Tundo Man May Langit Din
ni Andres Cristobal Cruz
I. Panimula
Ang Tundo Man May Langit Din ay isang nobelang isinulat ni Andres Cristobal Cruz tungkol sa personal na paglalakbay ni Victor Del Mundo mula sa kahirapan na dulot ng kanyang tinitirahan na Tundo patungo sa isang mundo ng nga edukadong tao na nagnanais na makapagdala ng pagbabago sa lipunang kanyang ginagalawan.
Ito ay maaaring tawaging isang love story o kwentong pag-ibig, ngunit ang nobelang ito ay may mas malawak pang sakop. Tinatalakay rin ng aklat na ito ang nga suliraning panlipunan, pang-edukasyon, nasyonalistiko, panggoberyno, at pansarili. Ang Tundo Man May Langit Din ay isang kwentong sumasalamin sa iba’t ibang mukha ng lipunang Pilipino.
II. Pagsusuri
A. Pamagat
Ang pamagat na Ang Tundo Man May Langit Din ay halaw sa paniniwala ng pangunahing tauhan na si Victor na ang magulo at subsob sa hirap na lugar ng Tundo ay mayroon ding katumbas na kabutihan, na may magagandang bagay na makikita sa Looban at hindi lang puros dumi, gulo, kahirapan, at kawalang-pag-asa. Ang paniniwalang ito nag nagbibigay kay Victor ng lakas na loob upang mgapatuloy na igapang ang sarili upang magkaroon ng mas magandang pamumuhay. At hindi lamang nagtatapos sa kanyang sarili ang pag-unlad kundi pati na rin ang pagtulong niyang umunlad ang kanyang pamilya at mga kasamahan sa looban ng Tundo. Gaano man kabigat ang buhay ay mayroon pa ring mga bagay na nagpapagaan at nagpapaganda rito.
B. May Akda
Si Andres Cristobal Cruz ay isang kilalang makata at manunulat. Isinilang siya sa Dagupan, Pangasina, ngunit lumaki siya sa Tundo, Maynila at nag-aral sa Rizal Elementary School at Torres High School, kung saan siya naging manunulat para sa pahayagan ng nasabing paaralan. Nagtapos siya sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya’y nagsulat para sa mga babasahing Manila Chronicle, Sunday Times, Saturday Mirror, Weekly Women’s Magazine, Counterpoint, Liwayway, at Isyu. Isinulat niya ang mga nobelang Ang Tundo Man May Langit Din at Uliliang Pangarap. Nagkamit siya ng Araw ng Maynila Award, Gawad Balagtas ng Unyong ng mga Manunulat sa Pilipinas, Republic Cultural Heritage Award, at TOYM Award. Siya ay pumanaw noong ikapito ng Enero 2007 sa edad na pitumput-apat dahil sa sakit sa puso.
C. Mga Tauhan
Victor Del Mundo – isang laking-Tundo na working student (nagtrabaho sa isang palimbagan) na nagsumikap makatapos ng kolehiyo. Siya’y naging guro sa Torres High School . Si Victor ay isang idealist na naniniwalang ang magulo at mahirap na Tundo ay may langit din o katumbas na kaginhawaan.
Alma Fuentes – isang babaeng galing sa mayamang pamilya. Si Alma ay sanay sa marangyang uri ng pamumuhay, gaya ng mga bonggang party, mga debut, at charity events. Ngunit hindi na kuntento si Alma sa ganoong klase ng buhay, lalo pa’t nang nalaman niya ang pagkakabuntis ng kanyang ama sa isa nilang labandera. Kaya siya’y umalis sa pribadong kolehiyo na pinatatakbo ng mga madre na kanyang pinapasukan at lumipat sa kolehiyo kung saan nag-aaral si Victor. Siya rin ang nagtrabaho sa opisina ng kanyang tiyuhin kahit hindi naman niya kailangang magtrabaho. Nang makapagtapos ay pinili niyang magturo sa Torres High School sa Tundo, kahit na tutol dito ang kanyang mga magulang. Pinilit hanapin ni Alma ang labanderang ginawan ng masama ng kanyang ama upang tulungan ito.
Flor Flores – isang magandang babae na noo’y nakatira rin sa Tundo at dating kasintahan ni Victor. Nakilala niya si Tonyo at ito’y nagsilbing paraan niya ng pag-alis mula sa Tundo. Ikinasal sila ngunit nalaman niyang hindi pala tunay ang kanilang kasal dahil may naunang asawa si Tonyo. Sila’y nagkaanak ng lalaki. Gamit ang puhunang galing kay Tonyo ay nakapagpatayo si Flor ng isang patahian kung saa’y katulong niya si Dolores.
Lukas “Lukas Bakas” Del Mundo – ang nakatatandang kapatid ni Victor. Si Lukas ay isang lalaking mabarkada na walang permanenteng trabaho, ngunit minsan ay mayroon siyang pinapasadang pampasaherong jeep
Tatong Bamban – isa sa mga kaibigan ni Lukas na naging kaibigan na rin ni Victor.
Paeng Gasti -
Pilo -
Dolores – dating labandera ng mga Fuentes at ngayo’y katulong ni Flor. Nabuntis siya ni Mister Fuentes at binayaran upang umalis sa kanyang pinapasukan at manahimik. Galing sa isang malaking pamilya sa probinsya.
Minnie – pinsan ni Alma. Ama niya ang may-ari ng opisinang dati’y pinapasukan ni Alma
Nick – pinsan ni Alma at kapatid ni Minnie
Monching – masugid na manliligaw ni Alma at kaibigan ni Nick. Isa ring kagaya niyang laki sa yaman.
Pocholo – nakatatandang kapatid na lalaki ni Alma. Sanay ito sa marangyang uri ng pamumuhay.
Mister Fuentes – ama ni Alma, nakabuntis kay Dolores na dati nilang labandera
Tonyo Flores – asawa ni Flor na mayroon palang naunang asawa, si Chabeng. Mahal na mahal niya si Flor ngunit hindi niya tinalikuran ang kanyang responsibilidad sa naunag asawa at mga anak
Chabeng Flores – tunay na asawa ni Tonyo. Maysakit, may alta presyon, at masama rito ang magkaanak pa. Tanggap na niya ang relasyon nina Tonyo at Flor at hindi niya papagitnaan nang dalawa sapagkat nakita niyang tunay na nagmamahalan ang isa’t isa.
Konsehal Paking – isang konsehal sa lugar nina Victor. Handa siyang tumulong sa mga taga-Looban dahil malaki ang maiitutulong ng kanyang mga kawang-gawa sa kayang imahe bilang isang pulitiko
Pasing – isang weytres sa restawrang Intsik malapit kina Victor. Love interest ni Lukas.
Opreng – anak ni Mang Simon at nagsisilbing pinuno ng isang samahan ng mga kabataan na naitatag sa lugar nina Victor.
Mister Del Pilar – may-ari ng palimbagang pinapasukan ni Victor. Isa itong mabait na amo na dumalo pa sa pagtatapos ni Victor.
D. Tunggalian
Tao laban sa sarili – Sinusubukan ni Victor na baguhin ang kanyang nakagisnang kahirapan. Si Alma’y ganuon din, gusto niyang baguhin ang dating Alma na sanay sa luho.
Mayroon ring “inner conflict” ang ama ni Alma, at sa huli ay nakita niya ang kamalian na kanyang ginawa at ang maluwag niyang pagtanggap sa relasyon nina Alma at Victor ang kanyang naging “redeeming quality”.
Tao laban sa lipunan – Parehong sina Victor at Alma ang naghihimagsik sa kanilang sarisariling lipunan. Si Victor ay nilalabanan ang ignoransya at kahirapan. Si Alma nama’y ang maluhong uri ng pamumuhay at nakaaapi sa mahihirap.
E. Buod
Nagsimula ang Ang Tundo Man May Langit Din sa pagtawag ni Flor kay Victor upang sila’y muling magkita. Nagtagpo ang dalawang dating magsingirog sa dati nilang madalas na punatahan na palamigan sa Quiapo. Doon nalaman ni Victor na dalawang buwan nang nagdadalangtao sa Flor sa kanyang asawa na si Tonyo. Nag-usap ang dalawa at dahil dito’y na huli sa Victor sa napag-usapan nilang tagpuan ng kanyang kaklase na si Alma . Nagkagalit nag dalawa, at matapos noon ay napagpasyahan ni Victor na dalawin si Flor sa kanyang tinitirahang apartment. Pag-uwi ay nakipag-inuman si Victor sa kanyang nakatatandang kapatid na si Luas at ang tatlo nitong kaibigan na sina Paeng Gasti, Tatong Bamban, at Pilo. Matapos noon ay napaaway ang magkapatid na Del Mundo sa apat na Waray na umagaw sa kanilang serbesa noong sila’y nasa restawran. Kumalat ang pakikipagbakbakang ito sa buong Looban.
Kinabukasan sa paaralan ay may bisitang dumating., isang awtoridad sa kasaysayan ng Pilipinas na ang pangalan ay Agila. Hindi ito nakasundo ni Victor at kinuwestyon niya ang naturang libro ng nasabing manunulat. SI Alma naman ay na-realize na na may gusto siya kay Victor at bumili ito ng isang talaarawan o diary upang dito isulat ang kanyang mga saloobin. Napagpasyahan din nito na magkaroon ng isang pagtitipon para sa kanyang mga kaklase sa kanilang bahay, kasama na rito si Victor. Sa araw ng party ay pumunta muna muli si Victor sa apartment ni Flor, at sila’y muling nag-usap. Pagkatapos ay tumuloy na siya sa party ni Alma, kung saan ay inimbitahan din pala ng mga magulang ni Alma ang kanyang mga mayayamang kaibigan. Pag-uwi ay binigyan si Victor ng kanyang ina at kuya ng toga para maisuot sa kayang nalalapit na graduation.
F. Pagsusuri
Ang nobelang ito ni Andres Cristobal Cruz ay nakatuon sa pag-iibigan nina Victor at Alma , dalawang taong pinaghihiwalay ng magkaibang mundo. Ang kwento nila’y tila isang telenobela: si Alma’y ang langit habang si Victor naman ay lupa. Isa ito sentong tema ng nobela. Ang karakter ni Victor ay isang represantasyon ng mahirap na nakaabot sa kolehiyo at nakapagtapos gamit ang sariling sikap. Nangangarap siyang mapaulas ang sarili at ang kanilang pamumuhay gamit ng edukasyong nakamtan. Ito ang magsisilbing “langit” ng Tundo na lubos na pinaniniwalaan ni Victor. Si Alma naman ay “ naghihimagsik” mula sa lipunang kanyang kinalakihan: ang alta sociedad na puros luho at kasakiman sa pera. Tinalikuran niya ang nakasanayang marangyang pamumuhay at nagtrabaho kahit hindi naman kinakailangan. Si Alma ay naghahangad din ng kanyang sariling langit, at iyon ay sa piling ni Victor.
Si Dolores ang isa pang kumakatawan sa mahihirap sa kwento. Isa siyang halimbawa ng mahirap na ginawan ng mali at kawalang-hustisya ng mayaman. Isa rin siyang halimbawa ng mahirap na sa hirap ng buhay at pangangailangan ay nagpadala na sa tawag ng salapi. Tinanggap niya ang perang ibinigay sa kanya ni Mister Fuentes upang manahimik kahit na hindi ito ang tamang makatarungan pagtrato sa kanya.
Ang karakter ni Flor ay kumakatawan sa mga mahihirap na naghahangad ng biglaang-yaman at kumakapit sa patalim upang maiahon ang sarili mula sa kahirapan at para sa madaliang pagyaman, at handing ipagpalit ang tunay na pagmamahal para sa pera
Ang Tundo Man May Langit Din ay isang kwento ng iba’t ibang mukha ng lipunang Pilipino: mayaman at mahirap, walang pinag-aralan at edukado, asawa at kalaguyo, pulitiko at masa. Walang “bias” ang naging pagsulat ni Andres Cristobal Cruz sa mga magkasalungat na uri, bagkus naipakita niya ang bawat panig at ang sari-sarili nilang mundo at langit.
nakakatulong talaga!
TumugonBurahinyey salamat!
TumugonBurahinNakatutulong ng konti
TumugonBurahinHaaay.. After Asdfghjkl years. natapos ko rin yung babasahin ko sa tulong nito :D
TumugonBurahinThank you very much. Although I know a lot posted the same story over and over again, thanks nevertheless. You never know how much you helped. I was just wondering if you could include the relationship of the author and the novel. What he was feeling when he wrote it :)
TumugonBurahinMAraming salamat po.
TumugonBurahinthank you d2 solve prolema ko
TumugonBurahinheto dag2x kaalaman na naman.hehehe.mas lalo kung naiintindihan ang daloy ng mga pangyayari.
TumugonBurahinnakatulong ito saken sobra. kaso parang isang kabanata lang yata ito. sana ung buod ng buong nobela.. hehe.. but by the way thank you. GBU
TumugonBurahingood luck acsci pipz kaya natin to woohoo
TumugonBurahinthanks. Yes naman guys we can do dis acsci :--------)
TumugonBurahinThank u so mush
TumugonBurahinThank u po sa nobelang ito nakakatulong
TumugonBurahinsa manga mag aaral
Walang tagpuan :(
TumugonBurahinThank you for this information... :D
TumugonBurahinOmg.. ganito pala story nito? Nakaka-i love :) .
TumugonBurahinThankx talaga dito.. natapos yong reporting namin
TumugonBurahinYay! Salamat for these reliable informations. Nakatulong talaga. :D
TumugonBurahinGod bless sa nag post nito :)
TumugonBurahinmi kanya kanyang buhay ang tao. di natin namamalayan na marami na palang nGbabago.
TumugonBurahin#thanks sa info i've learned a lot from the story
buhay bilang tao nganaman tlgang nakapagtataka puno ng mysteryo at kababalaghan d naangkop sa buhay . madali ginagawang mahirap .
TumugonBurahinthank you sa shnare mong kaalaman sana may magawa ka pa sa inthefuture.
Sa anong teorya po nakapaloob tong nobela na to? Ask lang po
TumugonBurahinSana po mas kumpleto yung buod
TumugonBurahinanu po ba ang damdamin na ipinahiwatig ng mga tauhan sa dyalogo
TumugonBurahinSa anong teorya po nakapaloob tong nobela na to? Ask lang po
TumugonBurahinteoryang romantisismo
TumugonBurahinano po ang setting ng kwento??
TumugonBurahinAng setting ay sa loob ng unibersidad at sa gusali ng edukasyon
TumugonBurahintagpuan po ?
TumugonBurahin1.ano pong isyu kinararanas ng pamilyang pilipino ayon sa kwento ?
TumugonBurahin2.sa paanong paraan nkakaapekto ung nabanggit na isyu ?
3. anong solusyun sa nabanggit ng isyu ?
wala pong banghay? pero salamat pa din po . x
TumugonBurahinkailan po inilimbag ang nobela? salamat.
TumugonBurahinPangunahing tauhan? Protagonista? Antagonista? Wernayu? -Mrs.Styles
TumugonBurahinsalamat ng marami kaso nga lang walang theoryang panitikan pero salamat sa nag post nito
TumugonBurahinWlang talasalitaan
TumugonBurahinano ang istilo ng may akda sa pagsusulat nito????
TumugonBurahinsalamat
TumugonBurahinAno ang katangian ng guro sa loob ng teksto
TumugonBurahinAno ang katangian ng guro sa loob ng teksto
TumugonBurahinAno ang katangian ng guro sa loob ng teksto
TumugonBurahinslamat po
TumugonBurahinExcuse me po Alma fuertes po yan. Pls proofread your post po.
TumugonBurahinThanks!!! It help so much <3
TumugonBurahinMaraming salamat po para dito.
TumugonBurahin