat Juan at niligtas mo kami.
Don Juan: Halika at
maglakbay na tayo pabalik ng Berbanya.
(Pagsapit ng Gabi)
Don Juan: Magpahinga
muna tayo dito.
(Natulog na si Don Juan)
Don Pedro: Hindi pwedeng
makuha nanaman ni Juan ang karangalan. Lagi na lang siya ang magaling. May
plano ako para tayo naman ang mapansin ng hari.
(binulong si Don Pedro
ang kanyang plano kay Don Diego)
Scene VII
(Pagtataksil)
(Binogbog nila si Don
Juan hangang mawalan ito ng malay)
Don Pedro: Kunin mo na
ang ibon at umalis na tayo dito.
(Pagkadating sa
berbanya)
Don Pedro: Nakuha ko na
ang Ibong Adarna.
Reyna Valeriana: Buti na
lang nakabalik na kayo. Asan si Don Juan?
Don Pedro: Hindi po
naming siya nakita.
(Dinala ang ibon sa hari
ngunit hindi ito kumanta)
Scene VIII
(Si Don Juan)
Matanda: Naku! Iho,anong
nangyari sayo. Sumama ka sa akin at gagamutin kita.
Don Juan: Salamat po.
Matanda: Walang ano man.
Scene IX
(Bumalik si Don Juan sa Berbanya)
Reyna Valeriana: Juan!
Salamat naman at nakauwi ka na.
(Yakap)
(kumanta na ang ibon)
(Bigla itong nagpalit ng
anyo at sinabi kung ano ang nangyari kay Don Juan)
Ibong Adarna: Binugbog
nila si Don Juan para sila ang makakuha sa akin at sa karangalan.
Haring Fernando: Dapat
kayong parusahan.
Don Juan: Huwag na po
ama. (nagmamakaawa)
Scene X
(Nakalaya ang Ibong Adarna)
Don Juan: (Hikab)
(Nakatulog si Don Juan
sa kakabantay sa Ibong Adarna)
(Pinakawalan ito ng
kanyang mga kapatid at ito ay nakawala)
Don Juan: Naku!
Kailangan kong umalis at baka ako pa ang pagkamalang nagpakawala sa Ibong
Adarna.
Scene XI
(Paghahanap kay Don Juan)
Haring Fernando:
Nawawala ang inyong kapatid na si Juan. Kailangan niyo siya hanapin.
Magkapatid: Opo, Ama.
(Naghanap na ang dalawa)
Don Diego: Mabuti naman
at nahanap ka na namin.
Don Pedro: Bumalik na
tayo sa Berbanya.
Scene XII
(Ang Balon)
Don Pedro: Ano kaya ang
nasa balong iyon.
(Bumaba si Don Pedro,
natakot at umakyat pabalik)
Don Diego: Ako naman ang
susubok
(Bumaba si Don Diego,
natakot at umakyat pabalik)
Don Diego: Napakalalim
naman ng balong iyan
(Bumaba si Don Juan)
Don Juan: Ang ganda
naman dito. Sindali ano yun.
(Dona Leonora
binabantayan ng Serpyenteng may pitong ulo.)
Don Juan: Kailangan ko
siyang iligtas
Scene XIII
(Dona Juana)
Dona Leonora: Salamat sa
pag sagip mo sa akin pwede mo rin bang tulungan ang akingkapatid nasi Juana.
Bihag siya ng isang higante.
(Tinulungan ito ni Don
Juan)
Dona Juana: Salamat sa
pagligtas mo sa aming dalawa.
(Umakyat na sila)
Scene XIV
(Singsing)
Dona Leonora: Naku!
Naiwan ko ang aking singsing.
Don Juan: Ako na ang
kukuha
(Bumaba ulit si Don Juan
ngunit pinutol ng kanyang mga kapatid ang lubid)
(Nahulog si Don Juan)
Scene XV
(Pagbabalik sa Berbanya)
(Bumalik sa sila sa
Berbanya)
(Nagpakasal si Don Diego
at si Dona Juana)
Don Pedro: Dapat na rin
tayong ikasal Dona Leonora
Dona Leonora: Bigyan mo
muna ako ng pitong taon.
Scene XVI
(Muling paglalakbay ni Don Juan)
Don Juan: Magpapahinga
muna ako sa may puno.
(Nagpahinga) (Dumating
ang Ibong Adarna)
Don Juan: Hindi ako
pwedeng makatulog
(Nagpalit anyo ang Ibon)
Ibong Adarna: Mayroong
isang magandang prinsesa na si Maria Blanca na anak ni Haring Salermo ng
kaharian ng Delos Cristales.
Don Juan: Kailangan ko
siyang hanapin.
Scene XVII
(Ang tatlong ermitanyo)
(Maynatagpuan siyang
Ermitanyo)
Don Juan: Alam niyo ho
ba kung saan ang Kaharian ng Delos Cristales?
Ermitanyo: Hindi, ngunit
baka alam ito ng aking nakakatandang kapatid.
(Nagbigay ng pirasong
tela)
Ermitanyo: Ipakita mo
ito sa kanya at itanong mo sa kanya iyan.
(Maglakbay si Don Juan)
(Nakita niya ang
Ermitanyo at ipinakita ang tela)
Don Juan: Pinapunta po
ako dito ng inyong nakababatang kapatid, Alam niyo ho ba kung saan ang Kaharian
ng Delos Cristales?
Ermitanyo 2: Hindi,
ngunit baka alam ito ng aking mas nakakata pang kapatid.
(nagbigay muli ng
kapirasong tela)
Ermitanyo 2: Ipakita mo
ito sa kanya at itanong mo sa kanya iyan.
(Naglakbay muli si Don
Juan)
(Nakita niya ang
Ermitanyo at ipinakita ang tela)
Don Juan: Pinapunta po
ako dito ng inyong nakababatang kapatid, Alam niyo ho ba kung saan ang Kaharian
ng Delos Cristales?
Ermitanyo 3: Hindi
ngunit alam ng agila ko ang lugar na iyan.
Don Juan: Pwede po ba
niya ituro kung asan ito.
Scene XVIII
(Dona Maria)
Agila: Pagnaligo na si
Dona Maria kunin mo ang kanyang damit at itago ito. Kapag hinanap na niya ito.
Magpakita ka na sa Princessa.
(Ginawa ni Don Juan ang
utos ng agila)
(Sinabi ni Don Juan ang
kanyang malinis na intension at hindi naman nagalit ang Princessa)
Scene XIX
(Mga utos ni Haring Salermo)
(Sinubukan ni Haring
Salermo si Don Juan)
(Flashback ng mga
pagsubok)* Medyo fastforward ng kauti:
Ang unang pagsubok ay
ang pagtibag ng bundok, pagpapatag nito at pagtatanim ng trigo na kinakailangan
kinabukasan ay may mainit na tinapay na magagawa kaagad si Juan at maibibigay
sa hari. Ang ikalawa ay ang paghuli sa 12 negrito na pinakawalan sa karagatan.
Ang ikatlo ay ang paglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at gagawing kastilyo,
na banding huli ay kanya ring pina- alis ang kastilyong ito upang makita ang
nahulog na singsing ng hari sa karagatan. Ang pinakamahirap ay ang paghahanap
nito ng singsing ng hari na kanyang pinaghati-hati ang katawan ni Maria upang
hanapin ang singsing ng hari, dahil dito nawala ang isa sa mga daliri ni Maria.
Gayunpaman, lagi nitong napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok ng hari sa
tulong na rin ng Mahika Blanka ni Donya Maria.
Haring Salermo: Dahil
natapos mo lahat ng aking pagsubok ay papayagan kitang pakasalan ang isa sa
aking mga anak.
(Ang napili ni Juan ay
si Maria kahit hindi ipinakita sa kanya ang mukha ng prinsesa. Dahil na rin sa
naputol na daliri ni Maria bilang naging palatandaan ni Juan sa kanya.)
Haring Salermo: Bakit
kilala ninyo ang isat-isa. Matagal nab a kayo magkakilala?
Dona Maria: Opo.
Haring Salermo: Dahil sa
kataksilan mo sa akin isusumpa kita makakalimutan ka ni Don Juan at
magpapakasal siya sa iba.
Scene XX
(Ang Kasal)
Don Juan: Iiwan muna
kita dito Maria. Pangako ko babalik ako.
***
Dona Leonora: Don Juan!
Buti na lang at nakabalik ka na.
(Nakalimutan na ni Juan
si Maria)
Don Juan: Nais ko pong
pakasalan si Dona Leonora
Haring Fernando: O sige,
pumapayag ako.
(Ikakasal na ang dalawa)
(Biglang dumating si Dona Maria)
(Isang negrito at
negrita ang inilabas ni Maria. Sa tuwing papalo ang negrita, hindi nasasaktan
sng negrito. Ang nasasaktan ay si Don Juan. Unti unting naalala ni Don Juan si
Dona Maria)
Don Juan: Ama! Naalala
ko na si Dona Maria talaga ang gusto kong pakasalan.
(Gulat na gulat si Dona
Leonora)
Haring Fernando: Si
Leonora na ang niyaya mong pakasalan dapat panindigan mo iyon.
Don Juan: Dona Leonora,
hindi ako karapatdapat sayo. Hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo dahil mahal
ko talaga si Dona Maria. Ang totoong nagmamahal sayo ay si Don Pedro.
Dona Leonora: Pumapayag
na ako.
(Nagpakasal na ang
dalawang pares)
The End J
Mga Sanggunian:
Bea Bernardo Jose. October 28, 2014. Ibong Adarna Script.
Retrieved from
http://docslide.net/documents/ibong-adarna-script.html
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento