Ibong Adarna Script
John Paul Canlas Solon
Narrator: Sa kaharian ng
Berbanya, may isang haring nagngangalang Haring Fernando ang nagkasakit dahil
sa isang masamang panaginip. Ang kanyang anak na bunso na si Don Juan ay
pinatay at tinapon sa isang balon. Dahil sa panaginip na iyon, inisip ito ng
hari at hindi nakatulog kaya'y ito'y nagkasakit. Tumawag na sila ng mangagammot
pero hindi malaman ng manggamot ang kanyang sakit.
Manggamot: Hindi ko
malaman kung ano ang sakit ni Haring Fernando. Pero baka mapagaling sya ng awit
ng Ibong Adarna. Ang ibong Adarna ay nakatira sa Bundok Tabor pero tuwing gabi
lang ito umuuwi sa kanyang tahanan. Ang kanyang bahay ay tinatawag na Piedras
Platas, ito’y isang napakagandang puno.
Don Pedro: Ako na ang
kukuha sa Ibong Adarna. Paalam mahal na Reyna at Hari at sa aking mga kapatid.
Narrator: Kinuha ni Don Pedro
ang kanyang Kabayo at nagsimula na kaagad sa paglalakbay. Tatlong buwan na ang
nagdaan ng namatay ang kanyang kabayong sinasakyan kaya naisipan ni Don Pedro
na maglakad at sa di kalaunan nakakita sya ng isang puno na ang mga sanga't
dahon ay tulad ng diyamante.
Don Pedro: Napakagandang
puno naman nito pero pagod na pagod na ako kaya dito muna ako magpapahinga
hanggang sumapit ang gabi. Baka ito na ang tirahan ng Ibong Adarna!
Narrator: Nang dumating
na ang takipsilim ang mga ibon ay dumating. Walang pinalagpas si Don Pedro na
ibong sa mga nakita nya. Ngunit wala doon ang Ibong Adarna kaya sya ay nagtaka.
Naghintay si Don Pedro hanggang mainip pero parang ang Ibong adarna ay may
engkanto, nang papaalis na si Don Pedro ito'y dumating. Ang ibong Adarna ay
kumanta kaya nabighani si Don Pedro at sa awit nito'y nakatulog at naging bato
siya. Dahil napakatagal ng umuwi ni Don Pedro, si Don Diego ay nagpasyang
sumunod.
Reyna Valeriana: Saan ka
pupunta aking anak?
Don Diego: pupuntahan ko
po ang Ibong Adarna at baka may nangyari na sa aking kapatid na si Don Pedro.
Reyna Valeriana: Sige
aking anak mag-iingat ka.
Narrator: Limang taon ang
nagdaan ng namatay ang kabayong sinasakyan ni Don Diego. Hindi alam ni Don Diego
na sya'y nasa bundok Tabor pero nalaman nya ito ng nakita nya ang napakagandang
punong Piedras platas kaya't si Don Diego ay naghintay hangang ang gabi'y
dumating.
Don Diego: Dumating na
nga ang Ibong Adarna gaya ng sabi ng Manggagamot. Napakagandang ibon sa kamay
ko lang mapaparoon. (Kumanta ang Ibong Adarna) Napakagandang awitin (At siya'y
nakatulog napatakan ng ipot kaya naging Bato.)
Narrator: Iisa na lang
ang pag-asa, ang nakababatang kapatid na lang na si Don Juan. Kaya't inutusan
at nagmadali pero bago yumaon sa Birheng Mariya'y pumaroon, nagdasal at humingi
ng proteksiyon sa paglalakbay niya sa Bundok Tabor. Si Don Juan ay naglakad sa
paglalakbay at nag baon ng limang tinapay. Kada isang buwan ang nagdaan doon
lamang kinakain ni Don Juan ang kanyang tinapay kaya't sya ay di madaling
nagutom. Apat na buwan na ang nakalilipas apat na tinapay din ang kanyang
nakain kaya't sya'y nagdasal sa Birheng Mariya.
Don Juan: Ako'y iyong
kahabagan, Birheng kalinis-linisan, nang akin ding matagalan itong matarik na
daan.
Narrator: Habang sya'y
naglalakad nakakita sya ng isang matandang sugatan at ang itsura'y kaawa-awa. Pagkakita
ni Don Juan ay binigay nya ang natitirang tinapay.
Matandang Ermitanyo : Ano
ang iyong pakay kaya't ika'y naririto at baka matulungan ko po kayo?
Don Juan: Kung gayon po
ay salamat ako po'y naghahanap ng isang lunas ang awit po ng Ibong Adarna at
isa pa po hinahanap ko po ang dalawa ko pong kapatid dahil 3 taon na po ang
nakalilipas nang sila'y pumunta dito at hindi pa po umuuwi .
Matandang Ermitayo: Sa
aba ko Don Juan, malaking kahirapan ang iyong pagdaraanan kaya ngayon ay bilin
kong mag-ingat ng totoo ng di maging bato. Sa pook matatanaw ay may kahoy kang
daratnan dikit ay ano lamang kawili-wiling tignan. Doo'y wag kang titigil at sa
ganda'y mahumaling sapagkat ang darating ang buhay mo'y magmamaliw. Sa ibaba
tumanaw ka at ika'y makakakita ng isang bahay na magtuturo sayo kung paano
makukuha ang ibong adarna. Itong tinapay ay dalhin mo na para baunin mo sa
iyong paglalakbay.
Don Juan: Maginoo, bakit
nyo po to isasauli gayong ibinigay ko na sa iyo itong tinapay? Ugali ko
pagkabata na maglimos na sa kawawa ang naipagkawanggawa bawiin pa'y di magawa.
Narrator: Pinilit ni Don Juan
na ibigay ang tinapay at kinuha ito ng matanda a't umalis ang matanda na ang
paglakad ay gaya ng ibong lumilipad. Pinagpatuloy ni Don Juan ang paglalakad ng
makita ang bahay ng Ibong Adarna na pagkaganda ganda kaya't si Don Juan ay
nabighani pero sa tulong na Mahal na Birhen namulat ang kanyang isipan at
naalala ang bilin ng matanda kaya sya'y tumanaw sa baba at nakita ang isang
matandang gaya ng tumulong sa kanya. Inanyayahan nito ang Prinsipe na pumunta
sa kanyang tirahan at sya'y pinakain ngunit nagtaka ng makita ang kanyang
tinapay na binigay sa matanda.
Don Juan: Ito'y isang
talinghangang kayhirap na maunawa. Yaong aking nilimusan ang isang matanda saka
dito'y iba nama'y ang Ermitanyo ang nag-alay? Hindi kaya baga ito ay sa diyos
sikreto? Anaki't si Kesukristo ang banal na Ermitanyo!
Matandang Ermitanyo 2: Don
Juan iyong sabihin ang layon mo'y nang maligning.
Don Juan: Matagal na pong
di hamak ang aking paglalagalag walang bundok o gubat ang hindi ko yata nalakad
dumanas ng kahirapan pagod, puyat, gutom, uhaw sa hirap ng mga daan palad ko
ang di mamatay. Lahat na po ay binata nang dahilan sa Adarna ibong matamis
kakanta na lunas sa aking ama.
Ermitanyo 2: Don Juan
yang hanap mo'y pinaghirapang totoo ngunit ang Adarna ay may engkantong wala
pang nakakatalo. Don Juan masusubok ko katibayan ng loob mo kung talaga ako'y
tutulong sa iyo. Punongkahoy na makinang na iyo nang daraanan ay doon namamahay
ang Adarnang iyong pakay. Ibong ito'y dumarating tuwing hatinggabi, ang
pagkanta'y malambing katahimikan kung gawin. Pitong awit ang ilalabas ng Adarna
pito rin at iba-ibang itsurang ilalabas ng Adarna. Itong pitong dayap ang
tutulong sa iyo sa isang Engkantada at bawat kantang pakikinggan ang palad mo
ay sugatan at ito'y pigaan ng dayap ang hilaw na laman. Pagkatapos ang Adarna
ay maglalabas ng dumi at ikaw'y mag-ingat na hindi maapakan at kung maapakan mo
ikaw ay magiging bato at matutulad ka sa dalawa mong kapatid. Dalhin mo rin
itong sintas pagkaginto ay matingkad, itali mo paghawak sa Adarnang mag-aalpas.
Kaya't ika’y humayo bago sumapit ang hatinggabi at ika'y mag-ingat at tandaan
ang mga sinabi .
Narrator: Naghintay si Don
Juan sa Ibong Adarna ng hanggang nakadating. Ginawa ang sinabi ng Matandang Ermitano
Don Juan : nahuli ko na
rin ang ibong adarna.
Narrator: bumalik si Don Juan
sa Ermitanyo at nagpasalamat
Don Juan: maraming salamat po at nahuli ko
ang ibong adarna.
Ermitanyo: walang anuman sa iyo , dahil sa
iyong kabutihang loob kaya nahuli mo ang
adarna. Nakita mo ba ang dalawang bato malapit sa puno ng piedras platas? iyon
ang iyong mga kapatid, magtungo ka roon at buhusan mo ang mga bato ng tubig na
ito upang magbalik sa dati ang iyong mga kapatid
Don Juan: maraming salamat, ako na po ay
tutungo doon.
Narrator: niligtas ni Don Juan ang kanyang
dalawang kapatid nang buhusan nya ito ng tubig ayon sa utos ng Ermitanyo .
nagtungo sila sa Ermitanyo upang magpaalam na.
Don Juan: kami po ay lilisan na upang
gumaling na ang aming ama. muli ay maraming salamat sa inyo pong pag tulong
upang mahuli ko ang adarna
Ermitanyo: mag iingat kayo sa inyong
paglalakbay, at Don Juan mag iingat ka dahil ang inggit ay nakasisira ng
pagiging magkakapatid.
Narrator: nag lakbay ang magkakapatid at sa
pag lalakad nila ay pinag kasunduan nila Don Pedro at Don Diego na bugbugin si Don
Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. At nagtagumpay sila sa masamang plano,
iniwan nila si Don Juan na duguan at nag patuloy sila maglakbay patungo sa
berbanya.
Don Pedro: narito na kami at dala na ang
ibong adarna.
Don Fernando: sino ang nakahuli ng adarna?
Don Pedro: ako!
Don Fernando: totoo ba iyon Don Diego?
Don Diego: totoo ang sinambit ni Don Pedro
sya ang nakahuli ng adarna.
Don Fernando: kung gayon, nasan si Don Juan?
hindi nyo ba sya nakita?
Don Pedro: hindi namin nakita si Don Juan.
maaring naglalakbay pa sya ngayon.
Donya Valeriana: simulan mo ng paawitin ang adarna upang
gumaling na ang inyong ama.
Narrator: pilit pinapaawit ni Don Pedro ang
adarna ngunit ayaw nitong umawit.
Donya Valeriana: bakit ayaw umawit ng
adarna?
Manggagamot: maaaring may hinihintay pa sya
na dumating. sino ba ang wala sa inyo?
Donya Valeriana: ang aming bunsong hanggang
ngayon ay hindi pa rin sya umuuwi.
Manggagamot: maaari nga sya ang hinihintay.
Narrator: maya maya ay laking gulat nila Don Pedro at Don Diego ,
dahil biglang dumating si Don Juan at nagsimulang umawit ang adarna
Donya Valeriana: anak buti at dumating kana,
dahil lalong lumubha ang karamdaman ng iyong ama nang ikaw ay wala.
Narrator: naging masaya ang lahat dahil sa
pagbalik ni Don Juan, kinwento ni Don Juan ang lahat ng nangyari, at sila Don Pedro
at Don Diego ay pinalayas ng kaharian dahil sa kanilang pagtataksil.
Mga Sanggunian:
John Paul Canlas Solon. April 19, 2015. Script Ibong Adarna. Retrieved
from
http://docslide.net/documents/script-ibong-adarna.html
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento